xvii - SSH

16 1 0
                                    

Sulyap sa Hinaharap

‡ u n a . ⁰⁴ · ¹⁷ · ²³

Malayang masilayan, ang aking inaasam.
Ligayang may ningning, higit pa sa 'king hiling.
Matiwasay na kabuhayan, kailan mararamdaman?
Isang tanong na kailan man, mahirap hanapan ng kasagutan.

Tinik sa karamihan, laman sa nagtataasan.
Buhay naman ay nasa taning, kung hindi kakainin.
Masakit man sa lalamunan, subalit iyon ang katotohanan.
Walang mapapala sa hinaing at dahilan, sa mundong mahina ang iyong laban.

Sila ay nagsisiangatan, natitikman ang naisin ng tiyan.
Tayo ay butil-butil ng asin, kakaunti pa ang nakahaing kanin.
Kailan ba mauunawaan, na sana tayo man lang ay pagbigyan.
Ginhawang maranasan, hindi panlilimos sa kapabayaan.

••


REMINISCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon