xviii

5 0 0
                                    

untitled three —

marami ang nagsasabing hindi nababagay ang isang tulad ko sa iyo,
nais nila'y mayroong magagarbong ari-arian at naninirahan sa palasyo,
mga bulong-bulungan na ako'y sadyang isang ligaw lamang na damo,
na himalang umaasa na balang-araw ay magugustuhan mo.

ilang beses mang natisod at lumuhod sa iyong mataas na trono,
susundin at pakikinggan pa rin itong bulong ng puso,
gaano pa man ako pahirapan ng mundong ito na magulo,
ikaw at ikaw pa rin ang minimithi hanggang sa dulo ng hininga ko.

••

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

REMINISCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon