Chapter 53

65 19 0
                                    

Chapter 53

Thought It Was Good Day

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko habang naduduling na nakatingin sa kanya dahil sa sobrang lapit namin.

His eyes look at my lips once again, his lips parted, seemingly holding back. I gulped in no time. He spoke, "I really mean it, Roseen, I want you back."

Tinulak siya sa bandang dibdib, napakasariwa pa sa'kin ang gulo na nangyari kanina. "Komplikado pa ang lahat." Hindi yata siya natinag dahil ako yung napaatras sa pwersang ginamit ko para mapalayo siya.

He stepped towards me again. "I'll wait, I understand." I heave a sigh.

"Lumayo ka naman." Usal ko at nakakunot noong nakatingin sa mukha niya.

Nabigla ako nung narinig ko siyang tumawa, malakas. Ayan na naman siya, tatawa tapos hahanga na naman ako na parang na star struck. "Naiilang ka?" He gives me a questioning look together with a mischievous smile. "Can I have a kiss?" Dagdag niya pa habang nananatiling nakangisi, unti-unti na naman siyang lumalapit sa'kin.

The alert level rose up, not letting my guard down. Kinakabahan kasi ako, parang sasabog ang puso ko habang nakatingin sa kanya. Hindi naman ako natakot, alam kong walang gagawing masama sa'kin si Greigh. Kinakabahan ako sa ibang dahilan.

Nabunutan ako ng tinik nang marinig ang doorbell, napabuga ako ng hangin habang tanaw siyang tumungo sa gate. "G*go." Mahinang pagmumura ko sa sarili, lihim na natatawa sa isipan.

Nakita kong kinuha niya ang pagkain, lumapit naman ako sa kanila at nagbayad sa rider. Nagpasalamat ako at nagbigay ng tip. Binaling ko muli ang atensyon kay Greigh, dalawang supot ang dala niya kasabay nun ang pagkaing dala niya rin. Wala na akong nagawa kundi ang papapasukin siya sa bahay, niyaya ko siya at sabay kaming pumasok sa loob.

Tiningnan ko muli si Greigh nung nakapasok kami, nakatingin siya roon sa mga tambak kong gawain.

"Did you like the flowers?" Tanong niya ng malipat ang tingin sa mga rosas, nakakaagaw pansin ito sa gitna ng sala. Sarap sa mata tingnan.

Tumango ako. "Oo, paborito ko eh."

"Good..."

Tumawa ako ng mahina. "May pabulaklak ka pa pero salamat pa rin."

"Paborito mo eh." Tiningnan ko uli siya, kasalukuyan niyang nilalagay ang mga bitbit sa mesa. Di ko na pinatagal pa, kumuha na'ko ng mga pinggan na gagamitin namin. Sa buong araw kong walang kain, ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Nakita ko rin siyang hinanda ang pagkain sa mesa.

Magkaharap kaming dalawa at hindi ko siya magawang pansinin dahil naiilang nga ako. Isa-isa kong tinikman ang in-order kong mga pagkain.

"Try mo akin." Rinig kong sabi niya at nilagyan ng pagkain ang plato ko. Tiningnan ko siya at nakatitig siya sa'kin, bakas ang magaan niyang awra na siyang dahilan na mas nailang pa'ko. Ano ba ang ikinasaya ng isang 'to?

Kung makaakto ay parang hindi ako binigyan ng stress dahil sa nangyari kaninang umaga sa entrance ng subdivision.

Tinikman ko ang luto niya at masarap, masarap naman talaga lagi. Dahil doon ay kumuha pa'ko sa plastic container na dala niya. Nagsimula na rin siyang kumain pero kaunti lang.

"Um-order ng pagkain pero luto ko yung ubos." Rinig kong salita niya pagkaraan ng madaming minuto. Tiningnan ko ang kanyang pinggan, hindi siya kumakain sa luto niya at halos hindi nagalaw ang in-order kong pagkain online. Sinamaan ko siya ng tingin, napansin niyang masama ang tingin ko kaya bumaling siya, umirap ako.

Touch the Thorns (Veriamore Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon