Last Chapter

100 17 0
                                    

Last Chapter

End Of The Painful Chapter

Pagkatapos kong masaksihan ang katotohanan sa tinitirhan ni Aleks ay kaagad akong umalis. Pero bago pa man nun ay sinabi ko kay Aleks na nandito si Tita Anisa sa pinas upang hanapin siya at tulungan.

"Totoo ba, Anak?" Lumingon muli ako kay Mama. Nagtaka siya kanina nung pumunta si Aleks dito na wala ako, ngayon lang ako bumalik sa bahay at gabi na. Base sa kwento ni Mama, sinabi ni Aleks ang dahilan kung bakit kami hindi nagkasama, sinabi niya na trinaydor niya ako. Umiyak siya sa harapan ni Mama kanina at humingi ng tawad.

"Opo, Mama." Bahagya akong tumango.

"Ano na ang gagawin mo ngayon?"

Tiningnan ko si Mama bago nagsalita, "Hindi ko na sila gagambalain, Ma."

Napa-iling nalang siya sa sinabi ko. "'Wag mo ng balikan ang Jace na 'yan, ang laki ng tiwala ko sa kanya sinayang niya lang." Galit si Mama kay Jace at hindi ko masisisi iyon, nagpatuloy siya habang sa malayo nakatingin, "para ko na ring tinuring na anak si Aleks."

Kaagad akong umiling kay Mama at hinaplos ang kanyang braso. "Huwag na tayong magtanim ng masamang loob sa kanila, Mama."

Nakita kong kumunot ang kanyang noo. "Sila ang dahilan kaya ka nagkaganyan, napabayaan mo ang pag-aaral mo dahil sa pag-ibig na yan!" Umupo ng maayos si Mama sa kanyang wheelchair, handa nang talikuran ako. "Kaya nga ako hindi na nag-asawa muli dahil masakit lang yan sa ulo." Tuluyan na'kong tinalikuran ni Mama, tinanaw ko nalang siya na tumungo sa kanyang kwarto.

Dumaan ang isang linggo at hindi pa rin maganda ang pakikitungo ni Mama sa'kin, lalong-lalo na nung sinabi ko na titigil muna ako sa pag-aaral. Gusto ko munang magpahinga, kasalukuyan akong may sakit ngayon at hinayaan lang ako ni Mama, sanay akong inaalagaan niya talaga kapag may sakit kami ni Roel. Sa tingin ko'y tinamaan na rin ako ng depresyon. Ayoko ng lumabas ng kwarto, wala akong ganang kumain, palagi nalang akong umiiyak gabi-gabi dahil sa halo-halong isipin, wala na'kong gana sa lahat, gusto ko nalang tumihaya lagi sa kama.

"Ate, hindi mo na naman kinain ang pagkaing dala ko."

"Ate, labas tayo?"

"Hindi na galit si Mama sa'yo, Ate, kaya bumaba na tayo."

"Ate, makinig ka naman sa'kin, please..."

"Ate, magsusumbong na talaga ako kina Uncle Matteo kapag hindi ka pa lalabas diyan." Iyan ang ilan sa mga naririnig ko galing kay Roel araw-araw. Isusumbong niya raw ako sa kapatid ni Mama na sobrang strikto sa'kin, paniguradong pag nalaman niya ito ay ipapabakasyon na naman ako sa probinsya nila.

Tamad kong sinilip ang aking phone, gaya ng inaasahan ay ang dami na namang chats at missed calls. Ang pinakamadami ay kay Aleks, wala sa sariling blinock ko ang lahat ng social media niya na may koneksyon sa'kin. Naririndi ako, napakakulit.

"Ma..." Pagkatapos ng isang linggo ay nakausap ko na rin si Mama, nandito kami ngayon sa may sala malapit sa may hagdan. Naka-wheelchair siya at tamad siyang nakatingin sa'kin.

Nakita ko siyang bumuntong-hininga. "Mag-impake ka na dahil susunduin tayo ng Uncle Matteo mo mamaya."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Pero Ma—"

"Hindi mo'ko maarte-arte, Roseen, kasalanan niyo yan." Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod na siya sa'kin. Pumasok siya sa kwarto niya.

Wala na akong nagawa. Kinakabahan ako sa Uncle ko, inaasahan ko nang hindi na magiging maganda ang paparating na araw, at magsisimula ito ngayon.

Touch the Thorns (Veriamore Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon