"Sometimes the purpose of the thorns is simply to draw attention to the rose." ~Cristine Rodgers
Chapter 25
The Imperfectly Perfect Monthsarry
Pumasok na ako sa unang klase sa hapon, umalis kami kaagad ni Greigh pagkatapos naming kumain kanina. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras doon. Nakahalukipkip ako habang nakatingin sa guro na nasa harapan, hindi niya kasi ako kinantahan kanina.
"Eh, pano naman iyong isang promise mo sa'kin?"
Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa'kin. "What?" Muntik na akong mapa-irap dahil sa sinabi niya, nakalimutan yata.
"Kantahan mo'ko."
Bumalik siya muli sa pagkain. "Wag na..." Nawala ang gana ko sa pagkain kaya tinulak ko iyon papunta sa kanyang harapan, pinagmasdan naman niya ang ginawa ko. Mas mahigit ang araw na hindi kami nagkita at monthsarry pa namin ngayon, kahit isang kanta lang naman.
"I can cook later for you." Binalik nya ang pagkain sa harapan ko at tiningnan ako ng maigi. Gusto ko lang naman magdemand na mas gusto kong marinig ang boses niya, tapos na s'yang lutuan ako. Pinapangarap ng mga babae na kantahan sila sa araw ng monthsarry o anniversary.
"Kahit isang kanta sa araw na ito?" Umiling siya sa'kin bago tingnan ang pagkain ko. He look at me with authoritative look so I obeyed. Tahimik nalang akong kumain.
"Hindi na 'yan ginagawa ngayon." Sabi niya kalaunan na s'yang nagpalungkot sa'kin.
Tumayo na ako para ipasa ang papel sa guro. Ginawa ko na rin ang ibang gawain para wala ng aasikasuhin bukas. Paglabas ko ay naabutan ko si Aleks na mag-isang naglakad papuntang cafeteria, magmemeryenda. Sumabay ako sa kanya at nagtanong siya kung bakit wala ako sa lunch, sinabi ko ang nangyari kanina sa kanya.
"Ay! Natiis ka niya, Bess. Uma-attitude bf mo." Hindi ako sumagot kay Aleks.
"Pero hindi mo masasabi, Bess, baka mamaya! Malay mo." Pagbawi niya kaagad noong napansin niya ang pagkatahimik ko. Ngumiti ako sa kanya. Just think positive, trust the ways of men.
Naghiwalay kami kaagad dahil nagbell na para sa susunod na period. Mabuti naman ang daloy ng klase sa computer lab at maaga kaming pinauwi. Paglabas ko ay nagmessage sa'kin si Greigh.
Greigh:
'Hinihintay kita dito sa parking lot.'Nag-chat narin ako kina Aleks at Jim na sasabay ako kay Greigh, nang-asar pa si Jim pero hindi ko na ni-replyan. Nakarating na ako sa parking lot at madilim-dilim ito. Hinanap ko si Greigh doon at nakita ko siya sa hindi kalayuan, naninigarilyo habang nakasandal sa itim na kotse.
Tiningnan ko ang guard sa hindi rin kalayuan, hindi niya alam na merong naninigarilyo. Napa-iling nalang ako. Lumapit ako kay Greigh at tinapakan na niya ang sigarilyong hawak.
"Naninigarilyo ka pa rin pala." Sabi ko habang diretso ang lakad, ako na ang nagbukas ng pinto sa shotgun at pumasok. Nakaramdam na ako ng kaunting pagkabadtrip dahil sa lalaking may tattoo. Una, hindi niya ako kinantahan at pangalawa, nakalimutan yata n'yang rule niya yan na bawal manigarilyo.
Mukhang gusto ko ng paniwalaan si Aleks, kaya akong tiisin ni Greigh. Yeah, you knew Greigh, he is heartless and insensitive.
Bumuntong hininga ako at hindi siya tiningnan. Umupo na siya sa driver seat, tiningnan niya ako.
"Bakit? Hindi mo gustong maninigarilyo ako?" Muntik ko na s'yang irapan, nakalimutan niya na nga. Ako na yata ang pinakadakilang tao na nababadtrip sa monthsarry.
BINABASA MO ANG
Touch the Thorns (Veriamore Series 1)
Romance"I am willing to take the pleasure in pain, even his thorns dig painfully to my soul." Roseen Victorino has feelings for Greigh Stefano Veriamore. Admiring him is a part of her life. Who can't fall for Greigh though, he is smart and a kind man. A pe...