Chapter 9
Big Discouragement
Limang segundo ang lumipas ng nagkakatitigan kami. Isa pang limang segundo, bumitiw na ang pagkakahawak niya sa bewang ko. At huling limang segundo, binalik niya ang tingin sa buwan na may ngiti sa mga labi.
I stared at him. I feel my heart beating with happiness. The genuine Greigh I have met before is back, but those smile pass solely.
Nawala ang ngiti niya pagkatapos ng maliit na segundo, mukhang natanto n'yang nakangiti siya.
Tumingin siya sa'kin. "Salamat. Makakabawi rin ako kapag nakuha ko na ang sweldo." He said calmly.
"Wag mo ng isipin." Marahan kong sabi at wala na akong narinig sa kanya.
Pinanood ko siya habang nakatoon ang kanyang atensyon sa bigay ko. Binuksan niya ito at muling tumingin sa'kin. "Mind to eat with me?"
Umiling ako. Ningitian ko siya. I am happy that I have now a normal conversation with him. One of my simple achievement.
Kakain na ba siya? Paano siya kakain kung liwanag lang ng buwan ang s'yang nagbibigay liwanag?
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa tsaka ON ng flashlight. "Kumain kana." Nakangiti kong sabi.
Nasisiyahan akong pinagmasdan s'yang kumakain. Imagine the simple scenario, with a light from the moon and flashlight, and this mysterious man being spotlight from my only two eyes.
Pinapangako ko sa sarili na simula ngayon ay sisimulan ko nang gibain ang mga pader na nakabalot sa kanya. No matter what it takes.
Habang kumakain ay nakikita ko s'yang sumusulyap sa'kin, sinusuklian ko 'yun ng ngiting walang halong kaba. Bakit pa ba kakabahan? Nasimulan ko na kaya isasantabi na.
"Hindi ka pumasok?" Tanong ko pagkatapos makakuha ng oportunidad. Tumingin muli siya sa'kin at binaba ang pagkain, tapos na siya.
"Hindi." Tipid n'yang sabi pagkatapos makainom ng tubig, pinagmasdan ko ang kanyang adam's apple na gumagalaw.
"Matagal-tagal na rin syang nagtatrabaho dito, I think... almost 5 months?"
"He is well know as a bad guy in EU University before. Bumalik na pala siya sa pag-aaral?"
"Yes, he's about to graduate but he suddenly stop in studying. He is definitely a bad news."
Naalala ko ang mga sinabi sa'kin ni Adonis sa coffee shop. Isa iyon sa mga malalaking tanong na bumagabag sa'kin.
"Bakit hindi ka pumasok?"
Tanong ko uli na s'yang dahilan kung bakit napatitig siya sa'kin. Ang iris ng kanyang mga mata'y tila naliwanag dahil sa flashlight. Pinatay ko ang flashlight, nakaka-ilang pala.
Nakatitig parin siya sa'kin at hindi man lang ako bumawi ng tingin. Napatiim bangang siya. "Para saan pa?"
Nagtaka ako para sa balik tanong n'yang sabi sa'kin. Ibubuka ko na sana ang mga labi para magtanong uli ng meron kaming nadinig na isang busina. Muntik pa akong mapatalon dahil sa gulat.
"Shit! What a scene?" Lumingon ako sa may likod at nakita ko roon si Kleighton na papalapit. Nanlalaki ang mga matang tumayo ako.
Tiningnan ko si Greigh na hindi nawala ang titig sa'kin. Tinapon ko ang tingin kay Kleighton, nakapaskil ang nakakalokong ngisi habang nakatingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
Touch the Thorns (Veriamore Series 1)
Romance"I am willing to take the pleasure in pain, even his thorns dig painfully to my soul." Roseen Victorino has feelings for Greigh Stefano Veriamore. Admiring him is a part of her life. Who can't fall for Greigh though, he is smart and a kind man. A pe...