Chapter 12

146 28 0
                                    

Chapter 12

His Rigid Mysteries

Ngumiti muli ako sa kanya. Hindi ko inalintana ang lapit namin. Only the small space between us. Naglakas-loob akong tumitig sa kanya, sa kanyang mga mata.

Nagkasalubong ang kanyang dalawang kilay. Lumaban sa titig ko. At dahan-dahan bumuntong hininga.

"Nakapasok kana nga." Kanyang mahinang sambit sa sarili.

Dahil sa sinabi niya ay naging inspired akong pumasok kinabukasan. Sana ay pumasok din siya.

Pumunta ako sa bahay nina Adonis ngunit sinabi ni Tita na maagang pumasok si Ado dahil may maagang practice ang mga varsity sa tennis. Yeah, Adonis is a tennis varsity in EU.

Naglakad nalang ako ng mag-isa papalabas ng subdivision. Pinapanalangin din na sana kahit isang beses ay magkasabay kami ni Greigh na pumasok. Gayun paman, masaya parin ako.

"Oh! Ngiti-ngiti mo d'yan?" Bungad sa'kin ni Aleks. Hindi pa naman nagbell para sa first subject kaya sinamahan ko muna siya na hintayin ang nobyo niya. Tsk, clingy.

"Bakit? Bawal bang maging masaya?" Nakapamewang na siya ngayon, parang nag-iisip. She suddenly smirk evilly to me before she slightly grab my arm and whisper.

"Bakit ka nakangiti huh? Minsan kalang ngumiti na parang baliw sa umaga, Bess." I disjunct our skin immediately. I leered at her to death. Ang sama! Baliw ba talaga?

Pabiro niya akong tinampal. "Oh ano? Siya ba? Iyong taong gustong-gusto mo noon? Iyong taong hindi mo naman sinabi ang pangalan sa'kin! Bakit? Nakita mo na ulit?" Madaming tanong niya.

Oo, hindi ko sinabi sa kanya ang pangalan ng taong kinababaliwan ko noon. Napangiti muli ako sa naisip. Pareho lang ang ngiting nagawa ko dahil sa epekto niya sakin—hindi talaga nagbago. The old and new him are equal for giving me the same affection.

"Baliw ka na!" Usik ni Aleks pagkatapos hindi ko nasagot ang madaming tanong niya, ngumingiti lang ako.

Dumating narin si Jim kaya nakawala narin ako sa kakulitan ni Aleks. Kinuwento niya nga kay Jim pero binigyan lamang ako nito ng ngisi.

"Hayaan mo na, para makapaglove life narin si Rose." Sabi ni Jim habang kinukulit ako ni Aleks sa mga konklusyon niya. Tumigil narin si Aleks pero ang mga mata ay nanatili sa'kin.

"Oo na, masaya ako dahil sa kanya. Titigilan mo na ba ako?" Tinigilan niya na rin ako ng tuluyan.

"Obsessed kana." Sabi niya pagkatapos naming maghiwalay dahil nagbell na para sa first subject ngayong araw.

Obsessed? Mukhang nahuhulog na ngang obsession itong ginagawa ko. I am obsessed about his mystery. His an enigma and I need to solve the logic.

Unang subject ay ang Practical Research 2 kaya madadaanan ko ang gate papuntang college. Tinapunan ko lang ito ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagdating ko sa room ay sumunod namang dumating agad ang guro. Umupo ako sa dating kina-uupuan at tiningnan ang grupong kababaehan kong kaklase. Hindi naman nila ako pinansin kaya napanatag ako.

"Hi." Napatingin ako sa katabi ko, iyong lalaki kong kaklase sa subject na iyon.

"Hi." Bati ko rin pabalik at nakinig na sa guro. Nagdiscuss na si Sir sa harap at nagbigay ng mga schedule para sa aming mga panelist. Binigyan kami ng oras ni Sir para makapag-asikaso na sa mga gawain namin sa subject na iyon.

"Tapos kana sa topic mo?" Napalingon uli ako sa katabi ko. Siya lang ang palaging pumapansin sa'kin sa loob ng classroom na ito. May eyeglasses ito at mukhang seryoso sa pag-aaral gaya ng iba.

Touch the Thorns (Veriamore Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon