Chapter Four

50 2 0
                                    



Onnaicka's POV


gaya nga ng sabi ni kuya, Nagsimula nga kaming mag-training kinabukasan at naulit pa ang mga training na yon sa loob ng dalawang linggo.


Paminsan-minsan tumatakas kami para mamasyal. Nakasama rin namin si kuya nong isang beses pero di na naulit.


Muntikan pa nga kaming mahuli nang minsang doon kami sa pasilyong puno ng mga paintings dadaan. Kaya simula non doon na kami sa kwarto ni kuya dumadaan.







At ngayon, nandito nanaman kami sa labas ng palasyo namamasyal. Katatapos lang kase kahapon ng halos 2 weeks naming training. Di ko na ikwekwento ang mga ginawa namin. Masyado kaseng mahirap eh.


Bumalik nga ako kanina doon sa park kung saan narinig ko yong lalakeng kumakanta kaso tahimik yong parte ng park na yon. School days kase ngayon.


Nong unang labas kase nila na kasama ako ay holly day. Ewan ko nga kung bakit naka-uniform yong isang grupo na nakasalubong ko that time.



nandito kami ngayon sa taas ng isang burol para tumambay


At kasama din namin si kuya.



"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong sa akin ni kuya


"oo kuya sigurado na ako. Samahan mo akong magsabi kina Ina at Ama ah."


"sure. basta ikaw." sabay gulo ng buhok ko.

"sigurado ka bang kaya mong mag-isa?" pahabol niyang tanong


"oo naman kuya. Malaki na ako. Di ko na kailangan ng kasama." sagot ko sa kanya.





Nagulat nga yong tatlo kong pinsan nong sinabi ko sa kanila ang plano ko.


Di raw nila akalain na maiisip ko yon. Daig ko pa raw sila kase ni minsan di raw yon sumagi sa isip nila.




Lumipas pa ang mga oras. Nagkulitan lang kami doon sa tuktok ng burol hanggang sa lumubog na ang araw.


Sabay sabay pa nga naming pinanood yon.




Nandito na ulit kami sa palasyo at tanging si kuya na lang ang kasama ko.

That Nerd is a Royal PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon