Chapter 10

87 2 1
                                    

Onnaicka's POV:

Pagkagaling namin sa school ay kumain muna kami sa isang sikat na kainan malapit sa school. Siyempre nagbihis muna ako bago pumunta ron. Konti lang naman ang mga kumakain kaya nakahanap kami agad ng pwesto.

Agad naman kaming nilapitan ng waiter at tinanong ang mga orders namin. Nagkwentuhan kami hanggang sa dumating na ang mga inorder namin.

Puro kwentuhan at tawanan lang ang table namin pero siyempre mahina lang. Ayaw naman naming makakuha ng attention sa mga kasama namin kumakain.

Di namin namalayang 10 pm na pala. Nagbayad muna ako bago kami umalis. Nakakatawa nga si kuya waiter kase halos tulo laway na sa mga magagandang kasama ko hahhaahhaha!

Nagdarive ako ngayon kasama sina Ela, Nicky at Magi. Si Ela ang nakaupo sa katabi kong upuan sa harap at yong dalawa naman sa likod. Nagmamasid-masid si Ela sa mga nadadaanan namin.

Masaya ako't nandito na sila. Yes tama kayo. Mga personal dama ko nga sila pero di ko sila itinuturing na julalay o kung ano ano pang may kinalaman sa pagiging personal assistant. Magulo ba? Bahala na kayo umintindi whahahahaahhaha! Tinuturing ko na silang mga kaibigan ko o mas mabuting sabihin na tinuturing ko sila bilang mga kapatid.

Malaki ang naging papel nila sa akin sa palasyo. Sila ang dahilan kung bakit naging masaya ang pamamalagi ko sa palasyo.

Madalas ko silang kasama sa mga trainings at ibang mga activities sa palasyo.

"bakit ka nga pala naka nerdy outfit?" tanong sa akin ni Ela. Magaling si Ela sa katana. Marami akong natutuhan sa kanya. Mga iba't ibang istilo sa paghawak ng katana at pamamaraan sa pakikipaglaban gamit ang katana. "Ayaw ko kaseng magustuhan ako ng mga tao dahil sa itsura ko. Gusto kong magustuhan nila ako kahit na panget ako." sandali ko siyang tiningnan at dumeretcho na ng tingin sa daan. "hanggang kailan ka ganyan?"; "hindi ko rin alam. Depende na lang sa panahon.";

"bukas na pala kami magsisimulang pumasok sa school mo. Same course and schedule."; "napangiti naman ako sa sinabi ni Ela. "Sina ama at ina talaga masyadong concern sa akin."; "ganon talaga! Di mo sila masisisi. Ngayon ka lang nahiwalay sa kanila ng sobrang layo." napatingin naman ako kay Nicky at Magi; puro mga tulog. Masyado sigurong napagod sa biyahe.

Pagdating namin sa apartment, nakapatay na ang lahat ng ilaw. Siguro tulog na si Paolo. Di ko naman na kailangang ipakilala pa sila kay Pao kase magkababata kami. Di lang alam ni Pao na nandito sila Ela sa pinas.

Itinuro ko sa kanila ang isang guess room na katabi ng room ko. Doon sila matutulog na tatlo. Malaki naman yon.

Sana ay maging maganda ang unang araw nila bukas.

Nagising ako kinabukasan dahil sa malalakas na tawanan sa baba. Nagmuni-muni muna ako bago naghilamos at mag-ayos at pagkatapos say bumaba. Naabutan ko silang ttatlo kasama si Paolo na masayang naghahanda ng almusal namin.

Nakarating na ako sa may kusina peroparang may sarili silang mundo kaya di nila ako napapansin.

May nakita akong bread knife sa may mesa. Dahan-dahan kong kinuha yon at bumalik ako sa may bungad ng kusina at sabay hagis sa dereksyon nila. Napangiti naman ako dahil naiwasan nila yon.

Napa-hands up naman ako ng sabay-sabay silang lumingon sa akin. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, siguradong nasa 6 feet underground na ako ngayon.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat ng sabay-sabay silang nag-smerk at hagis sa akin ng walong kutchilyo. May hawak sila kaliwa't kanan. Buti na lang at mabilis ang reflexes ko at naiwasan ko lahat yon.

Ako naman ang napa-smerk at for the enth time, sabay sabay naman silang ngumiti.

Sakto namang tapos na ang mga niluluto nila kaya't nagsiupo na kami at kumain. Siyempre may kasamang kwentuhan yon. Di naman mahalaga ang mga pinag-usapan kaya no need to tell you readers na lang.

After kumain ay nag-ayos muna kami sandali at pumasok na.

Nang makarating kami sa school ay pinauna ko na sila sa classroom kasama si Paolo dahil may aayusin pa ako sa motor ko.

Nang matapos ko na ay sumunod na ako sa kanila. Pagpasok ko sa room ay nagtuturo na si prof sa harap.

Ngumiti na lang ako sa prof at tumango lang siya sa akin. Nakita ko naman ang mga friends ko na sila Ela, Nicky at Magi na nakaupo sa row bago sa row namin.

Tiningnan ko naman sila ng nakapag-introduce look na kayo at tumango. Dumeretcho na lang ako sa upuan ko which is sa likuran lang ng upuan nila. Si Kyle at Silver naman ay ngiting'ngiti na nakatingin sa tatlo sabay magbubulungan.

Sabay nila akong tiningnan ng ipakilala mo kami look. Tiningnan ko rin sila ng mamaya na look. "Seriously? Uso na pala ngayon ang look conversation?" matawa-tawang bulong sa akin ni Paolo.

Nagpipigil naman ako ng tawa ng marealise ko ang sinasabi niya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Nerd is a Royal PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon