Chapter 7

54 0 0
                                    

Onnaicka's POV:



Umaga na ngayon. At dahil umaga na, kailangan ko nang pumasok sa university. Pero hindi ko alam ang gagawin ko. Kanina pa ako pasilip-silip sa pintuan ng kwarto ko. Nagbabakasakaling baka nauna na si Paolo sa pagpasok. Nagtyatyaga akong sumilip sa kakaunting siwang na binubuksan ko mayat't maya. Para akong magnanakaw na nag-aabang ng pagkakataon para makapuslit.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung pano ko haharapin si Paolo sa mga nalaman ko. Kagabi kase, doon sa plastic ng national book store, may nakasingit na DVD. At dahil likas akong ma-curious, pinanood ko kung anong laman nong DVD. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko habang pinapanood ko yong nasa video. Ang laki kung tanga dahil hindi ko siya agad namukhaan. Kaya pala familiar ang mukha niya sa akin.

Heto nanaman ako pasilip-silip. Tingin sa kanan; tingin sa kalewa at walang Paolo akong nakita. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sinisigurado kong wala akong ingay na magagawa. Ligtas ko namang naisarado ang pinto paglabas ko. Para akong ewan na palingon-lingon sa paligid habang pababa sa hagdanan hanggang sa makarating ako sa main door ng bahay. At gaya ng isang magnanakaw, slowly but surely kong binubuksan ang pinto. Tingin ulit sa kanan at kalewa isama mo na rin sa harapan at likuran ko. Pero gaya kanina, walang Paolo akong nakita.

Napangiti naman ako. Dali-dali kong isinara ang pintuan sa main door at patakbong nagpunta sa pinagparadahan ko ng motor ko. agad ko namang nakita ang pinakamamahal kong motor sa garahe. Agad-agad naman akong sumakay at pinaharurot ang motor papuntang school.

Habang nasa daan, napatingin ako sa risk watch ko at nanlaki ang mga mata ko sa gulat. sht! 7:30 na! 30 minutes na akong late! Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ko. Marami na akong sasakyan na nalampasan. Sinisigawan na nga nila ako pero di ko sila pinapansin. Pake ba nila, malelate na ako eh. ay mali! super duper late na talaga ako.

Haharangin pa sana ako ng guard ng school namin pero ipinakita ko na lang ang ID ko at derederetcho na akong pumasok at nagpark sa katabing sasakyan ni Paolo. Pano ko nalamang kay Paolo yon? Wala na kayo doon.

Takbo lakad na ang ginagawa ko dito sa may hallway. Mabuti na lang walang tao. Siguro nasa mga klase na ang mga studyante. Pero agad din akong napahinto ng maalala kong di ko pala alam ang kinaroroonan ng classroom ko. Napasapo na lang ako sa noo ko sa sobrang prostration. Nagpalinga-linga ako at nagbabakasakaling may makita akong studyante na pwede kong mapagtanungan pero sht lang talaga. Ako lang ata ang tao ngayon dito sa kinatatayuan ko!

Halos mapapitlag naman ako dahil sa isang kamay na bigla na lang pumatong sa kanang balikat ko. At halos lumundag ako sa gulat; " p paolo? k kanina ka pa d diyan?"; "bakit nauutal ka ata?" pataas taas pa ng kilay na sabi niya. At dahil sa inis ko ay bigla ko siyang nasuntok sa may tiyan. Hayon ang loko bagsak sa sahig. Pinamewangan ko naman siya at binigyan ng killer look ko; " "bakit di mo sinabi agad ah!" pasigaw kong tanong.

"sinabi ang alin?" tanong niya habang tumatayo mula sa pagkakasalpak niya sa sahig sabay aayos ng medyo nagulo niyang uniform. "wag ka ngang magkunwaring di mo alam ang tinutukoy ko!" pasigaw ko pa ring sabi. Buti na lang walang tao ngayon dito sa hallway.

"na ikaw pala ang kababata ko at kanina ka pa ba nandiyan ha? Kaya pala parang may sumusunod sa akin kanina pa!"at ang loko tinawanan pa ako. Nagkaroon naman ako ng pagkakataong pagmasdan ang mukha niya. Lalo siyang naging guwapo sa paningin ko. Matangos na ilong, mamula-mulang mga labi, blond na buhok na may konting bangs sa may right side ng noo niya, medyo singkit na mga mata at makinis na mukha. aysssssssh! Back to your senses Onnaicka. Bulong ko sa sarili ko. "hmmmmm? may sinasabi ka ba Onnaicka?" may nakakalokong ngiti niyang tanong sa akin.

Magsasalita pa sana ako pero agad na niya akong hinawakan sa may braso at kinaladkad; "baka nakakalimutan mong late na late na tayo?" nanlaki naman ang mga mata ko. "aysssssh! oo nga!" at ako na mismo ang humila sa kanya pero napahinto nanaman ako at napalingon sa kanya. "o? bakit ka huminto?" taas kilay niyang tanong. Pero himbis na sagutin ay tiningnan ko na lang siya ng masama at sana na-gets niya ang mga gusto kong sabihin sa pamamagitan ng tingin. Tiningnan naman niya ako ulit ng nakakaloko at this time siya naman ang humila sa akin. "hila ng hila; hindi naman alam ang pupuntahan." bulong niya pero hindi ko naman naintindihin. "ano? may sinasabi ka ba?" pero di na niya ako pinansin at tuloy-tuloy lang niya akong kinaladkad hanggang tumigil kami sa isang pinto at kumatok ng tatlong beses at pinagbuksan naman kami ng professor base na rin sa itchura ng suot niya.

"kayo ba ang bagong studyante?" nakangiti niyang tanong sa amin. "opo." nakangiti kong sabi. Infairness ah; cute si sir hehheehehhe." para kang tanga sa pangitingiti mo diyan. Bulong sa akin ni Paolo. Sinimangutan ko naman siya. "you may go inside."

Bigla namang nanahimik ang klase ng pumasok kami. "you may introduce yourself." nakangiti pa ring sabi ni sir sa amin. "hi guys. I'm Paolo rusch. I hope we can be friends." pacute niyang pakilala. At ang mga babae ay bigla na lang nagtinginan at sabay-sabay na "waaaaaaaah! Ang guwapo mo Paolo!", "please be mine!", "dito ka umupo Paolo o. May bakante pa.". Ilan lang yan sa mga marinig ko mula sa kanila. And now, its my turn. :Hi!" sabay kaway sa kanila habang may malawak na ngiti; "i'm Onnaicka Shin. Hope we can be friends to." and by this time, mga boys naman ang kung ano-anong sinasabi pero bigla na lang natuon ang attention ko sa anim na lalakeng nakaupo sa dulo. Yong lima ay nakangiti sa akin pero yong isang lalakeng nasa may dulo ay parang walang pakialam. Mukha pa nga siyang natutulog dahil naka yukyok pa siya sa desk niya. "you may sit now Mr. Rusch and Ms. Shin.". Agad naman akong pumunta sa helera ng anim na lalake sa pinakadulo. may apat pang bakanteng upuan sa row nila.

Doon ako dumeretcho sa upuang malapit sa bintana sa right side. Nasa kabilang dulo naman yong lalakeng parang walang pakialam. Bale sa may left side siya na dulo. Agad namang tumabi sa akin si Paolo. Nagulat na lang kami ng bigla kaming e-approach ng dalawang lalake na nasa row din namin. Sila yong dalawang lalake na nasa tabi ng mga vacant sits. "hi i'm Kyle." nakangiti niyang sabi. Hi. I'm Silver." tinanguan na lang namin sila dahil nagsisimula nang maglesson si sir. Nagtataka nga ako kung bakit di sila sinasaway eh nakatayo pa sila. "mamaya na lang kami magpapakilala ng formal." rinig kong sabi ni Paolo sa Kanila habang nakatutok ang attention ko sa harapan.

Nginitian na lang nila kami at doon na sila umupo sa dalawang vacant sits na nasa tabi ni Paolo.


A/N

to be continued. hehehheh. Meet my new character Kyle and Silver. sa next chapter na lang yong apat. hehehe.

kindly vote/comment and reccomend na rin.


That Nerd is a Royal PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon