Chapter Two

71 4 0
                                    

Onnaicka's POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Di ko na hinintay tumunog ng tatlong beses ang gong bago bumangon. Agad na akong nag-ayos ng sarili.

Pagkalabas ko ng banyo ay saka lang tumunog ang ikatlong gong na hudyat na kailangan ng gumising ng mga royalties.

Pumasok ako sa walk in clausset ko na halos triple ang laki kaysa kwarto ko. Punong-puno kase yon ng iba't ibang damit, sapatos at mga accessories.

Ng makapili na ako ay agad na akong nagbihis at humarap sa salamin na nasa gilid ng pintuan ng kwarto ko.

Wala ngang duda na isa akong maharlika. Sa kutis pa lang ay halatang-halata na. Nagsusuklay na ako ng mahaba kong buhok na hanggang pwet ng biglang pumasok ang tatlong personal dama ko.

Nagulat pa nga sila dahilang aga-aga kong nagising. Kakatunog lang kase ng ikatlong gong.

"Mahal na prinsesa ang aga niyo naman pong nagising. Katutunog pa lang po ng ikatlong gong na hudyat na kailangan na po namin kayong pagsilbihan." gulat na sabi ni Ela. Ang pinakabata sa kanilang tatlo.

"oo nga po mahal na prinsesa. Mukhang excited po kayo dahil makikita niyo nanaman ang mga pinsan mo.: masayang sabi naman ni Nicky. "Oy! wag na nga kayong etchusera diyan. Mukhang napakaganda ng mood ng prinsesa.: sabi ni Magi. Ang pinaka mahinhin sa kanilang tatlo.

Nginitian ko na lang sila ng matamis; "oo. tama kayong lahat.: tipid kong sagot sa kanila.

Isusuot ko na sana ang sapin ko sa paa ng......

"Naku mahal na prinsesa! Kami na po ang magsusuot niyan sayo;" "Naku ako na. Paki ayos na lang ng kama." nakangiti ko pa ring sabi""

Mabilis ko namang iniwas yong sandals ko sa kanila. "Alam niyo namang ayaw kong ganyan kayo kagalang sa akin. Mga kaibigan ko na kayo. At isa pa I have my own body to help myself. You don't have to treat me as a princess. Just treat me as your friend. Ad Onnaicka not princess Onnaicka. Don't worry di to makakarating kina ama at ina. Dito lang naman sa kwarto ko eh." Mahaba kong sabi sa kanila.

They just smile at me and say; "Ang bait mo talaga princess ay este Onnaicka. Hangad po namin ang araw araw mong kasayahan."

Naputol lang ang pag-uusap namin ng ipatawag na ako dahil hinihintay na ako ng mga pinsan ko at ng reyna at hari. May pag-uusapan daw kaming mahalagang bagay.

Pagpasok ko sa silid ng pagpupulong ay nagulat ako dahil bukod sa mga pinsan ko ay nandoon din ang kuya kong si prince Deonne.

Di ko na lang pinahalata ang pagkagulat ko. Nginitian lang ako nina Lian, Erizel at Mica. Tiningnan ko naman si kuya ng tingin na may pagtataka at tulad ng mga pinsan ko ay nginitian lang din niya ako.

Tulad ko, mga royal princess din sina Lian, Erizel at Mica at kagaya ng situwasyon ko ay kapag 21 years old din sila ipapakilala sa mamamayan ng Armanya.

Magkakapatid kase sila. Si Erizzel ang panganay at si Mica ang bunso kaya lagi silang magkakasama.

Lagi kaseng ipinapadala si Prince Deonne sa ibang bansa para makipag-usap sa ibang royal families.

Technically si kuya ang crown prince dahil mga magulang namin ang current queen and king.

At ako? Isa lang akong ordinaryong royal princess dahil nga mas matanda sa akin si kuya kaya sa kanya mapupunta ang crown.

"Ipinatawag ko kayo dahil sa isang bagay." pagsisimula ng reyna; "Kayong apat: Lian, Erizel, Mica at Onnaicka ay sasailalim sa isang pagtretraining sa pangangalaga ni Deonne. Hindi muna siya tatanggap ng trabaho ng isang linggo para matutukan kayo." Pagpapatuloy ng hari.

Napanganga naman kaming apat dahil sa gulat at dahil na rin sa alam namin kung gaano kahigpit si Kuya sa training. Walang pinsan pinsan at walang kapatid kapatid.

Pagkatapos ng anunsyong iyon ay pinabalik na kami sa mga dapat naming gawain.

Ang palasyo ng mga pinsan ko ay kadugtong lang ng sa amin. Pero siyempre mas malaki ang sa amin. Bale pinto lang ang pagitan.

Pero madalang lang kaming magkita dahil sa laki ng palasyo. Ilang beses ko na bang sinabi na malaki ang palasyo namin?

Pagkalabas namin ay iiba na sana ako ng dereksyon kaso bigla naman akong hinila ng tatlo. At si kuya? ewan ko kung saan na napadpad.

"Teka? saan niyo ba ako dadalhin?" tarantang tanong ko sa kanila. "Sa isang lugar na ikatutuwa mo." makahulugang sagot ni Mica. Nagkatinginan silang tatlo at parang iisa lang ang tumatakbo sa mga isipan nila.

Nakarating kami sa isang pasilyo na halos walang bantay or should I say na talagang walang bantay. Kung titingnan mo kase ang paligid ay puro paintings lang ang makikita mo sa mga pader.

Sa tingin ko, ginawa ang pasilyo na yon para lang sa mga paintings.

"Di ko alam na may ganito pala dito sa palasyo?" mangha kong tanong. "sarili niyong palasyo di mo kabisado?" tanong sa akin ni Lian

"Malay ko ba. Di naman kase ako gala eh. Ano ba kaseng ginagawa natin dito?" "basta just watch and see." Pilyang sagot naman ni Erizzel.

"Akala ko ba ikakatuwa ko ang makikita ko? eh. puro paintings lang naman ang nandito eh." binatukan naman ako ni Mica; "wait lang kase. di makapaghintay?".

Nang makarating na kami sa dulo ng pasilyong yon ay bigla na lang silang may kinapa-kapa sa carpeted na sahig na parang may hinahanap.

"Heto!" tuwang sabi ni Lian. Binuksan nila ang bahagi ng sahig na yon na parang sa isang fairytale na story? Di ko na maalala eh.

Hinila nila ako pababa. Nauna si Erizel tapos si Mica tapos ako. Nag-alinlangan pa nga akong sumama pero no choice ako kundi sumunod. Huling-huli namang bumaba si Lian at siya na rin ang nagsarado ng parang pinto.

Pagkababa namin ay super dilim ng paligid. Nangapa-ngapa nanaman sila hanggang nabuksan nila ang switch ng ilaw.

"Anong? Paanong?" magkahalong gulat at pagkamangha sa bumungad sa kin.

Isang pasilyo rin ang lugar kung nasaan kami. Parang doon sa pasilyong pinanggalingan namin kanina. "alam naming marami kang katanungan pero mamaya nanamin sasagutin lahat yan." sagot ni Lian.

Naglakad pa kami hanggang makarating nanaman kami sa dulo at isang pintuan ang bumungad sa harapan ko. Pagkabukas ng pinto ay sumalubong sa amin ang madilim na paligid.

Pinatay muna nila ang switch ng ilaw sa pasilyo bago nila binuksan ang switch ng ilaw sa kwarto. May magkabilang switch kase ang pasilyo. Bale dulo to dulo.

Ang unang switch ay para bumukas ang ilaw at yon switch naman na katabi ng kwarto ay para e-turn off ang ilaw.

Kung sino man ang nakaisip ng ideyang yon ay super creative ng isip niya.

Ilang beses na ba ako namangha at nagulat sa chapter na to? Paki paalala nga.

Isang kwarto pala yon na halos triple ang laki sa kwarto ko. Kompleto sa gamit. Mga kama, kurtina at kung ano ano pa na parang kwarto talaga ng maharlika.

Dumeretcho naman sila sa isang walk in cabinet na medyo may kaliitan habang ako ay nanatili sa may pintuan.

"Hoy Onnaicka tatayo ka na lang ba diyan?" tanong ni Erizel. Pwede bang pakipaliwanang kung ano at para saan itong under ground something na to!" medyo inis kong sabi sa kanila.

At for the enth time ay nagkatinginan nanaman sila at umupo sa suffa.

Dahil alam kong magpapaliwanag na sila ay sinarado ko na ang pinto at umupo sa dulo ng kama.

"Care to explain?".

Nakasimangot akong humarap sa kanila. Alam kong di ako matitiis ng mga to. alam nila kase kung pano ako magalit. Kapag nakasimangot na ako that only mean na malapit na ako sa limit ng pasensya ko.

A/N

Ano kayang mayron sa lugar na yon? Bakit dinala ng mgakakapatid si Onnaicka sa lugar na yon? Ano kayang nandoon?

Watch out for my next update.

That Nerd is a Royal PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon