Chapter Three

56 3 0
                                    

ate? ito na yong chpter 3 ng That Nerd is a Royal Princess.....


Chapter 3

Lian's POV

Naku! Patay! Kapag ganyan na si Onnaicka ay siguradong makakatikim na kami ng kamao niya. Kahit naman well trained kami sa pakikipaglaban kung ikukumpara kay Onnaicka ya walang wala kami.


Nagkatinginan kaming tatlo dahil nag-close fist na siya. Kaya bago pa kami humagis sa dulo ng kwartong to ay nagsalita na ako:


"itong lugar na to ay hindi alam ng reyna at hari. Tanging kaming apat lang ang nakakaalam ng lugar nato. Kaming tatlo at si kuya Deonne." Kumunot naman ang noo ni Onnaicka;


"ano namang kinalaman ng kuya ko dito?" "siya kase ang nagpagawa nito. Kagaya natin, ng mga panahon na yon; hindi pa ipinapakilala si kuya bilang crown prince ng bansa." kinakabahan kong paliwanag.


"Ang kuya mo ang nagpagawa nito. Tumatakas siya para maranasan ang buhay sa labas ng palasyo. Dito siya dumadaan kapag tatakas siya. Naglalagay din siya ng mga damit ng ordinaryong tao para kapag lalabas siya ay di siya mapagkakamalang may dugong bughaw." Pagpapatuloy ni Erizel.


Gulat naman ang rumihistro sa mukha ni Onnaicka and by this time ay mahinahon na siyang nakikinig sa amin.


"So you mean........." "oo tama ka ng iniisip Onnaicka." putol ni Mica sa dapat sasabihin ni Onnaicka.

Agad naman akong tumayo at hinila si Onnaicka papasok ng walk in clausset para magbihis.


"Alam naman namin di mo kami matatanggihan eh. Tama na muna ang pagiging good princess mo. Try mo namang sumuway paminsan minsan. Don't worry di tayo mahuhuli." sunod sunod kong sabi sa kanya para di na siya maka-angal."


At dahil sa mga pilya kaming magkakapatid ay sabay sabay namin siyang kinindatan at yooooon! Napabuntong hininga na lang siya and by this time; alam naming napapayag na namin siya.


Onnaicka's POV

Grabe talaga tong mga pinsan ko. No choice ako kundi sumama na lang. Wala na eh. Kinaladkad na nila ako. Pinag-suot nila ako ng yellow dress na 2 inches above the knee at may parang belt na kulay dark pink at hugis ribbon na naka palibot sa may tiyan. Pinartneran pa ng black doll shoes.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pagkalabas namin ng palasyo. Pakiramdam ko ngayon lang ako nasinagan ng araw although di pa ganon kainit kase 9 AM pa lang naman.

Nagpunta kami sa isang plaza. Kahit saan ako tumingin ay maraming tao; may pamilyang nagpipicnic, mga batang naglalaro, mga couples na namamasyal, mga tindero at tindera ng kung ano anong gamit at pagkain at marami pang iba.

Umupo kami sa ilalim ng isang malaking puno na sa una ay ayaw ko pang umupo pero sabi nila ok lang daw yon kaya nakigaya na rin ako sa kanila. Iniwan nila ako saglit para bumili ng pagkain.


Tinanong ko pa nga sa kkanila kung saan sila kumuha ng pera at ang mga loko ay tinawanan lang ako. Ipon daw nila yon para may pang-gastos sila kapag lalabas.

Habang naghihintay ako ay nakarinig ako ng taong kumakanta o baka nagcoconcert? Di ko alam. Medyo malayo kase ang tunog eh.

Nilingon ko ang mga pinsan ko at busy pa sila sa pagbili ng pagkain daw namin. Siguro naman di ako maliligaw kung sakaling pupuntahan ko kung sino man ang nagcoconcert.

Habang sinusundan ko ang dereksyon ng boses ng kumakanta ay napapalingon sa akin ang mga taong nadadaanan at nakakasalubong ko. Di man lang sila marunong bumulong.

"bago lang ba siya dito? ang ganda naman niya parang artista" narinig kong usapan ng isang grupo ng mga babaeng nadaanan ko. At heto pa ang isang grupo ng mga kalalakihan na sa tingin ko ay mga istudyante pa dahil sa naka-uniform pa ang makakasalubong ko. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Natahimik sila ng malapit na kaming magkasalubong.


Ng makalagpas na ako sa kanila pero ramdam ko na sinusundan nila ako ng tingin.


"Ang ganda naman niya parang diyosa" rinig ko pang sabi ng isang lalake. Ano ba talaga ako? diyosa o artista?

Konting lakad pa ang ginawa ko hanggang matanaw ko ang kumpol ng mga taong nanonood sa isang lalakeng nakatayo sa isang maliit na stage at may hawak na guitara.

Umupo ako sa isang bench na medyo malayo ng konte sa mga nagkukumpulang tao pero kitang-kita naman ang nagpeperform sa harap.


Katatapos lang niyang kantahin ang isang kantang di ko naman alam ang title. Nagsalita pa siya ng kung ano ano bago ulit kumanta.

Nasamid ako kahit wala naman akong kinakain o iniinom. Nagulat ako sa kantang kakantahin niya. Intro pa lang alam ko na ang title.

Ng magsimula siyang kumanta ay napatitig ako sa kanya.

Maputing balat, kulay brown ang mga mata, matangos na ilong at mapula-pulang mga labi.........

aysssssh! ano ba tong iniisip ko....

Nakaupo s'ya sa isang madilim na sulok.

Ewan ko ba kung bakit sa libu-libong babaeng nandoonWala pang isang minuto, nahulog na ang loob ko sa 'yo


Bigla siyang napalingon sa dereksyon ko at nagtagpo ang mga tingin namin.

Para akong hinihipnotismo ng mga mata niya...


Gusto ko sanang marinig ang tinig moUmasa na rin na sana'y mahawakan ko ang palad mo

Gusto ko sanang lumapit kung 'di lang sa lalaking kayakap mo

Chorus: Dalhin mo ako sa iyong palasyoMaglakad tayo sa hardin ng 'yong kaharian

Wala man akong pag-aariPangako kong habang-buhay kitang pagsisilbihanO aking prinsesaPrinsesa,


prinsesa, prinsesa Interlude': Di ako makatulog, naisip ko ang ningning ng 'yong mata

Nasa isip kita buong umaga, buong magdamagSana'y parati kang tanaw,

o ang sakit isipin ito'y isang panaginip, panaginip lang[Repeat chorus]Ad lib[Repeat chorus]Prinsesa, prinsesaPrinsesaPrinsesaPrinsesa

Nakakabinging hiyawan at palakpakan ang nagpawala sa akin sa magic spell ng mga mata niya.

Pupuntahan ko sana siya kaso dinumog na siya ng mga tao. Napagpasyahan ko na lang na bumalik kung saan ako iniiwan ng mga pinsan ko....

at ang wais lang ha; kumakain na sila pagbalik ko. Di man lang nag-alala baka nawala na ako.

Pero ang sagot nila..... "kaya mo naman sila eh. Saka kung mawala ka man makakabalik ka naman sa palasyo ng maayos at buo.".

Yan. Yan. Yang ang saktong mga salitang binitawan nila. O di ba? Ang bait.


Pagkatapos naming kumain ay naglibot-libot pa kami. Halos magdidilim na ng makabalik na kami sa palasyo specifically sa secret place.


Nagbihis lang kami at bumalik na sa mga kwarto namin. Di na kami dumaan sa binabaan namin kanina.

It turns out na matalino ang kapatid ko dahil gumawa pa siya ng isang way kung saan deretcho na sa kwarto niya.

Doon kami dumaan para di halata. Nginitian lang kami ni kuya bago kami lumabas pero bago pa kami tuluyang makalabas, Napagsakluban na kami ng lahat ng pwedeng sumaklob dahil sa sinabi niya.


"Magpahinga na kayo dahil bukas na magsisimula ang training niyo.".

That Nerd is a Royal PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon