Chapter 5

51 1 0
                                    

Chapter 5

Onnaicka's POV

Ang bilis lang lumipas ng dalawang linggo.

Heto ako ngayon sa airport at kasalukuyang nagpapaalam sa mga pinsan ko at kay kuya.

"Mag-iingat ka doon princess ah" bulong sa akin ng kapatid ko.

Ilang minuto pa kami sa ganong posisyon. Grabe si kuya parang mangiyak-ngiyak na pero halatang pinipigilan lang niya. para na nga siyang ewan eh habang nakayakap sa akin.

Sunod ko namang nilapitan ang tatlo kong pinsan.

Sabay-sabay nila akong niyakap.

"c can't b breathe'

hirap kong sabi sa kanila.


"Mag-iingat ka doon ah. Pag may time dadalaw kami sayo doon" sabi ni Erizel.

Yong dalawa ay tahimik lang habang umiiyak.

Kitang-kita ko sa kanila ang lungkot.

Hindi na nga pala ako inihatid ng reyna at hari kase baka may makakita pa. Si kuya nga ay naka disguys pa eh.

"Calling all the passengers going to the Philippines" rinig ko ng parang announcer ba yon?

Niyakap ko ulit sila isa-isa at nagsabi ng huling paalam

"pfffffft! sino ka si Rizal?" Rinig kong sabi ng isang tao sa may likuran ko."

Teka? parang familiar? Unti-unti akong lumingon at napakunot ang noo ko.

"at sino ka naman?" taka kong tanong.

"Di mo na ba siya naaalala Onnaicka?" tanong sa akin ni Lian.

Tinitigan ko siya ng mabuti pero hindi ko talaga maalala.

"Never mind! di mo naman kailangang maalala ako agad." sabay irap.

Aba! bakla ba to? daig pa ako kung makairap ah.

"Calling again the passengers going to the Philippines.: rinig ko ulit na sabi nong announcer.

"Ingatan mo ang kapatid ko ah." sabi ni kuya.

"Teka? Ingatan? wag niyong sabihin na makakasama ko tong lalakeng to?" sabay turo doon sa stranger sa harap ko.

"Hay naku. wala nang oras para sa getting to know each other niyo." sabay tulak sa akin ni Mica.

Muntikan pa akong masubsob kay Mr. stranger. Buti na lang at nakapag balance ako agad.

Sinamaan ko naman ng tingin si Mica at ang loka nag-peace sign lang.

Bigla naman akong hinila ni Mr. stranger.

"tara na at mahuhuli na tayo" poker face niyang sabi sa akin.

Kung nakakamaatay lang ang masamang tingin ay kanina pa to namatay. Wala na lang akong nagawa kundi magpahila.

Tanging kaway na lang ang nagawa ko kina kuya at sa mga pinsan ko.

Narinig ko pa ngang tumatawa sila pero di ko na lang pinansin.


Pagpasok namin ng eroplano, dumeretcho na agad ako sa assigned seat ko. Bahala si Mr. stranger sa buhay niya.

Pero talagang familiar siya eh. Di ko lang maalala. Hay naku! Hindi ko naman ikakamatay kung di ko siya maalala agad di ba?

Siguro naman mabait tong si Mr. stranger no? Di naman nila ako ipagkakatiwala sa kanya kung di siya mabait.

Naglagay na lang ako ng earphone saka pumikit. Medyo mahaba pa naman ang biyahe kaya malaya akong matulog ng mahaba.

Paulo's POV:

Hindi pa rin pala nagbabago si Onnaicka. At base sa reaction niya kanina ay di na niya ako naaalala.

Nakakalungkot lang.

Pero pwera bero.... Namiss ko tong prinsesa na to.

Ang peaceful niya matulog. Pero panira lang yong pagewang-gewang niyang ulo sa view hahaaha.

At dahil sa mabait ako, isinandal ko na lang ng dahan-dahan ang ulo niya sa balikat ko para maging komportable siya sa pagtulog.

Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha ng ilang minuto at saka napangiti. at maya-maya pa ay unti-unti na rin pumipikit ang mga mata ko.

Pero bago yon, sinulyapan ko pa ulit ang mukha niya.

At tuluyan ng nilamon ng antok ang diwa ko.

A/N


hmmmmm. Sino si Paulo sa buhay ng ating prinsesa?


Ano kaya ang magiging papel niya sa istoryang to??


PS: sorry kung maikli lang ang chapter na to......Wait for my next update.

That Nerd is a Royal PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon