Tirahan ko'y nasisira na
Umuulit na mga salita sa aking tenga
Linawin ang mga nakasarang mata
O' kay hirap na ng buhay, tayo'y umaasa
Nandito lang ako, naghihintay ng pagkain sa lamesa
Gawa ng aking pagkayod buong araw, walang pahinga
Ako'y nagsisikap ngunit bakit ako ang may sala?
Nasaan na ang matamis na pangako sa masa?Ang hiling ko'y lechon sa umaga't gabi
Ngunit ang ibinigay lamang ay matinding pagsisisi
Gastos at bilihin, ako'y inaapiMayroong taong panatiko
Ang tawa nang tawa sa mga bumoboto
Hindi nga ba dapat bumoses ang mga tao?
Ito ang panahon ng paghihirap, ikaw ba'y makatao?
Respeto ang hanap nila ngunit pagkain sa lamesa nais kong isubo
Ano nga ba ang pinapanigan ng mga hipokrito?
Pagpunto pa lamang, kanilang pinili ay hindi ang mga Pilipino
YOU ARE READING
Dawnlight: The Timeline (Poetry Collection)
PoetryA collection of English and Tagalog poetry. It is where the heart and soul of the writer that embodies his life. This is where untold stories are seen which an individual can figure its riddles. Enjoy traveling deeper into the cavern of curiosity w...