Araw ng Pag-ibig

12 1 0
                                    

Araw ng Pag-ibig
by Philomathes

Nasa dulo na ng ating daan ang araw ng pag-ibig

Naaalala ko pa ang unang araw na madinig ko ang iyong tinig

Sa unang beses na pagmulat ng aking buhay mula sa kadiliman at kalungkutan

Ikaw lamang ang naging liwanag at kasiyahan

Mula sa Asumpta hanggang kasalukuyan

Ikaw lamang ang aking pinararangalan

Sa swerte iyong nakuha noong ako'y iyong nakilala

Ngunit sa totoo'y ako pala ang nabigyan ng bagong pag-asa

Aking nais sabihin na ika'y isang reyna ng mga anghel

Anghel na puro pang-aasar lamang binibigay sa akin

Ngunit sa iyong mga mahaharlikang pakpak ako'y nakaakyat sa tore ng babel

Namulat ang buhay dahil sa pagmamahal mong tunay at madamdamin

Kahit hindi ko sabihin to sa iyo araw-araw

Sinta, ikaw lamang ang aking mahal pang-araw araw

Walang kukupas sa pusong umiibig ng puro at totoo

Sa kagandahang loob na minahal ko sa iyo ng todo

Ang tulang ito ay inialay ko sa iyo

Para sa aking sinta na sakin bumuo

Sa kasiyahan na nadarama kong ito

Ikaw na aking mahal, ang bumubuo sa aking pagkatao

Dawnlight: The Timeline (Poetry Collection)Where stories live. Discover now