Maharlika
ᜋᜃᜇ᜔ᜎᜒᜃ
© Philomathes
Naririto nanaman ako
Nabuhay sa pagiging rebulto
Na itinago at isinuko
sa makatang minsa'y madaming pinupunto
Isang buhay isang tula
Para sa kapwang nahawa
Sa pagiging masahol at malaking buwaya
Kagat-kagat at tamang pandaraya
Walang kalidad at kamandag ni rhasta
Naririto kana din
Wala nang iba para makinig
At wag ka ring magkunwaring parang isang sakitin
Sapagkat mga salitang ibabanat diyo ay para sa iyo rin
Sa sobrang daming panahon
Ikaw ay hindi parin umaahon
Sa kwebang kala mo isang garapon
Walang pagunlad sa buhat at patapon
Oo, tama iyong nadinig, patapon-pata-isang patapon
Isa kang garapon na di aahon dahil ikaw mismo nagtatapon ng panahon sa iyong buhay na ibinigay ng Diyos kahapon
Kaya ikaw, oo ikaw na nagbabasa o nakikinig
Ihanda mo sarili at buksan ang iyong mga bibig
Hindi ka narito para tumunganga at tamang titig lang
Huwag kang ignorante kung ikaw ay nasasaktan sa mga salitang pagmulat ng isio ang ibig lang
Nasa Pilipinas tayo, aking paalala lamang sa iyo
Bansang Sinilangan, bansang isinuko ng mamamayan natin
Bakit? May mali ba sa aking sinabi?
Ito lamang ang bansang sinisita ng mismong atin
Ngayon palag-palag sa mga nagmamakatang puro salamin
Na parang masasagot ang paghihirap sa simpleng ating alamin---"Mirror mirror on the wall, who's the most corrupt of them all. Listen to the beat of the people and let us know the toll."
Ngayon aking itatanong sa iyo
Ikaw ba ay nagseserbisyo o puro hingi ng komisyon
Ikaw ba ay pumupuso sa bansang rosas napuno ng tinik at walang bulaklak
Ngunit oo nga pala, pano matatawag na rosas kung ang mismong bulaklak ay nawawala
Ito ang bansang puno ng pag-ibig at hustisya ngunit ating tandaan na wala ang bulaklak ng ating rosas
YOU ARE READING
Dawnlight: The Timeline (Poetry Collection)
PoetryA collection of English and Tagalog poetry. It is where the heart and soul of the writer that embodies his life. This is where untold stories are seen which an individual can figure its riddles. Enjoy traveling deeper into the cavern of curiosity w...