Tumigil ang bawat segundo
Buhay na nawasak ay nabuo
Nais lumapit sa'iyo
Rosas na naglalakad, walang tinik---puso'y napuno
Isang pagbating naganap sa isang binibini
Sa bawat galaw mo'y aking pinipili
Simula't noon ikaw ay tumatakbo
Nakakapagod na nga ba? sa isip kong iyong naging mundo
Ngunit hindi isang pananakop ang aking intensyon
Araw-araw kaalaman mula sayo'y aking gustong mabigyan aksyon
Indigong dugo---kakaiba't di pangkaraniwan
Saludo sa masayang nakuhang impormasyon
Marahil ito'y may kahabaan gaya ng isang riles ng tren
Angkop na titulo ang nais hintayin
Gasolinang nagpapalakas apoy sakin
Indigong dugo---hindi napipigilan ng simpleng panalangin
Narra, punong kay laki't hadlang sa aking pagkatao
Gayon man, pagiging torpe'y nakakasira ng bwelo
Karapatan, pagkilala't kaibigan
Angking ugali, nakakapagtaka't gustong malaman
Indigong dugo---Tigreng nag-iisa
Bantayin ang sarili mula sa kanyang mga mata
Indigong dugo---Ngiting mula sa langit
Ganap na pagkilala nais makamit
Andito lamang ang iyong gwardya sibil
Ninakaw man ng paningin, sana'y iyong bigyan pansin
YOU ARE READING
Dawnlight: The Timeline (Poetry Collection)
PoetryA collection of English and Tagalog poetry. It is where the heart and soul of the writer that embodies his life. This is where untold stories are seen which an individual can figure its riddles. Enjoy traveling deeper into the cavern of curiosity w...