003 // Unknown

24 7 0
                                    

— Unknown

Kakaibang pakiramdam
Lungkot sa 'di alam na dahilan

Sa puso ay may kakulangan
Espasyo na kailan man ay 'di mapupunan

'Di mapakaling isipan
Mga tanong na 'di masagutan

Lahat ng sakit ay bumalik
Sa maliit na puso ay pinagsiksik

Bakit ako iniwan?
Bakit ako naging luhaan?

Katanungan sa isipan
Unti unting kumukuha sa kanyang katinuan

Mata ay nag-iinit
Luha ay nangingilid

Ano nanaman ba ang dahilan?
Sagot ay 'di malaman

Basta ang tangi niya lang alam
Sakit ay 'di mahihigitan

— luv

My poem compilation Where stories live. Discover now