016 // Sobrang pagmamahal

13 4 0
                                    


Pangarap ko ay sinuko
Ang iwan ka ay ayoko

Tiniis ang sariling kagustuhan
Dahil ayaw kitang makitang luhaan

Oportunidad ay pinalagpas
Luha ko ay lumandas

Ang pangarap kong trabaho
Ngayon ay kumakatok sa aking pinto

Nais kong pagbukasan
Ngunit ayaw na ikaw ay aking iwan

Muli, pangarap ay pinalaya
Dahil nang umiyak ka ay 'di ko na natiis pa

Oh mahal ko,
Handa akong gawin ang lahat para sa 'yo

Ngunit isang gabing 'di inaasahan
Relasyon natin ay tuluyang nayurakan

Nais ko lang namang inunahin ang sarili ko
Kahit sa pagkakataon lang na ito

Ngunit sinumbatan mo ako
Inakusahang malandi at manloloko

Trabaho ang hanap ko
Ngunit mapurol ang utak mo

Ako ay nasakal
Akala ko tayo ay magtatagal

Relasyon natin ay nais kong ayusin pa
Ngunit nakita ko kung pa'no ka makipaghalikan sa iba

[α|n: inspired in "Dulo" movie.]

—end—

My poem compilation Where stories live. Discover now