"Gusto kita" Pag amin ko sa tunay na nararamdman
Ngunit dahil takot, akin itong dinaan sa biruanReply mo'y 'di inaasahan
Ang pansinin mo ay isang karangalanPuso ko ay nagdiwang
Sobrang saya ay 'di alam kung saan ilalagaySaktong araw ng mga puso nang ito'y aking sabihin
Ito rin ang araw na nagsimula ang pagdaramdam ko nang lihimDahil sa 'yo'y napatunayan kong sa una lang masaya
Dahil sa 'yo'y lumuha ang aking mga mataGusto kita simula pa no'ng una
Kung bibilangin, ito'y pitong taon naIkaw lang ang lalaking nakapag paiyak sa 'kin
Ikaw lang din ang dahilan nang pagbabago ng aking mga gawain"Ayaw ko sa 'yo"
Makalipas ang araw ay ayan ang sinabi moSimpleng salita sa iba
Ngunit 'yan ang dumurog sa stupido kong pusoKahihiyan ay sinampal ako
Sa katotohanan ay ginising moNasayang lang ang mga tugma ko para sa 'yo
Sinayang ko lang ang pahina ng libro no'ng sinulat ko ang ating kwentoNgunit nais kitang pasalamatan
Sa pagsasabi mo ng katotohananDinurog man nito ang aking puso
Ang mahalaga sa 'yo ako ay sumukoDahil sa 'yo ay tinahak ko ang pekeng mundo
Umaasang maalis nito ang sakit na sa 'kin ay idinulot moIkaw ang aking unang pag-ibig
And you're also my first heart break—end—
![](https://img.wattpad.com/cover/311134250-288-k952356.jpg)