— Sasama ka ba?
Uy, ikaw pala!
Buti naman at napadaan kaIkaw ba ay manunulat o mambabasa?
O pareho sa dalawa?Kahit ano ka pa
Nais ko lang itanong kung sasama ka ba?Sa b'yaheng alam kong magiging masaya
B'yahe kung saan tayong lahat ay sama-samaNais kitang imbitahan
Lahat sana tayo ay magsuportahanSa mundong 'to ay 'di tayo magkakalaban
Tayo ay nasa iisang barko, at sabay-sabay tayong sasagwanBawat isa ay lalayag
Kung may maiiwan ay 'di tayo papayagSabay sabay tayong uusad
Sama sama sa pag-unladAng lahat ay may kanya kanyang galing
Ang pagsusulat ay ating mahalinMaubos man iyong tinta,
Tandaan mong may lapis pa'Wag tumigil sa pag gawa ng storya
Hanggang ang libro mo ay mailagay sa libraryaIsa lang ang ating patutunguhan
At ito ay katagumpayanAno, sasama ka ba?
— luv