018 // Manunula

8 4 0
                                    


Isang munting bata
Sumubok na kumatha

Gamit ang papel at lapis
Sinulatan niya ang papel na manipis

Sa murang edad niya
Mga salita ay napagtugma na

Ngunit talento ay isinawalang bahala
Dahil wala siyang nakukuhang suporta

Hanggang sa tumuntong ng elementarya
Paksa ay ang lalaking gusto niya

Nang siya'y naging dalaga
Sa pekeng mundo ay sumubok siya

Ngunit sa tula niya ay 'di pinapansin
Ang mata niya ay nawalan ng ningning

Loob ay nanghina
"Pangit ba aking mga likha?"

Muntik nang sumuko
Ngunit may naisip siyang plano

Gamit ang bagong pangalan
Panibagong storya ang kanyang sinimulan

Suporta ng mga tao
Ang siyang lumusaw ng kanyang puso

"Maraming salamat sa pansin sa gawa ko!"
Masayang sabi nito sa inyo.

—end—

My poem compilation Where stories live. Discover now