024 // Hacienda

12 3 0
                                    


Sa lupain ng Alegria
Tayo'y unang nagkita

Kislap ng iyong mata
Habang dito ay namamasyal ka

Isang magandang binibini
Mula sa mamahaling pamilya

Mula sa malayo ay tinatanaw kita
At 'di inaasahang puso ko ay nahulog na

Mga putik sa aking paa
At ang mahirap kong pamilya

Ang reyalidad sa 'kin ay sumampal
Bakit ikaw pa ang aking minahal?

Ikaw ay isang maharlika
Samantalang ako ay alipin lang nila

—end—

My poem compilation Where stories live. Discover now