Chapter 05 • Kalurkey!

177 61 52
                                    

Chapter 05 • Kalurkey!

Conrad aka Corine's POV

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't sabi ko'y huwag kang magpapakita sa akin hangga't wala ka pang asawa---na babae ha!" Dinuro ni papa ang mukha ko kaya napaatras ako.

'Duh! Kung may choice lang ako ay hindi ako pupunta rito!'

Naghahanap na naman ng manugang 'tong magaling kong papa. Gusto ko siyang sagutin kaso baka masapak niya lang ako. Masisira pa ang beauty ko kaya deadma sa bashers. Hindi rin naman siya ang sinadya ko rito.

"Pa!" suway ni ate.

Hirap na hirap siyang bumaba sa hagdan kaya pumasok na ako para alalayan siya. Kung hindi lang dahil sa half-sisteret ko na itey hindi ako magpupunta rito!

Kaka-out ko lang sa work at tinawagan ako ng jontis na 'to para samahan siyang magpa-check up sa prenny niyang doktora. Magchichikahan lang sila ro'n for sure!

"Magpapasama po ako kay Conrad para makapagpa-checkup."

"Ganoon ba? Oh, sige. Ingat ka ha? Pati 'yung apo ko," biglang nagbago ang tono ni papa.

Lihim kong napaikot ang mata ko, hindi lang dahil kay papa kung hindi dahil na rin kay ate! Kinginang Conrad 'yarn, Corine nga sabi eh. Kung 'di lang siya jontis ay sinabunutan ko na siya.

"Hoy, Conrad! Magtino ka!" pahabol ni papa nang makalabas kami sa pinto ng bahay.

Napairap ako. Iyong sinasabi niyang magtino ay ibig sabihin: mag-asawa ka na at bigyan mo 'ko ng apo.

Kaloka! Pinepressure niya ako dahil ako ang nag-iisang lalaki 'raw' sa mga anak niya. Marami siyang naitanim na binhi kaso puro babae. Babaero amputek, kaya hindi rin talaga malapit ang loob ko sa kaniya.

Isa pa, babae rin ako 'no! Mali lang 'yung katawan na napaglagyan sa akin. Hmpf.

Kung hindi nga namatay si mama dahil sa cancer sa atay ay hindi niya ako makukuha. Mabuti pa si mama ay tanggap ako, kaso maaga naman siyang kinuha sa akin.

"Salamat, baby boy, sa pagsama sa akin," paglalambing ni ate at humihilig pa sa balikat ko habang nagdadrive ako.

"Ate! Yuck!" Iginalaw ko ang balikat ko para mapaalis siya. "Baby boy ka riyan! Babae ako, okay?!"

"Wushu! Ang pogi mo kaya!"

Naitirik ko ang mga mata ko sa pagkairita. "Maganda ako!"

"Kung magdadamit babae ka, pero dahil ganiyan ang suot mo ay pogi ka!"

"Ugh, ate, naiirita na 'ko itatapon kita sige," pananakot ko.

Hindi ko naman talaga iyon kayang gawin sa kaniya lalo na at buntis siya. Sa totoo lang ay naaawa ako sa kaniya dahil hindi siya pinanagutan ng jowa niya.

Malas yata kaming dalawa sa lalaki. Iyong nabingwit niya, walang sense of responsibility. Iyong mga nabibingwit ko naman, gold diggers. Mga lintek.

Papasok na kami sa opisina ng kaibigan ni ate nang may makita akong pamilyar na mukha. Lumabas siya sa kwartong papasukan namin at tulala siyang nilagpasan ako!

Bigla akong kinabahan. Ang babaeng 'yon... 'yun iyong naka-chorvahan ko three weeks ago!

Unit niya iyong napasukan ko at ipinagtanong ko na rin siya sa land lady namin dahil nagtataka akong wala na siya ro'n nang magising ako. Ang sabi, pinaalis niya na 'yung babae dahil tatlong buwan nang delay sa pagbabayad.

'Waittt a minute!' Nanlalaki ang mata at wala sa sariling itinuro ko 'yung babae tapos ang opisina ng kaibigan ni ate. Pabalik-balik ang hintuturo ko.

"Kalurkey!" tili ko.

"Hoy, huwag kang maingay nasa hospital tayo!" Binatukan ako ni ate. "Anong nangyayari sa 'yo?"

"Omg, ate ko!" Yumakap ako sa leeg niya at kunyari na namang umiyak. Nakabuntis yata ako. Huhu.

"Ewan ko sa 'yo, tara na!" Hinila niya ako papasok sa opisina ng kaibigan niya. Nagpahatak nalang ako dahil hindi ma-absorb ng hormones ko ang mga pangyayari.

Manlier than AnyoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon