Chapter 29 • Fear It Not

126 52 13
                                    

Chapter 29 • Fear It Not

Conrad aka Corine's POV

Tulala ako habang nakatitig sa laptop ko. Magtatrabaho na lang sana ako para maibsan iyong sakit na nararamdaman ko kaso ayaw talaga kumilos ng katawan ko.

Iyong mga mukha at tingin ng mga anak ko kanina habang sinasabi nilang bawiin ko ang sinabi ko ay hindi ko talaga makalimutan.

Para silang clone ng isa't isa dahil sa sobrang pagkakahawig nila... lalo silang naging magkakamukha dahil sa magkakatulad na ekpresyon nila kanina. Halos malito ako kung sino si ganito at ganiyan.

Ito na nga ba ang kinatatakutan ko mga veh, wala na. Bakit ba kasi inamin ko agad? Hmpf. Nataranta lang siguro ako dahil may naririnig na sila sa ibang tao, kaso paano? Lalaki naman ako kumilos kapag wala sa bahay... ay hindi ko pala sure.

'Nakakaiyak mga veh! Ano nang gagawin ko?'

"Dhie," tawag sa akin ni Sandra. Idinungaw niya ang ulo sa pinto ng kwarto namin kung nasaan ako.

"Hmm?" iyon na lamang ang naitugon ko, pakiramdam ko kasi ay maiiyak na naman ako kapag nagsalita ako.

Nasasaktang tumitig sa akin si Sandra bago siya tuluyang pumasok. Tumabi siya sa akin sa sahig, sa gawing paanan ng kama kasi ako nakaupo at nagmumukmok. Ayaw kong lumabas dahil wala na 'kong mukhang maihaharap sa mga anak ko.

Mali ba talagang maging ganito ako?

Hindi pa ba sapat na mahal ko ang asawa't mga anak ko para matawag akong lalaki?

Alin ba ang mali? 'Yung kilos at pananalita ko? Lalaki naman kasi ako magdamit.

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. For once in my life, gusto kong hilingin na sana... sana naging straight na lang ako.

Kaso hindi, veh, malambot at matinis na talaga ang boses ko nung bata ako. Babaeng-babae 'yung puso ko nung mga panahong 'yon hanggang sa bago ko makilala si Sandra.

"Dhie, umiiyak ka pa rin," saad ni Sandra habang hinahaplos ang buhok ko.

Nakahilig na ako sa balikat at nakayakap sa bewang niya ngayon. I need this!

"Sabi sa 'yo eh, hindi nila matatanggap," nabasag na naman ang boses ko. "Hindi na nila ako love. Wahh!" Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya, hinagod naman niya ang likod ko para patahanin ako. "Ginawa ko naman lahat, veh, sinubukan kong maging straight kaso 'yung kilos ko ganito na talaga."

"Wala namang mali sa 'yo, dhie."

"Meron. Meron talaga."

Bumuntung-hininga siya. Naiinis na naman yata ang bruha. "Nabigla lang siguro sila, don't worry maiintindihan din nila."

"Kailan pa, veh? Kapag wala na 'ko? Kapag hindi ko na alam?"

"Dhie, ano bang sinasabi mo? Huwag ka ngang ganiyan."

"I'm sorry, mhie. Nalulungkot lang talaga ako kaya sobrang gulo ng isip ko," paumanhin ko habang sumisinga sa tissue.

"Naiintindihan ko, dhie. Tahan na, kakausapin natin 'yung mga bata mamaya kapag kaya mo na."

"Natatakot ako, parang... parang 'di ko na ulit kayang makita 'yung rejection sa mga mukha nila," naiiyak na namang saad ko. Kinginang mata 'to, ihi nang ihi. Bwiset.

Alam ni Sandra kung gaano ako katapang at palaban. Nagawa ko ngang harapin 'yung pamilya niya at si Darwin nung kinanti siya ng mga ito.

Marami akong inaway dahil kung anu-anong sinabi sa kaniya, at may naaway na rin ako dahil sinabing baka maging bakla rin 'yung mga anak ko paglaki.

Kaso ngayon... nakikita niya kung gaano ako kahina. Love pa rin kaya ako ng bruha na 'to? Ngayon lang talaga ako umiyak nang ganito dahil sa lungkot at sakit.

Napahinto ako sa pag-iyak at dahan-dahang humiwalay kay Sandra nang may kumatok sa pinto ng kwarto namin.

Hindi ko na kailangang makita kung sino iyon para malaman, dahil bukod sa aming mag-asawa ay ang triplets lamang ang narito kapag kumpleto kami.

May mga kasambahay si papa na lumilipat dito para bantayan ang triplets kapag may pasok ang asawa ko sa school, at ako naman sa trabaho.

"Bubuksan ko na ha?" paalam ni Sandra.

Hindi ako nakapagsalita at nanatili lamang na nakatitig sa pinto hanggang sa makita ko si Sandra na nakahawak na sa doorknob.

Lumingon muna siya sa akin bago niya iyon binuksan.

Nag-unahan sa pagpasok ang triplets. May hawak na mga papel sina Saironne at Kian habang may bitbit namang pagkain sa platito si Markuz.

Anong pagkain 'yon?

Pinaghalu-halo yata nila 'yung mga pagkain sa mini-fridge na nakalagay sa kwarto nila, basta may nakikita akong nakatumpok sa gitna na naliligo sa chocolate syrup. Cupcake?

"Daddy!" masiglang tawag nila sa akin habang tumatakbo palapit sa direksyon ko.

Nakangiti na sila at malayung-malayo iyon sa hitsura nila kanina. Napahawak ako sa bibig ko at muling pinangilidan ng luha habang pinagmamasdan silang nakatayo na sa harap ko.

Iniaabot sa akin nung dalawa ang mga papel... nasilip ko ang drawing do'n at magulong sulat kamay nila. Letters?

Si Markuz naman ay inilalahad sa akin ang cupcake nga, binuhusan iyon ng syrup at nilagyan ng sprinkles saka marshmallows.

'Mga baklang 'to!'

Manlier than AnyoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon