Chapter 27 • Troublesome Trio

128 52 33
                                    

Chapter 27 • Troublesome Trio

Conrad aka Corine's POV

5 years later...

"Mhie, sa tingin mo, hindi pa ba nakakahalata 'yung kambal na tagilid 'yung mommy number two---I mean daddy nila?" pabulong na tanong ko kay Sandra.

Magkahawak ang kamay namin habang nasa unahan ang triplets na magkakahawak rin ang mga kamay. Sa loob ng limang taon, na-attach talaga ako nang bongga sa mag-i-ina ko, lalo na sa asawa ko.

Hindi na 'ko kinikilabutan at napapaisip kung keri ko bang gawin 'to o iyon sa kaniya. Buong puso ko nang tanggap na siya ang endgame ko. Yay. Corny.

"Dhie, ano naman kung makahalata sila? At least malalaman na nila nang maaga 'yung totoo, at saka wala naman kasing mali sa 'yo bakit mo kailangang itago?"

"Hmpf. Ayaw ko lang ulit maranasan 'yung rejection, mhie. You know naman 'di ba, 'yung kay papa? Iyon nga masakit na para sa akin eh, na hindi niya ako tanggap noon. What more kung maging ganoon din ang reaksyon ng triplets? Mhie, love na love ko sila at ayaw kong makita 'yung rejection sa mga mata nila," mahaba at madamdaming paliwanag ko.

Kung ibang tao ang tatalikod sa akin dahil sa pagkatao ko ay makakaya ko pa, pero kung ang mag-iina ko? Mas gugustuhin ko na lang manirahan sa ilalim ng lupa bilang kamote. Hindi ko keri 'yon, veh. Masakit 'yon. Ay naku, baka magbigti na talaga ako sa halaman ng kamatis kapag nangyari 'yon!

"Matalino at malawak ang pang-unawa ng triplets, maiintindihan ka nila, dhie." Niyakap niya ang braso ko at saglit ding inihilig ang ulo roon.

Huminga na lamang ako nang malalim. Ewan ko ba, hindi ko pa rin talaga kayang magladlad sa kanila. Siguro saka na kapag malalaki na sila. I'll just cherish this moment for a while.

Anyway, nasa mall kami ngayon dahil may gustong bilhin ang mga chikiting. Isa pa, birthday naming apat kaya kakain na rin kami sa labas.

Oo, veh, nanganak si Sandra sa mismong araw ng birthday ko!

Minsan lang din magpabili ng laruan ang mga bata kaya kapag nagyaya sila ay talagang lumalarga agad kami. Itinataon din naman nila ang pagyayaya kapag hindi kami masyadong busy ng mommy nila.

Bumabyahe pa kasi ako papunta sa Manila dahil naroon ang main branch ng Miussa Top, at iyon din ang pinakamalaki. Umuuwi pa ako kahit late na dahil nasa probinsya pa ang bahay namin. Isang oras lang naman ang byahe---dalawa kapag traffic.

Si Sandra naman ay nag-aaral at nasa first year pa lang ng kurso niyang arkitektura. Naging ALS student at passer pa kasi siya bago makapag-enroll sa college. Pursigido naman si gaga kaya natutuwa rin akong pag-aralin siya.

"A-Ano 'yan?" kinakabahan kong tanong habang inilalahad ng triplets ang mga hawak nilang laruan.

"Toys po," inosenteng sagot ni Kian, ang bunso at pinakamalambing. May hawak siyang manika na baby, iyong pumipikit kapag inihihiga.

Natulala naman ako at hindi makapagsalita. Bumubungisngis naman si Sandra sa tabi ko. Juice colored! Nahawaan ko ba sila? Ganiyan na ganiyan ako kay mama nung bata ako! Wahhh!

"This one's the latest barbie doll, the best toy I've seen in here," walang emosyong saad ni Markuz, ang gitna sa magkakapatid, at ang pinakaseryoso sa kanila.

"No!" mariing tutol ni Saironne, ang panganay, at pinakamaingay. "This one's the best!" Itinaas ni Sai ang hawak niyang doll house na parang nagwewelga pa. "And hey, it's the biggest toy in here. This one must be the bestest!"

"So loud," buntung-hininga ni Markuz at nag-angat ng tingin sa akin. "Daddy, can you pay for this? I'll promise to pay you up when I grew older and taller." Tipid siyang ngumiti sa akin habang iniaabot ang manika.

Mga bakla kayo! Gusto kong umiyak mga veh, hindi lang isa ang ka-pederasyon ko, tatlo pa. Ang gugwapo pa naman ng mga anak ko, mana sa akin. Kapag gwapo talaga... mahilig sa barbie! Charot.

"S-Sure thing, a-anak," nauutal na sagot ko. Parang robot kong kinuha ang iniaabot niya.

"Daddy, mine too!" sigaw ni Sai at ipinagduldulan sa akin ang doll house, parang mas malaki pa 'to kaysa sa kaniya ah!

"Daddy, I love you," paglalambing ni Kian habang nagpapacute at inilalahad sa akin ang baby doll.

"Awee, I love you, too, anak." Yumuko ako at hinalikan siya sa noo.

Hinalikan ko rin iyong dalawa dahil nagpacute na rin! Hinalikan din sila ni Sandra dahil halos tunawin na siya sa tingin nang mga ito, ang cu-cute!

Gusto kong umiyak tapos si Sandra sige ang bungisngis, parang natutuwa pa siya na ganoon sila. Sana lang hindi sila mabully dahil naku, makakapanakit ako ng ibang tao. Ang babait kaya ng mga anak ko.

"Mine's a lot better! Magugustuhan 'yon ni Mandy," rinig kong sambit ni Sai, nakikipagtalo na naman kay Markuz.

"Hindi ka naman gusto ni Mandy."

"Eh ano? Lalo naman ikaw, 'di ka niya gusto! Bakit mo ba siya bibigyan ng doll?!"

"Kasi gusto kita asarin."

"Markuz!"

"Mga anak, anong pinag-uusapan niyo?" reaksyon ni Sandra matapos makinig sa mga anak.

Nanlalaki naman ang mga mata ko at nakatitig sa triplets. Don't tell me... it's just a misunderstanding?

"Nothing, mommy," sagot ni Markuz.

"Pinag-aawayan po nila si Mandy," sumbong ni Kian.

"Sinong Mandy?" sabay na tanong namin ni Sandra.

"My girlfriend!" sigaw ni Sai.

"She's my future wife," nakangising sagot ni Markuz habang nakatingin kay Sai na ngayon ay namumula na ang mga pisngi sa sobrang inis.

"She's not your future wife!"

"She's not your girlfriend, Sai."

"It's your fault, Kian!"

"Why me?" nakangusong tanong ni Kian. "Sinagot ko lang naman 'yung tanong ni mommy."

"Whatever! Hindi kayo magkakatuluyan nung pandak mo!"

"Bawiin mo 'yan!" bulalas ni Kian at dinuro pa ang kapatid niya.

"Sinong pandak?" sabay na tanong na naman namin ni Sandra.

"The petty-looking girl from the other class," walang buhay na sagot ni Markuz.

"Markuz! Bawiin mo rin 'yan! She's not petty-looking, she's pretty!" paiyak nang saad ni Kian. "Daddy! Mommy! Inaaway nila ako!" lambing niya sa amin habang kumakapit sa binti namin ni Sandra.

Doon lang ako nabalik sa reyalidad, at doon ko lang din napagtanto na hindi para sa kanila ang mga laruan na 'to. It's for their special someone!

Mga baklang 'tooo, limang taong gulang pa lang luma-lovelife na?! They are just kindergartens for goodness' sake!

Manlier than AnyoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon