Chapter 08 • Kakaloka Ka, Veh!

173 61 27
                                    

Chapter 08 • Kakaloka Ka, Veh!

Allisandra's POV

"Kumain ka na, veh, baka magutom kayo ni baby, ikaw rin!" alok niya sa akin habang siya mismo ay nilalantakan na ang mga pagkain na in-order niya. Nalaman niya kasing hindi pa ako kumakain.

"S-Salamat," nahihiyang saad ko saka kumuha ng pagkain.

Gusto kong maiyak sa sarap ng pagkain na kinakain ko ngayon. Ang tagal na nung huli akong nakakain ng mga ganitong pagkain.

"Umiiyak ka na naman, bruha ka talaga! Sabi ni ate mong doktora ay huwag ka raw masyadong magpakastress, maselan nga kasi ang pagbubuntis mo," mahabang sermon niya.

Hindi ko siya nakikita bilang magiging asawa, kung hindi bilang ate. Kanina pa niya ako sinesermunan at pinaliwanag niya na rin 'yung pag-inom ng vitamins na binili niya. Mas tanda niya pa kung para saan ang mga 'yon kahit na ako lang mag-isa ang nagpacheck up kanina.

"Conr---"

"Corine, veh! Sabihin mo Co-rine. Corine," pagtatama niya sa akin. "Rinding-rindi na ako sa kaka-Conrad niyo ni ate," mataray na reklamo niya sabay subo ng pagkain.

"C-Corine..."

"Perfect!" tili niya at dinuro pa ang mukha ko bago pumalakpak. "Ano ba 'yon, veh?"

"S-Seryoso ka bang pakakasalan mo 'ko?"

Sa totoo lang, ayos na sa akin kahit na 'yung anak nalang namin ang gawin niyang responsibilidad kaso hindi... pati ako gusto niyang panindigan. Sobrang rare ng ganitong tao.

Sumeryoso ang mukha niya at umayos pa siya ng upo. Mabuti at hindi siya ganoon kaarte dahil sa lapag lang kami nakaupo ngayon habang kumakain.

"Ayaw mo ba?"

Natigilan ako. Ang totoo ay gusto ko dahil ayaw kong maging single mom, at matawag na disgrasyada. Ang kaso... iniisip ko siya, alam kong hindi niya ako gusto at hindi niya gusto ang magpakasal sa akin---na isang babae.

"Actually, veh, hindi ko maipapangakong magiging mabuting asawa ako sa 'yo. Sa totoo lang, kapag iniisip ko na mag-aasawa ako ng babae... hindi ko talaga kinakaya. Waah!" Pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay bago muling humarap sa akin.

"Pero dahil magkakaanak tayo, hindi naman kita ituturing na iba. P'wede tayong maging prenny, marecakes, or anything except having a romantic relationship." Ngumiwi siya at pinaikot ang mga mata habang pinipilantik pa ang kamay at mga daliri.

Tumangu-tango ako habang may tipid na ngiti sa labi. Masyado siyang prangka pero hindi naman siya ganoon kaharsh kaya hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi niya.

"Pero, veh, ito... pangako, magiging mabuting mommy ako!" Itinaas niya ang kanang kamay niya sa paraan na nanunumpa. "I mean... daddy? Yuck!" Nagkunwari siyang nasusuka pero tumawa rin agad kaya nakitawa na rin ako.

"Paano kung... hindi pala ikaw ang tatay ng dinadala ko?"

Natigilan siya at nagbaba ng tingin sa tiyan ko. Nang magbalik siya ng tingin sa mata ko ay ngumiti siya.

"Hindi lang naman dahil sa bata kaya kita pakakasalan, veh. I want to take responsibility for taking something precious to you." Tumikhim siya saka uminom ng softdrink.

"At saka, veh, bakit mo naman naitanong 'yarn? Hindi ka ba sure na ako ang ama niyan... kasi ako, ang lakas ng instinct ko na sa 'kin 'yan." Inginuso niya 'yung tiyan ko.

Nag-init ang pisngi ko saka muling nanubig ang mga mata. Hindi ko alam na makaririnig ako ng mga ganitong bagay sa isang katulad niya.

Malapit na akong bumigay sa alok niyang kasal pero kailangan ko munang ilabas lahat ng p'wedeng makapagpa-turn off sa kaniya. Baka pagsisihan niya kasi 'tong alok niya kung kailan huli na.

"Nagtatrabaho ako sa bar," pag-amin ko.

"Bilang janitress, veh, alam ko na 'yan." Nagkibit balikat siya saka nagpatuloy sa pagkain.

"Mahirap lang ako."

"Mahirap din kami dati, veh. Nagsikap lang talaga ako at saka 'yung papa ko dating seaman, nagbago lang nang bongga 'yung buhay ko nung kunin niya 'ko---in a positive and negative way, though."

"Baka dumating 'yung araw na mahulog ako sa 'yo," halos ibulong ko iyon dahil sa sobrang hiya. Ngayon pa nga lang ay magaan na ang loob ko sa kaniya... paano pa kaya kapag nagpatuloy siya sa pagiging mabait sa akin at sa magiging anak namin?

"Kakaloka ka, veh! Muntik na akong mabilaukan sa 'yo. Bruha ka." Uminom siya ulit ng softdrink.

"W-Well, hindi natin maiiwasan 'yon. Pero, veh, 'di ko mapa-promise na mahuhulog din ako sa 'yo! Lalaki 'yung gusto ko sa ngayon, veh. Although hindi naman kita pagbabawalan dahil magiging asawa mo 'ko... yuckkkk!" kunot-noo ngunit tumatawa niyang binulalas 'yung huli niyang sinabi. Napayakap pa siya sa katawan niya at inirapan ako nang pabiro.

"K-Kung ganoon, p-pumapayag na 'kong magpakasal sa 'yo," nakatungong saad ko. Hindi na ako makatingin sa kaniya dahil hiyang-hiya na talaga ako.

"Bruhang 'to, parang napipilitan ka pa ha! Nilunok ko na nga ang pride at dignity ko para rito!" Humalakhak siya pagkatapos sabihin iyon.

Napangiti na lang din ako.

'Anak, magkakaroon ka ng dalawang mommy. Maingay nga lang 'yung pangalawang mommy mo pero mukha namang mabait siya.'

Manlier than AnyoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon