Chapter 14 • Suggestion

165 55 45
                                    

Chapter 14 • Suggestion

Allisandra's POV

3 months later...

Simula noong nakunan ako ay naging malamig na ang pakikitungo sa akin ni Conrad. Binibigyan niya pa rin ako ng pera at inaasikaso pero hindi na siya sumisigaw, tumitili, o ngumingiti sa harap ko. Namimiss ko na 'yung ganoon.

Kasalanan ko rin naman kung bakit nagkaganito kami.

Pinilit niya akong magkwento kung paano nangyari pero ni isa sa tanong niya... wala akong sinagot.

Baka kasi ipakulong niya si nanay. Kahit naman masama ang ugali no'n sa 'kin ay nanay ko pa rin 'yon. Hindi ko gustong gugulin niya 'yung buhay niya sa kulungan.

May pera si Conrad at natitiyak kong maipapanalo niya kung magsasampa man siya ng kaso kaya takot na takot akong magkwento. Hindi naman ako makapagsinungaling at hindi ko kayang baguhin ang kwento kung paano ako nakunan.

Araw-araw ay umiiyak pa rin ako dahil sa pagkawala ni baby. Hindi lang kasi siya 'yung nawala sa akin, pati si Conrad. Magsisinungaling naman ako sa sarili ko kung sasabihin kong hindi ko pa rin siya gusto.

Hindi naman kasi mahirap gustuhin ang taong 'yon dahil sobrang bait at maalaga niya.

Kahit na pagod siya lagi noon galing sa trabaho ay kinakausap pa rin niya si baby na para bang kasama na namin iyon kahit na nasa tiyan ko pa lang ito. Natatawa ako sa paraan ng pagkausap niya, sa arte ng pagsasalita niya, at pati na rin sa mga ikinukwento niya.

Kahit nasa trabaho 'yon laging nagte-text sa akin na inumin ko 'yung vitamins ko. Kinukumusta ako at kung anu-ano pang hindi ko pa naranasan noon.

Kaso ngayon... wala na.

"Umiiyak ka na naman, Sandra. Tama na nga 'yan!" pagkausap ko sa sarili ko habang pinapahid ang mga luha sa pisngi.

Hindi na 'ko p'wedeng ngumawa nang ngumawa dahil uuwi na 'yon maya-maya. Gusto ko na sanang umalis dito dahil wala naman na siyang responsibilidad sa akin kaso hindi ko magawa. Ayaw kong umalis nang hindi nakapagpapaalam at hindi siya pumapayag.

Sa kabilang banda, hindi ako makapagpaalam dahil natatakot ako na pumayag siya. Kaya heto, narito pa rin ako.

Napatayo ako nang marinig ang pagtatype niya ng passcode mula sa labas. Pinilit kong ngumiti para hindi niya mahalatang kagagaling ko lang sa pag-iyak.

"Conrad!" Lumapit ako sa kaniya at yumakap.

Hindi naman siya gumalaw hanggang sa humiwalay ako. Medyo sanay na ako pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot.

Natigilan ako nang makaamoy ng alak. Sininghot-singhot at inilapit ko pa ang ilong sa mukha niya. Kunot-noo naman niyang inilayo ang ulo niya.

"Kumain ka na?" tanong niya. Nilagpasan niya ako at dumiretso sa kusina.

Napanguso ako.

"H-Hindi pa, hinihintay kasi kita. Mas masarap kumain kapag may kasama," pinalambing ko ang boses ko, baka sakaling lumambot na ulit siya sa akin.

Hindi naman siya umimik, sinulyapan niya lang ako at inginuso ang upuan sa tapat niya. Naiiyak akong tinungo iyon.

"Conrad, sorry na, please? Bati na tayo," pagmamakaawa ko nang makaupo. Tumulo na naman ang luha ko. Hindi ko na kasi kaya 'yung ganitong treatment niya.

"Bakla ka, 'di naman tayo nag-away." Inirapan niya ako saka siya sumandok ng pagkain.

"Bakit ganiyan ka? Ang cold mo na sa 'kin. Hindi mo na 'ko tinetext. Hindi mo na 'ko kinakausap. Hindi mo na 'ko sinisigawan. Hindi mo na 'ko mahal!"

Halos mabilaukan siya sa huli kong sinabi. Biro lang iyon para pagaanin ang atmosphere ngunit namula ako nang sobra. Nahiya ako bigla.

"Hindi naman talaga, veh!"

Napangiti ako kahit na rejection iyon. Sa wakas, sa paglipas ng tatlong buwan, narinig ko ulit iyong patili at nandidiring sigaw niya.

"Kingina, veh, ako 'yung nakainom pero parang ikaw 'yung lasing!" dugtong pa niya saka muling sumubo ng pagkain habang sinisimangutan ako.

"Wahhh! Namiss kita Conrad!" tuwang-tuwa na nahagulgol ko.

Tumayo ako at ganoon din ang ginawa niya, naramdaman niya yatang susugurin ko siya para yakapin. Ang lakas talaga ng instinct niya.

"Ahhh! Help!" tili niya habang tumatakbo paikot sa buong apartment.

Hinahabol ko kasi siya. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit dahil sa sobrang tuwa. Sobrang saya ng puso ko ngayon.

"Time freeze! Time freeze, baklaaa! Wahhh! Pagod na 'ko, kinginaaa!" tili niya.

Tumigil naman ako sa paghabol sa kaniya. Nakahinga siya nang maluwag at hinihingal na ibinagsak pahiga ang sarili sa sofa. Dahan-dahan akong lumapit at dumagan sa kaniya.

"Ugh! Ano ba?! Alisss!" maarteng taboy niya sa akin pero sadyang makapit ako kaya hindi niya ako naalis.

"Sorry na, Conrad. Bati na tayo, please? Nagpa-checkup ako kanina para masiguradong okay na 'yung katawan ko. Kung gusto mo..." nahihiyang bitin ko.

Inangat ko ang mukha ko para makita ang reaksyon niya.

Namumungay ang mga mata niya at parang nahihilo na. Lasing talaga siya. Kaiinom lang siguro bago umuwi dahil ngayon lang tinatablan.

"Kung gusto mo, gawa na tayo ulit ng baby," pilyang saad ko.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita ang panlalaki ng mga mata niya. Ang cute niya!

"Gaga ka! No. As in never again. Mag-aampon na lang tayo, veh!" Umakto pa siyang nasusuka sa suhestiyon ko.

Nagawa niya akong itulak paalis sa ibabaw niya kaya napaupo na kaming dalawa. Nakanguso kong tinitigan ang mukha niya. Pumipikit-pikit na ang mga mata niya habang nakahawak sa bibig niya.

Maya-maya ay tumakbo siya papunta sa lababo saka totoong nasuka. Grabe naman 'to. Nagsu-suggest lang eh, tamang-tama pa naman dahil Disyembre na at malamig ang panahon. Hehe.

'Hindi matatapos ang gabing 'to nang hindi ka pumapayag, James Conrad Atencio!'

Manlier than AnyoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon