Chapter 20 • Issa Prank

146 54 36
                                    

Chapter 20 • Issa Prank

Conrad aka Corine's POV

Magkatabi kami ngayon sa malawak na hospital bed, wala lang gusto lang namin humiga habang naghihintay ng resulta.

Nagpa-general checkup na kami today dahil narito na rin naman kami sa hospital.

"Bakit pati ako pinacheckup mo?" nakanguso kaya parang duck si Sandra habang nakatingin sa akin.

"Gaga ka eh! Mamaya magkaroon ka ng blood clot sa utak. Hindi ka kasi nag-iingat."

"Mahina lang naman 'yon."

"Mahina ka riyan. Veh, sa lakas no'n feeling ko nga nabasag 'yung bungo mo."

"Matigas ang bungo ko eh," natatawang saad niya.

Sarkastiko akong nakitawa.

"Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan na sobrang tigas ng bungo mo," nang-uuyam na sambit ko habang inaalala ang mga pagpapasaway niya noong may laman pa 'yung sinapupunan niya. Medyo mabait naman na siya ngayon.

Natahimik siya kaya naman nag-open ulit ako ng topic. Ayaw kong mapanis ang laway ko 'no!

"Kung nakapag-aral ka, ano sanang kurso ang tinapos mo?" tanong ko.

Sa ilang buwan naming pagsasama ay marami na rin kaming alam sa isa't isa pero bawat araw ay may bago pa rin kaming nalalaman. Nakakatuwa lang.

"Hmm, architect!"

Napatango ako, nakikita ko nga na magaling siyang mag-drawing dahil iyon ang pinagkakaabalahan niya tuwing wala ako sa bahay.

"Bakit architect?" usisa ko para lang mapabahaba ang usapan.

"Parang ang ganda kasi kapag may architect sa pangalan. Architect Allisandra, oh 'di ba?" nangangarap na kwento niya habang iminumwestra pa ang mga kamay.

"Nasaan ang apilyido ko?" kunyaring pagtataray ko.

Napanguso siya at namula ang mukha. Baklang 'to!

"Nahihiya kasi ako---"

"Ang ganda-ganda ng apilyido ko, veh, kinakahiya mo? Bruhang 'to!"

"Hindi ah! Eh kasi, pinakasalan mo lang naman ako dahil sa baby natin sana dati. Simula nung mawala siya pakiramdam mo wala na akong karapatan sa apilyido mo."

Sumeryoso ang mukha ko dahil sa narinig. Hanggang ngayon pala ay ganoon pa rin ang iniisip niya. Hindi na niya yata maalala iyong sinabi ko nung niyaya ko siyang magpakasal. Hmpf!

Napairap muna ako bago nagsalita. "Veh, nakalimutan mo na ba? Hindi lang dahil sa bata kaya kita pinakasalan. Gusto kong panagutan ka, ikaw mismo."

"Bakit?"

"Kasi 'yun 'yung deserve mo. You've been a good wife to me from the very first day of the week before the wedding, and I really enjoyed it. Swerte ako kasi pumayag kang maging asawa ko kahit na ganito ako at wala kang kasiguraduhan na may matatanggap kang pagmamahal ng asawa mula sa 'kin. Huwag ka nang mag-overthink, veh, baka maaga kang tumanda," biro ko saka siya inirapan.

"Thank you, Conrad," sinserong saad niya at yumakap sa bewang ko.

"Wala ka namang dapat ipag-thank you, veh! Huwag ka na ma-sad diyan. Ay sige pala, ma-sad ka lang ngayon, mamaya happy ka for sure!" naeexcite na sambit ko.

Nagliliwanag ang mukhang nag-angat siya ng tingin sa akin habang ginagawa na namang unan ang braso ko.

"Bakit, Conrad?"

"Secret!" pambibitin ko.

"Ang duga naman! Iyon ba 'yung pupuntahan natin dapat kagabi?"

"Yup!"

"Hala, saan?! Sabihin mo na."

Umiling ako at nginisian siya. Bahala ka mag-isip riyan, veh. Wala nang surprise kapag sinabi ko 'di ba?

Ang totoo ay bumili ako ng malaking lupa, three months ago, and it took a while para maitayo 'yung bahay sa gitna niyon. Presko roon at tiyak na magugustuhan niya dahil p'wede na siya mag-alaga ng mga hayop at halaman.

Matagal ko na kasing napapansin na mahilig siya sa aso o pusa, basta iyong mga ginagawang pet. Kaso bawal kasi nasa apartment kami no'n at no pets allowed. May mga indoor plants naman kami sa loob ng unit at iyon ang pinagkakaabalahan niya maliban sa pagdo-drawing.

At...

Iyong lay-out nung bahay pati na 'yung pwesto ng lupang nabili ko ay eksaktong-eksakto sa in-sketch niya na ipinaframe pa namin. Kapag hindi naglupasay sa tuwa ang bruha ay itatapon ko siya sa Mars. Charot!

"Wala naman kaming nakitang problema sa inyong dalawa," panimula ng doktor na sumuri sa amin.

"Ang kaso, sa 'yo pala..." Tumitig siya kay Sandra na nakapagpakaba sa akin. "Wala rin namang problema. Pinakaba ko lang kayo. Issa prank!" halakhak niya.

"Doc!" tili ko. Eh, kasi, pasuspense. Muntik na 'kong magwala 'no. Akala ko ay nagkaroon siya ng tumor sa utak. Hmpf!

Tinawanan ako ng doktor, palibhasa ay kaibigan siya ng kaibigan ni ate kaya feeling close. Charot. Close talaga kami niyan.

"Congrats sa inyong dalawa."

"Huh?" sabay na sambit namin.

"She's pregnant, Corine."

Napahawak ako sa bibig ko at nanlalaki ang mga matang tumitig kay Sandra na umiiyak ngayon dahil sa tuwa.

Sa pagkakatanda ko ay hinakbangan niya ako kagabi. May pamahiin na kapag nahakbangan ka ng buntis ay ikaw ang maglilihi!

'Kinginaaaaa, veh, mararanasan kong maglihi kahit wala akong matres! I'm so damn happy!'

Walang salitang namutawi sa aming dalawa ngunit agad ko siyang niyakap para pasalamatan: sa pagdadala ng anak namin, at sa pagbibigay sa akin ng chance na maglihi. Charot!

Manlier than AnyoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon