It's been a month since Melissa discovered the real identity of the man that make her weak once. May ari pala ito ng isa sa may pinakamalaking liquor industry at hindi mabilang bilang na sikat na bar sa bansa. And worstly ay kasintahan pala ito ng minsang tinuring nyang kaibigan.
Malinaw na sa utak nya ang mga nangyari at nasabi man nyang nagustuhan niya ang binata at ang mga ginawa nito. Pero ang mga sandaling iyon ay kanya ng pinag sisisihan. Hindi dapat sya nag padala sa mga pinapakita ng binata at sa mga salita nito. Ang hirap tanggapin para sa kanya na naloko lang sya nito. Pakiramdam nya ay pinag laruan sya upang makuha ang kanyang pag kababae.
At tuwing maaalala nya yung mga araw na nag aalala sya sa binata. Naiinis sya. Isama pa na idinamay nito ang amang walang kaalam alam na sinabi pang may malalang sakit. Hindi nya maiwasang hindi magalit, lalo nat minsan nyang naisip na offeran ito ng pera at ng kanyang sarili para hindi na mag resign sa barko.
Siguro kung nasabi nya yun sa binata at hindi ito pumayag sa alok nya ay baka sabihan pa nya ito na bibilhin nalang nya ang binata. Buti nalang ay hindi nangyari ang mga bagay nayun, kundi ay mas lalo syang malalagay sa kahihiyan. Sobrang yaman nito at kung tutuusin ay baka sya pa ang bilhin ng binata.
At buti nalang din talaga ay safe sya tuwing may nangyayari sa kanila ng binata. Ewan ba nya alam nyang mauulit ang nangyari kaya nag take na sya pills. Kung hindi ay baka nag iwan pa ito sa kanya ng isang panghabang buhay na alaala.
Napa buga nalang sya ng hangin at napa ismid. "Sinungaling!"
She really hates him. Ayaw na nya itong makita kailan man. Pinapanalangin nya na sana ay hindi na mag tagpo ang mga landas nila ng binata.
Natigil lang ang kanyang iniisip ng makarinig ng katok mula sa may pinto. Nasa sa barko parin sya at ang kaibigan nyang si Anna nalang ang kanyang inaantay upang umalis. Iisa rin sila ng apartment na tinutuluyan kapag wala silang flight. Kaya sabay silang aalis.
Pag bukas nya ng pinto ay ibang tao ang bumungad sa kanya.
"Melissa."
Saglit syang na estatwa. Hindi nya alam kung bakit sya nahihiya dito. Hindi nya lubos maisip kung dahil ba yun kay Anastasia o dahil alam nyang may gusto ito dito.
O siguro nahihiya sya dahil pumatol sya sa kaibigan nito. Hindi nya alam.
"Bakit?"
Nang gabing nalaman nila na umalis na ng barko si Anastasia at Clydell ay iyon na rin ang gabing huling naka usap nya ang kaibigang si Inigo.
Simula ng pinaalis sya mula sa opisina nito ay hindi na sila naka pag usap pa. Hindi sya nag tanong o naki balita dito dahil alam nyang may problema din itong iniisip. Saka hindi nya rin ito maka usap dahil bali-balita sa barko na laging mainit ang ulo nito at laging galit. Kaya hindi narin sya nag tangka pa.
Napatingin sya sa inabot nitong papel. Ilang segundo nya iyon tiningnan at hindi kinuha dahil nag tataka sya kung para san yun.
"It's your suspension letter."
Nang marinig ang sabi nito ay napa nguso nalang sya saka inabot ang papel.
"Ahm, thank you." sabi nya ng tinaas nya ang hawak na papel.
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 4: Clydell Escadeja
Romance⚠️ WARNING: R18/SPG ⚠️ The vigilant and extortionate person, Clydell Escadeja never thought he could pretend to a person he never imagine. After losing a bet with his friends, in return he need to work as a common worker on a ship, which will subseq...