Chapter 15

3.5K 64 0
                                    




    PRENTENG nakasandal si Melissa sa malaking salamin at kagat kagat ang kanyang ibabang labi habang pinagmamasdan si Clydell mula sa malayo. Nasa may sea-gazing room sila kung saan may mini bar din duon.
Pag katapos nilang kumain ay inaya sya nito dito. Iilan lang silang taong nasa silid, kaya hindi rin sya masyadong naiilang.





Bigla tuloy syang na curious kung may lahi ba at anong itsura ng mga magulang nito. Gwapo ang binata at may magandang tikas ng katawan. Kaya mas lalo syang napapa isip. Ang swerte siguro ng maanakan nito pag nag kataon at kung ito pa ang maging kamukha. Hindi na malulugi kung sino mang maswerteng babaeng yon.

Bigla nalang syang napa iwas ng tingin sa binata at humarap sa may dagat ng may bigla syang naalala.


Napahawak sya sa kanyang pisngi dahil pakiramdam nyang nag init iyon. Naalala lang naman nya yung gabing may nangyari sakanila ng binata.


Kapag naiiisip nya ang pangyayaring iyon ay lagi na syang nakakaramdam ng kakaibang init sa katawan at nangingiliti sa kanyang pag kababae.




After a minutes cursing herself in her mind. Suddenly, nakaramdam sya ng isang pamilyar na kamay na humawak sa may braso nya.

Napahinga agad sya ng malalim bago humarap sa binata. May inabot ito sa kanyang kopita na may lamang alak.




Hindi nya alam kung ilang segundo nya iyong pinag masdam bago kuhanin iyon sa kamay ng binata.



Tumikhim sya bago inumin ang laman nuon. Buti nalang ay sanay na sya sa mga alak na nasa barko kaya kahit gumuhit ang pait sa lalamunan nya ay hindi na iyon nahahalata.




"So, what are your plans after this flight?"





Nilingon nya ang binata na ang mga siko nito ay nakatuon sa hamba ng salamin at nakatingin sa kanya. Namangha sya sa nakita, masyado talagang masakit sa mata ang kagwapuhan nito at magandang tindig na makakapag patulala nalang talaga kanya.




"Siguro, uuwi ako sa probinsya namin." hindi sya sigurado sa sagot nya. "Not sure, I don't know." nag kibit balikat sya. Kung uuwi din nmn sya sa probinsya nya ay wala na syang uuwian at maaalala lang nya ang namayapang ina at ama nito duon. Paniguradong malulungkot lang sya at hindi ma eenjoy ang bakasyon niya.






"How about you?" hindi nya inalis ang tingin dito.






"Going home, I guess." sagot nito.


Naalala naman nya ang narinig na may sakit daw ang ama nito. Gusto nya sanang tanungin iyon sa binata kung totoo ba yun. Pero nahihiya sya. Baka sabihin ay feeling close pa sya. Gayong ng mga nakaraang araw ay ang sungit nya dito.





"I'm sorry for my attitude this past few days. Hindi kasi maganda ang first meeting natin. Badtrip ako non kay Mr. Hernandez dahil nag tanggal sya ng isang masipag na tao sa barko. And no offense ha, hindi naman si jinujudge kita dahil ikaw ang pinalit nila. But it's really unfair for his side na basta nalang tanggalin na walang sapat na rason diba." paliwanag nya.



Napapikit nalang sya bigla ng marealize ang sinabi. Gusto nyang sapukin ang sarili at ang nagawa nalang nya ay murahin ang sariling katangahan. Bigla bigla nlang syang nag paliwanag ng walang rason.

Napamulat sya at napatingin sa binata ng marinig nya ang mahinang pag tawa nito. At ang pag tingin nya dito ang pinag sisisihan nya dahil halos maestatwa sya ng makita nya ang ngiti nitong nakakasilaw.




Oh my God! What happening to me?

"I understand, wag kang mag alala hindi naman talaga natanggal si Mr. Caampued sa trabaho. Nilipat lang sya sa Vallier."




Nanlaki ang mata nya dahil sa narinig. Gulat sya sa nalaman.



"You know Mico? Really? Napalipat sya sa Vallier. If it's true, then he deserved it." tuwang tuwa sya sa nalaman. "Anyway, how did you know nga pala na napalipat sya sa Vallier?" takang tanong nya.



"I heard it to Mr. Hernandez." maikli nitong sagot, pag katapos ay kita nya ang bahadyang pag simangot nito. Kahit nag taka sya ay hindi nya pinansin iyon. Masaya sya sa nalaman. Sana nga ay totoo ang sinasabi ng binata.





"Looks like that you like him, huh!"



Napawi ang ngiti sa labi nya at sinalubong nya ang tingin ng binata.





"Well, we're not friends if I don't like him."





Pag kasabi nya nuon ay pansin nya ang pag babago ng mood ng binata. Pag katapos nitong inumin ang hawak nitong alak ay kita nya ang bahaydang pag ngiti nito.






Medyo nag tataka sya sa pinapakita ng binata. Ayaw naman nyang mag assume. Lalo nat kakakilala palang nila. Saka ngayon araw lang nyang ma coconsidered na ayos sila ng binata, na walang halong pag tatalo.






Napakibit balikat nalang sya at humarap sa may dagat. Sumeryoso ang mukha niya ng may mga bagay na biglaang pumasok sa utak niya. Isa na duon na hindi dapat sya mapalapit sa binatang kasama nya ngayon. Itanggi man nya o hindi, alam nyang may gusto na sya sa binata, sa simpleng ginagawa nito ay napapakilig sya nuon. Hindi nya alam kung paano at bakit biglaan ang pag ka gusto nya sa binata. Pero hanggang maaga pa ay isesecured na nya ang kanyang sarili.




"Melissa."





"Hmm." Hindi sya lumingon ng tinawag sya ng binata. Siguro ay ilang segundo rin ng hindi nya narinig na mag salita ang binata. Kusa syang lumingon dito. At ng kita nyang mag sasalita na ito ay inunahan sya ng bibig nya.





"Again, I'm sorry sa mga insulto kong nasabi sayo. I didn't mean it. And thank you for saving me to Mr. Salcedo, twice." she smile a little, then inalala nya yung gabing may nangyari sa kanila. "What happened to us that night, it's just a lust. Nadala lang tayo ng init ng katawan. For me walang ibang meaning yun. Kaya sana kalimutan na natin yun. Saka iisa ang pinag tatrabahuhan natin. Ayaw naman siguro natin parehas ng distraction diba?"






Nakita nya ang pag awang ng labi ng binata. She can tell in his face na nag tataka ito sa mga sinabi niya. Duon din nya napagtanto na sana ay hindi nalang nya sinama about yung nangyari sa kanila. Kasi pansin sa binata na wala itong pakialam sa nangyari. Bakit pag sya ang iisip at mag sasabi na wala lang ang pangyayari iyon ay okay lang sakanya. Pero bakit pag sa binata na nalaman na wala lang din dito ang nangyari sa kanila ay nasasaktan at nalukungkot sya?







"I need to go. May meeting pa nga pala kaming mga purser." she gulped. "Thanks for the dinner Mr. Escadeja. Have a good night. "






Hindi na nya pa inintay na makapag salita pa ang binata. Tumalikod na sya at mabilis na lumakad paalis ng silid na kinaroroonan nila. She can't breath normally. Pakiramdam nya ay tumakbo sya ng ilang kilometro sa bilis ng tibok ng puso nya. Hindi nya alam kung paano nya nakayang sabihin ang mga salitang iyon na nkatingin sa mga mata ng binata.





Beside nasasaktan sya sa mismong sinabi nya. Bakit ganun nalang ang nararamdaman nya? Wala nmn dapat syang pakialam. Tama naman ang sinabi nyang distraction ito sa kanya at saka hindi ibig sabihin na may gusto sya dito ipagpapatuloy na nya ang pakikipag mabutihan sa binata.





Kasi she's one hundred percent sure na sya lang ang aasa at masasaktan sa bandang huli. Lalo nat madami ring babae ang umaali-aligid dito isa na duon si Ms. Katherine. Pati narin kay Ms. Marissa Mendez na naka-alitan nya noon. Ayaw nyang malalagay sa alanganin ang kanyang pangalan dahil sa mga babaeng iyon. At lalong hindi nya rin ugaling maki pag kompetensya dahil lang sa isang lalaki na alam naman nyang matatalo sya bandang huli.






.






.




Seafarer Escapade 4: Clydell EscadejaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon