The Meeting
Gwyn's P.O.V.
Naglalakad ako ngayon pauwi ng bahay nang nakayuko. Bukod kasi sa pagod ako sa trabaho, sinisante pa rin ako ng boss ko. Ganito kasi ang nangyari ...
>>Flashback<<
Hingal na hingal akong pumasok sa fastfood na pinagtatrabahuhan ko. At sa labas pa lang, nakikita ko na ang umuusok na ilong at tainga ni Mrs. Jones - ang boss ko.
"Sorry ma'am ! Late na naman po ako alam ko. Pinapangako ko po ma'am na hindi na mauulit ! Sorry po talaga!" nakayuko kong bungad kay Mrs. Jones.
"TALAGANG HINDI NA ITO MAUULIT GWYNETH! DAHIL SISANTE KA NA!" sigaw nito sa akin.
"Ma'am sorry po talaga ! Nagkasakit po kasi ang nanay," pagpapaliwanag ko sa kanya.
"EH ANO KUNG NAGKASAKIT ANG NANAY MO ?! AH BASTA SISANTE KANA ! MAAARI KA NANG UMALIS!" sigaw nya ulit sa akin.
Wala na akong ibang nagawa kundi talikuran siya at lumabas ng fastfood na pinagtatrabahuhan ko nang biglang...
"GWYNETH! BUMALIK KA MUNA DITO," tawag sa akin n ma'am.
"Bakit po ma'am?" tanong ko.
"Absent nga pala si Ara kaya ikaw muna ang pumalit sa kanya," sabi ni ma'am.
Magsasalita na sana ako nang bigla siya ulit nagsalita.
"Pagbutihan mo ang pagtatrabaho at baka maibalik kita dito," dugtong niya.
Biglang nagliwanag ang aking mukha at nagsalita kay ma'am.
"Opo ma'am! Pagbubutihan ko po!" tuwang-tuwa kong sagot at umalis na siya.
Ok na sana ang trabaho ko ng biglang...
*CRAAAACK!*
Lagot nakabasag ako! Lagot ako netu kay ma'am ...
*Kinagabihan*
Pinapila kami ni Mrs. Jones upang ibigay ang aming sweldo sa araw na iyon. Nang ako na ang nasa harap niya...
"Eto Gwyneth ang huling sweldo mo," sabay abot nya sa akin ng pera.
"Huli ma'am?" nagtatakang tanong ko.
"Oo. Hindi na kita tatanggapin ulit dito Gwyneth. Bukod kasi sa late ka araw-araw ay lagi ka pang may nababasag," paliwanag nito.
"Maaari ka nang umalis Gwyneth," dugtong pa nya.
Agad akong nagtungo sa locker ko sa loob ng employees' room , kinuha ang bag ko at tuluyan nang umalis.
>>End of Flashback<<
Nandito na ako sa tapat ng bahay. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng biglang ...
*PSSST! PSSST!*
Napalingon ako sa tunog na iyon.
"Sino yan?" sigaw ko pero sutsut lang ang naging ganti nito.
*PSSST! PSSST!*
"Sino sabi yan eh ?!" sigaw ko ulit. Pero sa muli, sutsut parin ang ganti nito. Nakakairita na ah!
*PSSST! PSSST!*
Wala tuloy akong nagawa kundi sundan ang sutsut na iyon. Hanggang sa mapadpad ako sa isang abandonadong simbahan. At doon ay isang magandang dilag ang aking nasilayan.
ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
The Unknown (Completed)
Mystery / ThrillerHindi lahat ng tulong ay walang hinihinging kapalit... Paano kung may isang nilalang na umalok sa iyo ng tulong - pero may "simpleng" kabayaran ... Tatanggapin mo ba ang tulong na iyon???