Chapter 5

3K 86 0
                                    

The True Color

Nagdidilig ako ng halaman sa bakuran ng mapansin ang mga taong padami nang padami sa bahay ni Tiyang Isabel. Dala na din ng kyuryusidad, nagtanong ako sa isang tao na mukhang galing na doon.

"Kuya, anong meron sa bahay ni Tiyang Isabel? Bat andaming tao?"

"Nako makakahinga na tayong mga umuupa sa kanya ng maluwag ineng," sagot nito.

"H-ho? Bakit?"

"Si Tiyang Isabel, Wala na," sabi ni manong.

"P-pano po nangyaring wala na siya?"

"Nagtagpuan kasi siya ng kasambahay niya sa kwarto na wasak ang bungo at may hawak na baril."

"Ayon sa mga pulis, maaaring nagpakamatay ang matanda. Baka dahil sa sobrang lungkot. Alam naman nating lahat na walang anak at asawa yan diba?" dagdag niya. "Sige ineng mauna na ako," pagpapaalam nito.

Nagpakamatay? Hindi siya pinatay? Kailangan kong makapunta sa abandonadong simbahan!

Tinapos ko ang pagdidilig at nagbihis upang pumunta sa abandonadong simbahan.

---

Pagkarating ko doon ay agad kong nakita ang hinahanap ko. Linapitan ko siya.

"Akala ko ba maliwanag ang ating kasunduan na wala ka munang gagalawin. Na wala kang munang papatayin?! BAKIT MO SIYA PINATAY?!" nagagalit na ako.

"Hindi ko siya pinatay kaibigan. Kusa siyang nagpakamatay," paliwanag niya.

"Pero ayaw mo nun? Naayos na naman ang isang problema mo, wala nang sisigaw linggo-linggo sa tapat ng bahay niyo, wala na kayong babayaran buwan-buwan sa bahay niyo," sabi niya.

Lalo akong nagalit sa sinabi niya.

"Kaibigan, litrato lang niya ang binigay mo at wala kang bagay na inabot sa akin na pag-aari niya. Kung tutuusin nga ikaw dapat ang sisihin dito dahil nagkulang ka sa alay," dugtong pa niya.

"KAHIT NA! PINATAY MO PA RIN SIYA!"

Ang maamong mukha nito ay napalitan ng nakakatakot na itsura. Biglang nagdilim ang kalangitan. Siya ay nagsalita sa isang nakakatakot na boses.

"WALA KANG KARAPATAN SIGAWAN ANG ISANG TULAD KO! HINDI MO AKO KILALA AT HINDI MO ALAM ANG MAAARING MANGYARI SA IYO KAPAG HINDI MO AKO NIRERESPETO," sigaw nito.

"P-pasensiya n-na, n-nagulat l-lang ako," paumanhin ko dito.

Bigla bumalik sa normal ang lahat pati na ang mukha niya. Bigla siyang napaupo sa damuhan at umiyak.

"G-ganyan ba talaga kayong mga tao? K-kayo na nga ang tinutulungan, K-kayo pa ang m-magagalit," hikbi nito.

Biglang nanlambot ang aking puso. Nilapitan ko siya at hinagod ang likod niya.

"Pasensiya na, hindi ko sinasadya," pag-aalo ko dito.

Bigla siyang tumahimik at umikot. Nahagip nito ang aking leeg at sinakal ako.

"Subukan mong ulitin ang ginawa mo at mawawala ang mga taong malalapit sa iyo!" salita niya.

"O-oo, H-hindi na mauulit, I-ibaba mo na ako p-pakiusap," at binaba niya nga ako.

Nang ibaba niya ako ay agad na nanlabo ang aking paningin. Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay isang babae ang nakita kong papalapit sa akin...

*BlackOut*

ITUTULOY...

The Unknown (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon