Chapter 4

3.1K 87 0
                                    

The 2nd Wish

Pauwi ako sa bahay galing sa fastfood dahil umapply ako ulit doon at salamat naman dahil tinanggap nila ako ulit na part time employee lang. Kaya pala mataas ang sahod dahil sa bagong branch kami iaassign.

"GWYN!"

"AYY BALOT! Ara naman, wag kang manggulat!" pagalit kong tugon dito.

"HAHAHA! Mukhang malalim ang iniisip natin ah?!"

"A-ahmm, iniisip ko lang kasi kong paano namatay si Mrs. Jones."

"Ha? Eh diba ikaw pumatay doon?!"

Biglang nanlaki ang mata ko sa tinuran niya.

"Joke lng," pahabol niya atsaka tumawa.

Phew! akala ko alam niya. Binalewala ko na lang ang sinabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.

---

Isang buwan ang nakalipas simula ng pangyayaring iyon. Naging maayos naman ang lahat kaya hindi na muna ako tumungo doon sa abandonadong simbahan.

Sa trabaho, ayos lang dahil mabait ang manager na namamahala sa bagong branch.

Nabayaran na din ang camping ni George at pinasama na lang siya namin. Wala naman ng gastos sa school ko dahil magsesembreak na.

Sabado ngayon at ngayon ang alis ni George papunta sa camping. Maaga siyang umalis kaya hinatid siya ni Nanay at pumunta ng palengke upang makabili na din ng gulay para sa tanghalian.

Bumaba na ako at naghanda ng almusal upang pagdating ni Nanay ay kakain na siya agad.

Nagsasaing ako sa kusina nang biglang...

"GINAAA! MAGBAYAD NA KAYO PAUPA! APAT NA BUWAN NA KAYONG HINDI NAKAKABAYAD ANU BA YAN?! GINAAA!" si Tiyang Isabel pala.

Tinapos ko muna ang pagsaing at agad na lumabas upang kausapin siya.

"Wala pa po dito si Nanay, Tiyang"

"Wala akong pakialam! Nasaan na ang pambayad niyo?"

"Nako Tiyang, pwede po bang sa isang ling--"

"Isang linggo na naman?! Halos linggo-linggo akong nagsisigawan dito sa labas ng bahay niyo! Magbayad na nga kayo!"

"A-ahmm... T-teka lang po at kukuha sa itaas."

Pumasok ako ng bahay, umakyat sa kwarto at dumukot limang daan piso sa bag at bumaba.

"A-ahmm Tiyang, 500 lang po muna. Bukas pa po kasi ang sweldo namin sa fastfood eh. Pangako po, bukas ko babayaran ang kulang," pakiusap ko dito.

"Hayy... O sya! Siguraduhin mong bukas makakabayad kayo ha!" sabi nito at tuluyan nang umalis.

Hindi pa nakakalayo si Tiyang Isabel ng mapaisip ako... Nako! Sa susunod na linggo pa nga pala ibibigay ang sweldo namin! Pano na yan?

Nagpalinga-linga ako sa paligid nang mahagilap ng mata ko ang litrato namin nina Nanay at George.

Litrato...

Kailangan ko ng tulong niya...

ITUTULOY...

The Unknown (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon