Chapter 2

4.3K 103 0
                                    

The Conversation

"S-sino ka?" tanong ko sa babae.

Ngumiti siya ng malapad at nagsalita.

"Isang kaibigan," sagot niya.

"A-anong kailangan mo?" tanong ko ulit dito.

Sa muli ay ngumiti siya at sumagot. "Ikaw ang may kailangan sa akin kaibigan."

Nagtaka ako sa sinagot nya sa akin. Umihip ng malakas ang hangin at lumapit siya sa akin.

"Matagal na kitang pinagmamasdan at batid ko'y kailangan mo ako... ng tulong ko," sabi nito.

"Sabihin mo ang problema mo kaibigan at ika'y aking tutulungan," sabi niya sa akin at ako'y kanyang pinaupo sa damuhan.

Nagkuwento na din ako sa kanya. Mukha naman kasi siyang mabait. Ang inosente ng mukha niya.

Hindi ko pa natatapos ang kwento ko ay bigla siyang tumayo at nagsalita.

"Kailangan mo ng trabaho. Tama ba ako?" tanong niya.

"Oo, kailangan ko ng trabaho. Pero hindi lang basta trabaho. Kailangan ko ng trabaho na may mataas na sahod!" hiling ko dito.

Mula sa inosenteng mukha ay gumuhit ang isang nakakapangilabot na ngiti.

"Kaibigan, binibigyan kita ng sampung kahilingan. Kahit ano ay maaari mong hilingin maliban sa pera," paliwanag niya. "Ngunit bawat hiling ay may kapalit" dugtong pa niya.

"At ano ang kapalit ng mga hiling ko?" tanong ko.

Sa muli ay bumakas sa kanyang mukha ang nakakapangilabot na ngiti.

"Buhay ng tao," sagot nito.

Nagimbal ako sa sinabi niya. Buhay ng tao?! Nagbibiro ba siya?! Hindi ko kayang pumatay!

"Hindi ako nagbibiro kaibigan. Tama ng narinig mo. Buhay ng tao ang kabayaran... Bawat hiling ay isang buhay ang iyong iaalay, pero kailangan na ang buhay na ito ay may kinalaman sa hiling mo," paliwanag pa nito.

Natahimik ako.

"Pag-isip isipan mo ang pagkakataong ito kaibigan. Minsan lang mangyari ng ganitong oportunidad sa isang tao," pangungumbinsi nito.

"P-pero p-paano k-ko maaalay sa'yo ang buhay nila? Papatay ba ako? Kung papat--"

"Hindi ka papatay kaibigan. Simple lang ang gagawin mo. Sa tuwing may hihilingin ka sa akin, pumunta ka dito dala ang litrato at bagay na pag-aari ng taong gusto mong ialay sa akin at agad kong ibibigay ang iyong hiling," paliwanag nito ulit.

Tumalikod ako. Natahimik. Nag-iisip. Sampung hiling ? Ibig sabihin sampung buhay? Pero hindi naman ako ang papatay hindi ba?

Lilingunin ko na sana siya ng--

"GWYN!!! ANUNG GINAGAWA MO DIYAN???" si Rose pala.

Lumapit ito sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"May kausap ako," sagot ko.

"Sino? Eh ikaw lang naman mag-isa dito?" tanong niya ulit.

"Eto o--" nagulat ako dahil sa paglingon ko ay wala na dun ang babae. Ambilis niya naman atang tumakbo?

"W-wala nga. Hehe. Sige uwi na ako," sabi ko at tuluyan nang umalis.

Pero bago ako tuluyang nakalayo, may narinig akong boses na nagsasalita malapit sa tainga ko.

"Pag-isipan mong mabuti kaibigan,"

ITUTULOY...

The Unknown (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon