Chapter 6.1

2.9K 82 0
                                    

The Last Help

Matapos ang nangyaring yun sa abandonandong simbahan, hindi na muna ako lumapit doon.

At sinisigurado kong hindi na ako lalapit pa doon.

Wala naman na kasi akong inaalala dahil kahit papano ay naging maginhawa ang buhay namin. Kaya wala na akong hihilingin pa sa kanya. Hindi ko na kailangan ang TULONG ng halimaw na yun.

---

Lumipas ang isa pang linggo at nandito ako sa fastfood na pinagtatrabahuhan ko.

Nagpupunas ako ng mesa ng bigla akong sugudin ni Rose.

"Mag-usap tayo Gwyn," bungad nito sa akin.

"Ha? Bakit Rose?"

"Alam ko lahat ng ginawa mo," paglalantad nito.

"A-anung pinagsasabi mo Rose? Hindi kita maintin--"

"Nakita ko lahat ng nangyari sa abandonadong simbahan na yun," pagbubulgar niya.

"Bakit mo ginawa yun?! Bakit mo sila pinatay?!" dugtong nito.

Dahil sa ginawa niyang yun ay napatingin ng lahat ng tao sa fastfood sa amin. Hinatak ko siya palabas.

"Rose hindi ko sila pinatay, humingi lang ako ng tulon--"

"KAHIT NA GWYN! PARA MO NA DIN SILANG PINATAY, ALAM MO YUN?!"

"Nag-iisip ka ba ng maayos?! Sa bawat tulong na iyong hinihingi, buhay ang pinagpapalit mo!! BUHAY GWYN!!," pagpapatuloy pa nito.

Naiiyak na ako. Alam ko na mali ako pero ginawa ko lang naman yun para guminhawa ang buhay namin.

"Kailangan malaman to ni Tita Gina."

"R-rose, huwag. Please, magkaibigan tayo diba? Hayaan mo nang ako ang magkwento nito sa kanila"

Natigilan siya ng sandali at nagsalita.

"Pag-iisipan ko Gwyn... Pag-iisipan ko," sagot niya at umalis na.

Lagot nit--

"Gwyn."

Napalingon ako sa tumawag.

"Narinig ko ang lahat," si Ara.

Napayuko ako. 2 Down.

"Huwag kang mag-alala, walang makaalam," sabi niya sa akin at ngumiti.

Biglang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko. Nginitian ko din siya. Niyakap niya ako.

"Pero wala akong tiwala sa Rose na yun, Gwyn. Palagay ko sasabihin at sasabihin niya yun kay Tita Gina," paliwanag niya.

Nag-isip-isip ako. Mukhang hindi pa nagtatapos ang pagkikita namin ng babaeng yun ah. Kailan ko ng tulong. HULING TULONG.

ITUTULOY...

The Unknown (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon