Ang Simula

267 9 11
                                    

Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo...

Hurt.

Love.

Shitness.

Randomness.

Haters gonna hate hate hate...

Alam nyo ba yung feeling na parang sa tingin mo,hanggang pantasiya mo nalang siya?

Pantasiyang siya at ikaw,

Pantasiyang relasyon,

Pantasiyang Mahal ka niya

~

Sisimulan ko ang kwento noong Third year High School student pa lamang ako :)

Btw, Dustin nga pala pangalan ko :)

Others,call me blue,

Puro kulay kase pangalan namin magkakapatid,ung panganay,Si Red at ang bunso si Green.

Sa mga kapatid ko nasa pangalan talaga nila yang kulay ma pangalan na yan. Yung akin palayaw lang :)

Ako'y isang cocc noong ako'y third year high school student kung kaya't dapat maaga ako pumapasok,

"DAPAT!!" Kaso lagi akong pumapalya.Haha

"But not this time!"

"Kailangan ako naman ang pinakaunang estudyante na papasok sa eskwelahan ngayon"

"Dust !! Bangon na!! Male-late ka na!! Anung oras na oh? Hindi kase nag aalarm eh " Pasigaw nyang sabi habang kinakalabog ang pintuan ng akin kwarto.

"Sige ma! Susunod na po ako " sagot ko sakanya.

Hanggang ngayon hindi parin ako sanay na gumising ng maaga kung kaya't kailangan pa talaga akong gisingin sa umaga.

Nanghihina ngunit excited akong bumangon sa aking higaan,

Ngunit may nangyari na lubos kong ikinagulat!!

Di ko alam kung matatakot ako oh ano -.-

Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan !!

Dahan-dahan akong lumingon sa likod.

At laking gulat ng may nakita akong isang lalaki.

Isang poging lalaki!!

Di ko alam kung mababakla na ako sa sobrang kapogiang taglay niya.

Nakadikit lang siya sa pader at nakatitig.

"Natatakot na ata ako?" Bulong ko sa sarili. Dahil sa antagal niya nang nakatitig sakin.

"Ang weird niya -.- " Nakatitig lang kase siya at tila baga'y ginagaya ang bawat kilos na aking gagawin.

Di ko alam kung kinikilig na ako nung time na yun or naiihi lang -.-

Bandang huli,ngumiti sya!!

"Wahhhh!! Ang pogi niya!! Lalo na pag ngumiti !!

Ngumiti sya dahil narealize ko ako pala yun at nakatingin lang pala ako sa salamin :)

"Nakakainis naman oh -.- Pati ba naman ako mabibiktima ng kapogian ko?"

Ako ay isang madasaling tao :)

"Sana po maging pogi naman ako kahit isang araw lang :) Please??
Hirap po kase pag araw araw eh :)

Ako ay nagmadali na, binilisan ko ang bawat kilos na aking gagawin,hindi na nga ako nag almusal eh para lang makapasok sa eskwela ng maaga at maging kauna-unahang estudyante na papasok sa eskwela ngayong araw na to.

" Ma! Alis na po ako! Kinuha ko na po ung baon kong pagkain at pera na iniwan mo dito sa lamesa ! " kahit na sumigaw na ako para magpaalam,lumapit parin talaga ako sa aking ina upang mag beso sa pisngi.

Ganun kami pag nagpapaalam ako at kung aalis na ako.

"God bless you anak :) ingat ka ah :) labyu !"

"God bless me,too :) opo nay,kayo din po :) labyu !"

Naaalala ko tuloy ung sabi ng ka-ibigan ko na: " Lakas maka i love you sa iba pero sa magulang hindi? -.-" hahaha

Nagmamadali akong naglakad dahil malayo layo pa ang terminal ng jeep kung kaya't malayo layo din ang aking kailangang lakarin.

"Kainis naman !! Di pa nga ako nakakapasok sa eskwelahan,haggard na agad ako? " painis kong sabi ko sa sarili..

Nakakainis naman kase dumaan sa kalsadang yun eh. Masyadong maalikabok dahil sa hindi matapos tapos na ginagawang kalsada tas parang sinasadya pang mambuga ng usok yung mga dumadaang sasakyan.

"Pag minamalas ka nga naman oh."
Maaga pa nun kung kaya't wala pang masyadong sumasakay sa jeep. Kaya maghihihintay nanaman ako ng napakatagal na oras.

Makalipas ang kinse minuto ay sa wakas makakaalis na ata kami..

"Tatlo pa ! Tatlo pa!" Sigaw ng barker.

"Luh? Tatlo pa? Eh yung katabi ko nga isang pisngi nalang ng pwet ang nakaupo eh." Inis na sabi ko sa aking isip.

Pagpasok ko sa gate ng school, nakatambay na si manong guard na ubod ng taray na kala mo araw araw may period.xD

"I.d mo?"

"Ayy shet!! Naiwan ko po ata! "

"Bukas ah! Dapat suot mo na yan! "
Pagbabantang sabi ni kuya. Sabay tusok ng kahoy sa loob ng bag ko.

"Nu bang ginagawa ng mga guard sa panahon ngayon? Tutusukin lang ng kahoy loob ng bag ko? Kung pede lang sabihing peram ng stick at ako nalang tutusok ng bag ko,Hiya naman ako eh -.- !" Inis na sabi ko sa aking sarili matapos malampasan si manong guard.

The Girl From My FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon