Ang Panlima

50 4 0
                                    

Kinabukasan, inagahan ko ang pagpasok ko sa eskwelahan sa kadahilanang excited na kong kamustahin at makita siya.

Pumwesto agad ako sa lugar na aking binabantayan . Sa pwesto kong iyon,natatanaw siya ng aking mga mga mata.

Ilang oras na ang lumipas ngunit di parin siya nasusulyap ng aking mga mata.Ni anino niya ay di ko maaninag.

Hindi siya nale late ng ganun. Wala siyang kaclose sa skul kaya wala akong mapagtanungan sa kung ank na nangyari sakanya at kung ano ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya pumapasok.

Nagsimula na ang klase at nawalan na din ako ng pag asa na makita siya sa eskuwelahan.

"Tae nakalimutan kong kunin number niya :( " nagsisising sabi ko sa aking sarili.

Pilit akong nagiisip ng paraan upang macommunicate siya at makamusta. Nawala na ang aking isip sa tinuturo ng aking guro at ang tangin laman ng aking utak ay siya.

Hanggang sa nag uwian na....

"Oy pre !! Maganda panahon ngayon oh. Tara laro muna tayo badminton bago tayo umuwi." Nagyayayang sabi ni Joseph.

Tag ulan nung panahong iyon kaya madalang lang ang araw na maging maaliwalas ito.

"Sayang naman ang pagkakataon na maganda ang panahon kung tatanggihan ko ito ngunit sa tingin ko mas gusto kong pumunta kina Belle." Sabi ko sa aking isip.

Dumating pa ang mga kaibigan namin kung kaya"t dumami din ang nagyaya at pumilit sakin.

"Sorry talaga mga pre. May importanteng lakad ako ngayon eh. Biglaan lang."

"Huh? Ano nanaman yang importanteng lakad na iyan at sa kauna unahang pagkakataon ay ipinagpalit mo ang pag lalaro ng badminton dyan." Pagtatakang tanong ni Joseph.

"Haha basta. Palakas nalang muna kayo nang matalo nyo naman ako. Haha." Pabiro kong sabi sakanila habang nagsisimula na sa paglalakad.

Natatandaan ko pa ang mga daan na dinaanan namin kahapon kahit na umuulan at malabo ang kalsada.

Hanggang sa makarating ako sa kanto kung saan andun yung karinderya at kung saan kami naghiwalay ng landas.

Dinere deretso ko ang kalsada at nilibot ang lugar.

"Teka ! Parang nanggaling na ako dito ah."

Naglakad pa ako ng kaunti at nakita ko muli ang karinderya na sinilungan namin kahapon.

"Sa tingin ko kailangan ko nang magtanong,madami na akong nasayang na oras at napapagod na din ako."

Sumilong ako sa karinderya at bumili ng maiinom.

"Ate may kilala po ba kayong Belle?"

"Belle? Sorry po kaso wala eh."

"Ahh. Thank you nalang po :) "

Pagtapos magpahinga ay naglibot ulit ako. Tinitignan ko na ang bawat bahay na aking madadaanan.

"Oh! Si Belle yun ah !"
Gulat na pasigaw kong sabi.

Nakita ko siya sa bintana ng kanyang bahay na balot na balot ng mga kumot at parang nanghihina.

Dali dali akong lumapit sa bahay at kumatok.

"Tao po?? Tao po ako.
Tao po?? Tao po ako."

Maya maya pa ay may nagbukas ng pinto at tila nagulat si Belle ng makita ako.

"Oh ano Belle? Na starstruck ka nanaman ba sakin? Ok lang yan. Sanay na naman ako eh. Sintomas lang yan na namimiss mo na ako."

"Che! Nung ginagawa mo dito? Tara tuloy ka.

" Sus kunwari ka pa na ayaw mo ko andito. Teka? Bakit wala kang kasama dito sa bahay? Nu ba nangyari sayo? Bakit hindi ka pumasok sa skul. Nakakalungkot kaya na wala ang tanging dahilan kung bakit ako excited lagi pumasok sa eskwelahan :("

"Wala talaga akong kasama sa bahay. Pinapadalhan lang ako ng pera ng aking magulang galing ibang bansa.Haha. Nilagnat ako eh. Simula kahapon. Nabasa ako ng ulan.haha."

"Tuwa ka pa ah? Bakit kase ayaw mong ihatid kita hanggang sa bahay nyo? Ayaw mo pang sagarin ko ah."

"Haha wala lang. Nahiya na talaga kase ako eh. Gabi na nun at alam kong may mga tao ding nag aalala sayo."

"Ahhh ok. Humiga ka nga dyan. Ayusan kita."

Humiga siya sa sofa at ako naman ay kumuha ng planggana na may maligamgam na tubig at towel.

"Oh anong ginagawa mo? "Pagulat na tanong niya sa akin.

" Ano pa edi inaalagaan ka. Alam ko namang di ka pa naliligo eh. Magpunas ka muna ng katawan. At ilagay mo to sa noo mo."

"Hoy kahit di ako naligo,naghihilamos ako noh. Atsaka kahit di ako maligo mabango at maganda pa rin ako."

"Tantanan mo nga yang pinagsasabi mo kung ayaw mong masira araw ko."

"Haha ok lang masira araw mo. Malapit na naman mawala ang araw eb. "

Habang nag aayus siya ay pumunta akong kusina upang magluto.

"Bat wala kang pagkain dito sa ref nyo? Hintayin mo ko bili lang ako ng sangkap sa labas. Magluluto ako bago kita iwan."

"Sige po :) "

Nagluto ako ng hotdog at itlog at sopas.

"Pagpasensyahan mo na Belle . Yan lang alam kong lutuin eh."

"Anong pagpasensyahan? Ako nga dapat mong pagpasensyaha eh. Di moko dapat nakikitang ganito ang sitwasyon."

"Ok lang yun matagal na naman akong wlang pasensya sayo eh. Pati nga pake ko wla na eh. Gusto ko rin naman tong ginagawa ko eh."

"Tara sumabay ka na sakin. Kain na tayo :)"

Kumain kami at nagkwentuhan. Madami akong nalaman tungkol sa kanya dahil sa pag uusap naming iyon. Nagkwento siya tungkol sa buhay nya,ganun din ako.

Pagtapos kong maghugas ng pinggan ay nagpaalam na ako sakanya.

"Belle una na ako ah. Gabi na eh."

"Yah. Dapat lang na umuwi ka na. Gabi na kaya. Di ka pa ba hinahanap sa inyo?" Pagtataka nyang tanong.

"Hmmm hindi ata. Nagpaalam kase ako na mag lalaro kami ng badminton nila Joseph."

"Ahh. Sige na umuwi ka na. Lumalalim na ang gabi."

"Ge una na ako. Asahan kong makita yang pagmumuka mo bukas ah. Pagaling ka. Ayy teka. Pa goodnight nga dyan :)"

"Tae to. Goodnight na. Ge na umuwi ka na. Nang masara ko na tong pinto ko."

The Girl From My FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon