Ang Pang Apat

83 2 0
                                    

Second Grading na nun ngunit tumatanggap pa rin kung sino gusto maging cocc.

Isang araw,magbabantay na sana ako nun sa hallway. Isa sa mga tungkulin ng cocc ay ang magbantay sa umaga,recess and lunch. Magbabantay na sana ako nang makita ko si Belle na nagbabantay at inaayos ang kanyang cocc pin.

"Oh Belle! nag cocc ka na din pala?"

"Yeah. Isn't it obvious?"

"Taray ah. Nag cocc lang kelangan mataray na?"

Matapos ang usapan ay bumalik na ako sa aking pwesto at sinimulan nang magbantay.

"Kung sinuswerte ka nga naman oh,mas madami na ang oras na kami ay magkakasama.hihi. keleg keleg. ;)"bulong sa sarili habang nagnanakaw ng tingin sakanya.

Siguro kung natutunaw lang to,lusaw na lusaw na to kakatingin ko. Bat ba di ko maiwasan na sumulyap sa kanya. Lolokohin ko pa sarili ko na kunwari may titignan sa lugar malapit sakanya pero alam ko namang gusto ko siyang tignan.lol -.-

Dumating ang Friday at may training kami nun. May training kami tuwing Friday.

Naparusahan nanaman kami. Nakita ko na napagod siya ng todo at tumatagaktak na ang pawis niya.

Nilabas ko ang aking panyo at inalok sakanya.

" Oh eto panyo,punasan mo yang pawis mo,nakaka turn off itsura mo,masyadong haggard,ayaw mo naman ata ako maturn off sayo noh?"

"Anung turn off,turn off pinagsasabi mo diyan? Pasalamat ka wala akong panyong dala."

"Ano? Ako pa magpalasalamat? Thank you ah." Kunwaring pagalit na sabi sakanya.

"Choss. Just kidding. Peram na ako panyo. Init na.huhu "

Natapos ang training at kaming lahat ay nagpapahinga at naghahanda na upang umuwi.

"Oy! Nakalimutan mo na ata ibalik panyo ko?"

"Lah?? Kahiya naman. Pwede nang pigain tong panyo mo dahil sa pawis ko eh. Labhan ko muna pwede ? Yun nalang thank you ko sayo :) At para nadin makatikim ng laba tong panyo mo:)"

"Luh? Anong makatikim ng laba sinasabi mo? Sanay sa labahan yan. Gege balik mo nalang sakin sa susunod :) Paplantsa na din ah :) "

"Natuwa ka ata? Demanding ah -.- lalabhan ko na nga,gusto mo ma plantsa pa?"

"Yeah,minsan lang naman eh. Sagarin mo na haha."

"K -.- "

Natapos ang usapan namin sa bwiset na letrang yan. Kumbaga sa chat,parang seen na din yan eh.

Seen-Diyan natatapos ang convo ng dalawang tao +.+

Sumigaw ang kaklase namin sa labas.

"Guyz umaambon na,ayusin na natin gamit natin nang makauwi na tayo. Baka lumakas pa tong ulan."

Dali dali akong tumayo at inayos ang aking mga gamit.

Sabay sabay kaming lumabas ng classroom at naglakad papuntang gate ng skul.

"Guyz mag c-c.r lang ako. Una na kayo :)" Nagmamadali kong sabi sa kanila dahil sobrang naiihi na talaga ako nun.

Paglabas ko ng c.r dumiretso na ako sa gate.

"Hala !! Lakas na ng ulan! Nag c.r lang ako lumakas na ng ganito? Buti nalang may payong akong matibay dito."

Isa na sa pinakaloyal na gamit ko ay ang payong ko.haha.

Buti pa ang payong loyal :(

Dalawang taon na din nang ito ay binili ng aking ina para sakin.

Palabas na sana ako ng gate ng may tumawag sa akin.

"Dustin !! "

Paglingon ko....

Parang nag slowmo ang lahat. Lalong lalo na siya. Ang patak ng ulan ay parang huminto na sa sobrang bagal ng pagbagsak nito.

"Oh Belle ! Bat andyan ka pa? "

"May problema Dust eh :(( huhu :( "

"Oh anu yun? Baka matulungan kita."

"Lumakas na kase ng tuluyan yung ulan eh. Wala akong dalang payong. Mag gagabi na at baka matagalan kung hihintayin ko tong tumila ."

"So anong gusto mong sabihin? "

"May extra payong ka ba diyan? "

"Halaaa.. Wala na eh.. "

"Hmmm . pano na to? Sige sige thank you nalang "

Mag gagabi na nun at tagang tuluyan na ngang lumakas ang ulan. Hindi ko naman siya pwedeng hayaan na ganun ang sitwasyon.

"Uhmm Belle? Gusto mo hatid nalang muna kita? "

"Huh? Masyado na ata akong nakaka abala sayo Dust ."

"Ok lang naabala mo na naman ako eh.sagarin mo na din :) atsaka hindi ko naman kakayaning iwan ka ng ganyang sitwasyon noh. "

"Haha sige sige. Alam mo namang di ko na kayang tanggihan yang alok mo eh. Tara naa :)"

Sinimulan na namin ang aming paglalakad,para na ngang takbo ang paglalakad namin sa bilis ng aming paglalakad.

"Ganyan ba ka strikto sa inyo at di mo magawang huminahon at bagalan ang paglalakad mo? "

Di siya sumagot sa tanung ko na yan dahil parang wala na siya sa sarili at ang tanging nasa isip na lamang niya ang ang makauwi na dahil sa mag gagabi na.

Habang ako naman,

ang tanging nasa isip ko nung oras na yun,ay siya. At ang address ng bahay nya.haha

Ninanamnam ko ang bawat sandali na kami ay magkasama sa iisang payong, kahit na pilit niyang binabawasan ang sandali na iyon.

Nang makarating kami sa isang kanto,inanyayahan niya akong pumunta sa isang karinderya na may silong.

"Sa tingin ko hanggang dito ka nalang . thank you ah ;) na appreciate ko talaga "

"Bat hanggang dito nalang ako? Ayaw mo kong papuntahin sa inyo? Haha welcome :)"

"Haha basta basta. Uwi ka na baka gabihin ka na ng tuluyan."

Di na ako nagsalita nun at umalis na ako sa silong at tumakbo.

The Girl From My FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon