Pag uwi ko sa bahay,tanging ang katulong lamang na si ate malou ang nandon at ang aso kong si monggi.
"Oh Dustin andyan ka na pala. May pagkain na dun sa lamesa. Maghapunan ka na." Sabi ni ate malou habang naglalakad papunta sakin karga si monggi.
"Uhmm... Ate tapos na po ako mag hapunan :)"
"Ahhh. Edi okay. Basta pag nagugutom ka nasa mesa lang ang pagkain. Sha nga pala umalis mama mo. Pumunta sa batangas. 4 days daw sya dun dahil may kailangan daw syang asikasuhin."
"Hah?!! Tama ba ang narinig ko? Umalis si mommy for 4 days? So ang ibigsabihin nito. May kalayaan ako for 4 days?? " tuwang tuwa kong sabi sa isip ko habang nakangiti.
Biglang napalitan ng kalungkutan ang kagalakan na aking naramdaman nung naisip ko ang isa pang side ng pangyayari. Mamimiss ko si mommy.
Dati sanay na ako na wala siya kase isang beses lang siya dati umuuwi sa bahay dahil sa business nya. Pero nung nag iba na siya ng business, di na siya gaano umaalis ng bahay at nagkaroon na din kami ng mas maraming time nun upang masulit ang mga oras na kami'y magkasama.
Inaasar na nga ako ng mga kaibigan ni mommy na mama's boy na daw ako eh kase ako yung pinaka kaclose ni mommu sa aming magkakapatid.
"Oh Dust,natulala ka ata? Nu meron?" Pag aaalalang tanong ni ate malou.
"Ah? Wala po. Yung baon ko pong pera? Iniwan po ba ni mommy?"
"Ah oo . Binigay sakin ng mommy mo. Bilin nya,huwag ko daw sayo ibigay ng buo."
"Huh? Huwag ibigay ng buo? So kelangan mo munang durugin?"
"Loko!! Pinagsasabi mo. Per day ko siya ibibigay sayo."
"Ahhh.. Hahaha. Syempre po joke lang yun. Eto nga po pala ung pera pambili ng pagkain ni monggi. Pasabay nalang po bukas pag mamimili ka na atsaka po agahan nyo po ko gisingin bukas ah. Mga 4 o'clock. Kelangan maaga ulit ako papasok bukas.xD"
"Ayoko nga."
"Huh? Anung ayoko nga?"
"Loko ka ba ? Biyernes ngayon. Walang pasok bukas. Pinagsasabi mo? Antok ka na siguro eh. Umakyat ka na nga sa taas,kung di ka kakain mag hilamos ka na't matulog. Yung mga kapatid mo natutulog na kaya wag ka maingay ah."
Di na ako sumagot nun at umakyat na ko sa kwarto ko.
Pagpasok ko sa kwarto,nag iba isip ko.
Yoko pala muna mag hilamos. Mamaya na yan. Tinatamad din akong magbihis.
Humiga agad ako sa kwarto at di ko namalayan ay nakatulala na pala ako sa kisame ng kwarto ko.
Nagmuni muni muna ako at nag isip isip ng kung ano ang papasok sa utak ko.
"Bakit di man lang nya sinabing wala palang pasok bukas at biyernes pala ngayon?? Basta oo nalang sya ng oo." Painis kong.sabi sa sarili ko.
Tinamad na akong isipin ang kasagutan sa tanong kong iyon. So next topic na po tayo.
Inisip ko ang mga gagawin ko sa weekend.
"Ate !! Ate!! " pasigaw kong tawag kay ate malou.
"Hoy dustin!! Ano ka ba? Bat ka ba sumisigaw? Magising mga kapatid mo. Nu ba yun?"painis nyang sabi.
" uhmm. Ate pwede paloadan nyo ko? Yoko kase masyadong lumabas na eh. Nagkakaroon sila ng pagkakataong makita ang pagmumukha ko atsaka kaclose mo kase yung tindera sa tindahan sa tapat eh."
"Sus tantanan mo nga yan. Akin na ang pera."
Inabot ko ang pera at dali daling sinara ang pinto.
Habang hinihintay si ate ay naghilamos na ako at nagpalit ng damit.
Pabalik na sana ako sa kama nun nang biglang....
"Wahhh.. Bat andilim?? Bat di ko mamulat mata ko?"
Kinakabahan ako nung sinasabi ko yun kase wala na talaga akong makita sa sobrang dilim.
"Brown out !! Brown out!!" Sigawan ng mga bata sa labas.
"Hayzz brown out lang pala. Hah??? Brown out? Huhu? Ate asan ka na ba? Natatakot na ako."mangiyak ngiyam na ako habang sinasabi yan.
Kumapa kapa ako sa aking paligid hanggang sa makarating ako sa bintana. Dali dali ko itong binuksan at nakita ang kagandahan ng kalangitan. Nagningningan ang mga bituin at ang puting puting bilog na buwan ay sadyang napakagandang pagmasdan.
Nakikita mo ang tunay na liwanag nila pag dumilim ang iyong paligid.
Pero natatakot pa din ako. Baka may nakatingin na saking white lady sa likod at anu mang oras ay kakalabitin ako at tatakutin.
" Dust!! Tantanan mo nga ang kakaisip ng ganyan. Ang isipin mo nalang ay napakaganda ng kalangitan." Pabulong kong sabi sa sarili.
Naisip ko nung time na yun ung nabasa ko na isulat mo daw ang pangalan ng gusto mo o mahal mo sa mga bituin upang mahalin ka nito pabalik.
"Ma try nga. Tutal wala naman akong magawa habang hinihintay si ate malou o yung kuryente."
Sinulat ko ang pangalan nya sa mga bituin.
B - E - L - L - E
"Sana iniisip nya rin ako ngayon :( "
Natetempt na talaga akong tumingin sa likod dahil parang may nakatingin talaga sakin..
Maya maya pa ay napagdesisyonan kong lumingon upang ma check kung dumating na si ate malou.
Dahan dahan akong lumingon dahil natatakot parin ako.
Pag lingon ko....
" WAAAAAHHH !!!!!!! "
Hinagis ko ang pinakamalapit na bagay sa akin.
Hinagis ko yung unan ko.
"Aray !! Ano ba Dust? Muntikan mo nang tamaan yung kandila."
"Eh yung ginawa mo sakin? Muntikan mo na akong mapatay sa takot. Pasalamat ka unan yung pinaka malapit na bagay na naabot ng kamay ko. Bakit ba kase ang dami mo lagi magpulbo tas tinapat mo pa yang kandila sa mukh mo."
"Pakelam mo ba? Walang pakialaman.haha. Pumasok na ba yung load?"
"Di ko pa nachecheck eh. Pakuha nga te ung cp ko. Andyan sa may higaan ko."
Inabot nya sakin yung cp ko at chineck namin kung pumasok na yung load.
Pagtapos nyang makita yung confirmation na pumasok na yung load...
Lalabas na sana sya nang...
"Ate !! San ka pupunta? Iwan mo yung kandila."
"Anung iwan? Pano ako makakakilos ng maayos kung wala ang mata ko. "
"Nung mata pinagsasabi mo te? " pagtatakang tanong ko sakanya.
"Mata? Edi yung kandila. Kandila ang nagsisilbing mata ko sa napakadilim na kapaligiran. Dadalhan nalang kita ng isa pa."
Di na ako kumibo nun at humarap muli sa bintana at sinumulan muli ang pagmumuni habang si ate ay nagmadaling umalis para kumuha ng kandila.
BINABASA MO ANG
The Girl From My Fantasy
RandomHaha :)) Try ko lang po :) Dati kase nagtataka ako, " Ano bang meron sa wattpad na to? At bakit andaming kababaihan,na ngayon ay mayroon na ding kalalakihang na aadik dito. " " Magbabasa ka lang naman diba? " Pero Dahil sa Curiosity na yun, nasabi...