Chapter 8

91 8 8
                                    

Hide

"Baba tayo," aya nila sa isa't isa nang iyon na lang ang nakikita nilang paraan upang makatakas dito.

Isa-isa nilang binuksan ang kanilang mga pintuan, sabay tumakbo sila habang sinusundan nila sina Rogan na patuloy na tumatakbo rin.

Ang mga hauna naman ay patuloy na humahabol sa kanila na tumatakbo. Hingal na hingal na ang mga kasama ni Shine at Rogan.

Nagtago naman sila sa malaking puno noong hindi nakatingin sa kanila ang mga hauna.

"Shi-!" mapapasigaw sana si Mia dahil sa kaba ngunit agad na tinabunan ni Liza ang bibig nito.

"Mia, hinaan mo lang ang boses mo. Baka marinig ka pa nila, at makita tayo," mahinang bulong ni Liza na inilapit ang kaniyang nagsasalitang bibig sa tenga ni Mia upang mas humina ang kanilang pag-uusap.

Sa kabilang puno naman nakatago si Shine dahil sa pagmamadali nito kanina, at takot na baka makita siya ng mga hauna.

Takot ang nangingibabaw sa kanila. Lahat sila ay takot. Takot sila na makita sila ng mga hauna dahil alam nilang may masamang balak ang mga ito sa kanila. Nag-iisip sila nang mabuti upang makahanap ng paraan upang takasan ang masasamang nilalang na ito.

"Anong klase sila na creatures? Ngayon lang ako nakakita ng ganyan. Nakakatakot," mahinang-mahina na sambit ni Mia dahil baka marinig siya ng mga humahabol sa kanila. Napahawak sa braso si Mia. Ang tono ng pananalita niya ay may bakat ng pangangamba.

Isang oras na ang nakalipas. Bawat isa ay nangangalay na, at ang kanilang mga paa ay namanhid na rin dahil sa posisyon nila ng pagtatago. Ang iba naman ay napa-upo na lamang sa lupa dahil hindi na nila kaya.

Si Zion at Rogan ay patuloy na nagmamasid sa paligid. Natatanaw pa rin nila ang mga hauna sa kanilang kinaroroonan.

Isang oras nang nakatayo ang mga hauna dahilan upang sila ay magtaka. Natatakot na rin sila dahil baka alam na ng mga ito ang tinataguan nila.

"Ang weird naman ng creature na yan. Kanina pa tumatayo," bulong na sambit ni Mia sabay silip nang kunti si sa likod upang makita ang ginagawa ng mga hauna na iyon.

"Shine, lipat ka dito," sabi ni Mia, nakatanaw kay Shine na nakatago sa kabilang puno.

"Siraulo ka ba, Mia, ha?! Baka makita siya." mariing pabulong na tugon naman ni Liza sa sinabing kahibangan ni Mia.

"Grabe ka naman sa akin," mahinang sabi naman niya at kunwaring nagtatampo pa si Mia pero inirapan lang din siya ni Liza.

Katahimikan ang bumalot sa buong kagubatan. Ni isang tunog ay walang narinig dahil sa pag-iingat ng mga ito.

Hanggang sa...

"Bola ko!" Nahulog ang bola ni Luca, dahilan ng pagsunod niya dito. Ang mga hauna naman ay nakita ito.

"Luca!" si Shine ay napasigaw. Ang mga hauna naman ay nagsikilos para makuha si Luca.

Agad naman hinatak ni Camile ang anak na si Luca. Tumakbo silang lahat pagkatapos.

Takbo nang takbo sila Shine, pati ang mga hauna. Walang tigil silang tumatakbo. Kahit hingal na sila ay tumatakbo pa rin sila.

Hanggang sa...

"Amelia!"

Trip to ShaunaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon