Dream
"Matulog na muna kayo," bilin ni Rogan sa mga bata sa kabilang sasakyan.
Pansin na pansin na rin kasi ni Rogan ang mga mata ng mga kasama ni Shine. Antok na ang mga ito dahil kanina pa sila bumabiyahe, ngunit hindi pa rin sila nakaka-uwi sa pinanggalingan nila.
"Sige, Tito," magalang na sagot ng mga ito sa ama ni Shine.
"Kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang sa amin. Wag na kayong mag-isip na nakaka-abala kayo," huling sabi nito sa kanila. Umalis na si Rogan at iniwan din ang pagkain na pinabibigay ng asawa nitong si Camile sa kanila. Pagkain at inumin ang laman nito upang magkalaman ang kanilang mga tiyan.
"Good night, guys," sambit nito sabay kuha ng unan ni Mia at natulog na.
Hindi na nagawang magsalita ng iba dahil antok na antok na sila at agad nang nakatulog. Payapa ang kanilang pagtulog. Nag-jacket pa ang iba habang ang iba naman ay nagkumot dahil sa malamig na hangin dito.
°°°
"Asan ako?" tanong kaagad nito pagkamulat ng kaniyang mga mata.
Takang-taka si Shine kung nasaan siya. Wala siyang natandaan na siya ay pumunta rito. Ang tanging natatandaan niya ay siya ay natutulog sa sasakyan nila kasama ang kaniyang mga kaibigan. Sa pagkakaalala niya ay hindi ito ang lugar na hinintuan nila.
Naglakad naman siya nang diretso at tumutungo lang ito kung saan niya gusto. Hindi niya mawari pero para sa kaniya ay pamilyar itong lugar sa kaniya kahit na hindi niya alam kung nasaan siya.
Lakad lang siya nang lakad hanggang sa makita niya ang kaniyang mga kasama na nakabitay sa isang puno.
"Shine! Umalis ka na!" sigaw ni Mia. Hindi makapagsalita si Shine dahil sa gulat niya sa kaniyang nasasaksihan.
Ang nakikita niya ay ang mga mahal niya sa buhay na nakabitay, nakatali sa puno, hirap na hirap, nagsisikap na bumaba, at parang mahuhulog na.
"Ma! Pa!" sigaw niya nang makita niya ang kaniyang mga magulang. Wala siyang magawa dahil malaki at mataas ang puno na ito.
Nag-iisip pa rin siya kung paano niya matutulungan ang mga mahal niya sa buhay. Wala siyang dalang gamit na makakatulong sa mga ito. Hindi siya marunong umakyat sa puno. At kahit marunong siya ay hindi niya ito kakayanin dahil masyadong mahirap akyatin ang puno na ito.
May mga matatalas itong bahagi, at madulas ang puno, basang-basa pa ito.
Hindi nga matandaan ni Shine kung bakit basa ang kaniyang buhok at damit. Hindi rin niya maramdaman ang lamig sa katawan.
"Shine, umalis ka na!" sigaw ni Sean kasunod ang papa niya. Kita sa kanila ang pag-aalala kay Shine.
"Anak, umalis ka na bago pa sila dumating. Hindi namin hahayaang maabutan ka nila rito!" sigaw ni Rogan. Hindi na nakikinig si Shine sa kanila dahil iniisip nito na kung makakaalis man siya, ano ang uuwian niya?
Tumitingin pa rin si Shine sa paligid, naghahanap ng bagay na makakatulong sa kaniya sa pagtulong sa mga kaibigan at pamilya niya.
Si Zion ay may napansin kaya sumigaw ito, "Shine! Takbo!" Sa pagsigaw ni Zion ay napatingin ang mga kasama nito sa isang kumpol ng hauna at kay Shine.
Agad silang nagsisigawan dahil sa pag-aalala sa babae.
Tumingin si Shine kay Zion, at sunod na tumingin sa likod nito. Ang mga hauna, kakaibang nilalang.
Tumakbo si Shine. Pero ilang segundo lang ito tumakbo at nadulas ito. Hindi siya makatayo dahil sa pagka-ipit ng paa niya sa bato. Sinubukan niya naman itong alisin. Palapit nang palapit ang mga hauna sa kaniya.
"Shine! Bilis!" sigaw ng kung sino, hindi na makilala ni Shine ang sumisigaw.
Malapit na malapit na ang hauna sa kaniya. Pilit niyang inaalis ang bato na nakadagan sa kaniyang paa. Ngunit ayaw itong matanggal. Nagkakasugat na siya.
"Isa... dalawa... tatlo..." pagbibilang si Shine sa kaniyang isipan. Pagkasabi niya ng tatlo ay natanggal ito kaya tumakbo na siya.
Ang tanging nasa isip ni Shine ay ang kaniyang mahal sa buhay. Kapag nakaalis siya, hihingi siya nang tulong. Maraming balak gawin si Shine sa oras na makaalis ito rito.
Dahil maulan at basa-basa ang lupa ay nadapa ulit ito. Huli na ang lahat.
Nadakip na ng hauna si Shine.
"Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas pa rin si Shine ngunit malakas ang mga hauna. Dinala ng hauna si Shine sa tabi ni Shem. Tinali sa isang puno kaharap ang mga mahal niya sa buhay.
"Pakawalan niyo ako!" Tuloy-tuloy pa rin ang hauna sa pagtali kay Shine.
"Wag niyong sasaktan ang anak ko!" sigaw ni Rogan na nasa taas ng puno, nakabitay.
"Iturok niyo na." May binigay na isang kahoy, mataas ang unang dulo nito, hiringgilya ito kung titignan nang mabuti.
"Shine." Humikbi na lamang si Mia pati si Amelia.
"Anak." Hindi rin mapigilang umiyak ni Camile at Rogan. Wala silang magawa. Hindi nga nila
matulungan ang kanilang sarili."Agh!" napasigaw si Shine nang maramdaman ang katas ng hiringgilya sa braso niya.
°°°
Author's Note: Paunawa lang po sa mga nagbabasa. Ang hauna po ay hindi totoo. Gawa-gawa ko lang po ang hauna. Kahit mag-search po kayo, wala po kayong mahahanap. Walang hauna po, okay?
BINABASA MO ANG
Trip to Shaunace
TerrorThe Dela Fuente family heard of the death of their Grandmother or Mother of their mother. So they immediately went to its location along with some friends. but ..... on their return the path changed. This one is going to Shaunce. › book cover made b...