Chapter 5

89 8 8
                                    

Never Ending Trip

"Ma, natatakot na po ako. Pano kung hindi na tayo makauwi?" tarantang sabi ni Sean.

Kitang-kita na sa mukha ng anak ni Rogan na si Sean ang kaba. Napatingin naman silang lahat kay Sean.

"Sean, ayaw mo non? Hindi mo na kailangan pa na gumawa ng project, at sa langit ka na lang," walang ganang biro naman ni Kell dito.

"Bakit? Sigurado bang sa langit ako mapupunta, ha?!" kinakabahan pa ring tugon ni Sean. Hindi na siya mapalagay sa kaniyang inuupuan.

"Oo nga pala, masama ka palang damo. Buti at alam mo?" sagot naman ni Kell dito. Hawak-hawak niya ang rubiks cube niya, binubuo iyon.

Sa loob-looban naman ni Rogan at Camile ay takot na rin sila. Hindi nga sila naniniwala sa mga multo o kung ano mang kababalaghan, pero ngayon ay hindi na nila alam. Hindi nila maiwasan na mag-alangan at matakot dahil sa sitwasyon nila. Alam kasi nila ang mga kwento-kwento rito sa Naciya.

Ang tungkol sa mga hauna at sa Shaunace.

Narinig na nila ito noon dahil sadyang marami ang mga usap-usapan tungkol dito.

Sa kabilang sasakyan naman ay nagawa pa ni Ben na magsaya at kumanta-kanta kahit ang mga kasama nito ay puno na ng pangamba, kahit na hindi nila sabihin. Takot na rin sila sa kung ano mang mangyayari sa kanila.

"Kung inaakala mo,
Na'ng pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato...
Dumaan man ang maraming pasko," kanta ni Ben habang hawak-hawak pa ang isang walang laman na bote.

"Siraulo ka, Ben, eh, 'no?" pambabara nito sa kasama sabay napa-irap na lang din si Liza.

Patuloy pa rin ang nagmamaneho sa dalawang sasakyan. Ang mga tao naman sa loob ng nga ito ay may kaniya-kaniyang ginagawa, pinagkaka-abalahan at iniisip.

"Hon, ilang oras na tayong nagmamaneho rito," sambit ni Camile ay kanina pa nakatuon ang pansin sa dinadaan nila, pati rin sa oras.

Napatingin naman si Rogan kay Camile dahil sa sinabi nito.

"Oo nga, Pa. Kanina pa tayo. Parang walang hanggan yung dinadaanan natin," ani ni Sean na balisa pa rin.

"Baka palabas na tayo," iyon na lang ang sinabi ni Rogan upang hindi kabahan ang pamilya niya, ngunit sa loob-looban nito ay ang pag-aalala at kaba niya. Napansin niya din kasi ang napapansin nila kaya hindi niya maiwasan ang pag-iisip nang masama.

At kanina lang ay may nakita na naman siyang naglalakad sa gilid ng daanan ngunit nang ituon niya ang tingin dito ay bigla na naman itong nawala. Iniisip na lang ni Rogan na nag-iilusyon lang siya dahil sa daming iniisip niya ngayon, dagdag pa ang pagkawala nila sa daan.

Iniisip pa ni Rogan na sana ay nagdala siya ng mapa nang sa ganon ay hindi na sila mahirapan pa.

Ilang oras na ang nakalipas, at nagmamaneho pa rin si Rogan at Zion habang ang mga kasama naman nila ay nakaramdam na ng gutom pero wala naman silang nadadaanang kahit ano rito.

"Hon, iparking mo muna itong sasakyan," utos ni Camile sa kaniyang asawa. Tiningnan naman si Camile ni Rogan.

"Gutom na ba kayo?" tanong ni Rogan kay Camile sabay dahan-dahang pinark ni Rogan ang sasakyan sa gilid ng daanan.

"Ang mga bata, Hon. Naubos na ata nila ang pagkain. Kaunti lang naman ang binigay kong pagkain kanina," sagot nito sa kaniyang asawa. Kinuha naman ni Camile ang ibang pagkain na nasa kaniya pa.

Pinaghahati na lang nila ang ibang pagkain. Pagkatapos ay ibinigay ito kay Rogan at sa mga anak.

Sa kabilang sasakyan naman ay nag-park na rin si Zion sa likod ng sasakyan ni Rogan nang makitang nag-park ito.

"Guys, gutom na ako. Si Mia kasi inubos ang pagkain." May pahawak-hawak pa si Ben sa tiyan niya at nagkukunwaring galit.

"Hindi kaya. Kumain din kaya kayo kanina," sagot ni Mia, dinedepensahan ang sarili.

Ilang segundong makalipas, at nakarating si Rogan sa sasakyan na minamaneho Zion. Binuksan naman ni Zion ang pintuan ng sasakyan na nasa gilid nito.

"Kain na muna kayo." Kinuha ni Zion ang pagkain na inalok ni Rogan at inabot ito sa mga kasama niya.

"Salamat po, Tito," magalang na sabi ni Mia. Umalis na ito pagkatapos maibigay ang pagkain. Nagsimula na silang kumain at kapansin-pansin ang katahimikan ni Amelia.

"Amelia, kain na tayo." May laman pa ang bibig ni Mia habang inaaya ang kasama nito.

"Don't talk when your mouth is full, Mia." Sumubo si Ben pagkatapos magsalita.

"Kahit na." Irap ni Mia at ibinalik ang tingin kay Amelia.

"Ilalagay ko lang ang pagkain sa tabi mo, ah."
Hindi pa rin kumain si Amelia kahit tapos na ang mga kasama nitong kumain.

"Ame, okay ka lang ba?" tanong ni Den.

"Ehem!" Binatukan ni Den si Ben.

°°°

"Hon, tingnan mo raw ulit ang mga bata. Pabigay na rin ito, baka hindi sila nabusog kanina."

Trip to ShaunaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon