Chapter 2 (Part 2)

121 39 5
                                    

"Kailangan nating pumunta sa Naciya bukas." Nakaupo si Camile habang sinasambit ang mga katagang iyon. Si Thea, Luca, Sean at Kell naman ay nasa hapag kainan na, kakarating lang din nila.

Nasabi na rin nina Rogan at Camile ang nangyari sa kanila. At ang una nilang impresyon ay magkasingtulad lamang, lahat sila ay nagulat at nagtaka sa biglaang pangyayari na iyon.

Silang lahat ay kumakain nang tahimik, marahil ay nag-iisip sila tungkol sa nangyari, walang kumibo maliban sa mag-asawa.

"I-pack niyo na ang mga gamit niyo, mga anak, para sa pag-alis natin bukas sa biyahe," simpleng saad ni Rogan habang hawak ang kaniyang kutsara at tinidor.

"Sige, Tito," unang tumugon si Kell sa sinabi ni Rogan.

Ilang sandali pa ay natapos na silang kumain. Kaunti lang ang kinain nila kaya nag-alala ang mag-asawa, pero hindi rin ito nagtagal dahil batid nilang dalawa na nawalan lang ito ng gana dahil sa kanilang nalaman.

Pagkatapos nilang maghapunan ay pinakain nila ang natirang ulam sa aso nila. Mapapanis din naman ito dahil bukas ay wala sila sa bahay. Wala rin kasi yung katulong nila. Tatlo ang katulong nila at magkakapatid iyon, pero babalik din naman yon bukas.

Tinawagan na ni Camile ang mga ito upang ipaalam na aalis sila bukas, at may duplicate key naman ang mga katulong kaya hindi na nila kailangan ibigay ang susi. Labis nila itong pinagkakatiwalaan dahil ang ina nila ay naging kaibigan ng ina ni Camile na namatay ngayon.

Sa kabilang banda, nasa sariling kwarto niya si Shine, nakatanaw sa itaas. Sa kaniyang kisame ay may mga bituin dito. Design ito ng room niya, hindi ito sticker, isa itong sinasaksak na disenyong umiilaw, mahilig kasi ito sa kalawakan, lalo na kapag gumagabi.

Inalala ni Shine ang lahat ng memorya niya na kasama niya ang lola niya. Bakas ang lungkot sa mukha niya ngunit hindi ito umiiyak. Hindi naman talaga siya umiiyak kahit bugbugin pa man ito.

Ngunit ilang sandali pa ay may dumaloy nang luha sa mga mata niya. Hindi siya madalas na umiyak ngunit hindi rin ito ang una, nangyari rin ito nong namatay ang alaga nitong aso.

Si Shine ay lumaki sa lola niya. Kaya ganon na lamang ang naramdaman niya nang malaman ang pagkamatay ng taong kinalakihan niya. Ilang sandaling dumaloy ang mga luha sa mata ni Shine. Pagkatapos non ay di niya namamalayan na nakatulog na pala siya. Nakatulog siya nang umiiyak.

Umaga na pero tulog pa rin si Shine. Nagising lang siya nang may kumatok sa kaniyang pintuan.

"Nak? Tulog ka pa ba? Gising na at mag-aalmusal na tayo. Pagkatapos natin mag-almusal ay pupunta na tayo kay lola mo sa Naciya," sabi ni Camile. Mahinahon ang pagkasabi nito, lalo at alam niyang nalulungkot si Shine sa nangyari. Umalis rin ito pagkatapos.

Noong magsalita sa pintuan si Camile ay nagising na si Shine. Parang yon ang naging alarm niya.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Shine at tumayo na ito kaagad para magbihis. Kinuha niya ang kaniyang bag at nilagay doon ng kaunting damit na dadalhin. Ilang minuto niya lang iyon ginawa at kaagad din naman siyang natapos.

Nag-powder na rin ito para di makita ang namamaga nitong mga mata. Bumaba naman ito pagkatapos mag-ayos, dala-dala ang kaniyang bag at dalawang earphones.

°°°

"Shine!" may kung sinong tumawag dito.

Napatingin si Shine sa likod, doon sa sumisigaw. Nandito na nga pala sila sa gasolinahan, huminto sila saglit upang magpa-gas.

"Mia?" mahinang tanong nito.

"Buti na lang, nakasalubong namin kayo." Lumapit si Mia kay Shine at hinawakan ang braso nito. Si Ben, Den, Liza at Amelia din ay lumapit na sa kanila.

"Pupunta din kami sa Naciya," saad ni Ben at nilagay sa bulsa ang teleponong hawak niya kani-kanina lang.

"Bakit?" kunot-noong tanong ni Shine.

"Ang papa ni Zion ay namatay din. Sinaksak ng punyal." Si Den na ang sumagot. Nasa likod sila ng van na pinapa-gasan ng mama at papa ni Shine kaya hindi pa sila nakikita ng mama at papa nito.

"Punyal?" nagulat na sambit ni Shine sa sinagot nila. Sino ba naman ang hindi, hindi ba?

"Oo, parang sa lola mo," walang kaemo-emosyong ani ni Ben.

"Pano niyo nalaman ang tungkol sa lola namin?" tanong ni Shine, nagtataka ito dahil sa pagkakaalam kasi niya ay hindi niya pa ito nasabi kahit kanino. Hindi kasi ito nag-cellphone kahapon.

"Si Kell, nagtanong kasi kami kung bakit di ka sumasagot sa text namin. May assignment kaya. Ikaw lang naman ang matalino samin, no? Bukod kay Zion. Itatanong sana namin kung tama yong sagot namin," sabi ni Mia, habang hawak-hawak ang coke na zero sugar. Binuksan niya ito at ininom. Si Liza naman ay may lollipop sa bibig, at si Amelia ay nakikinig lang sa kanila.

"Oh, nandito pala kayo." Napatingin sila kay Camile nang magsalita ito. Tumalikod naman ang iba para makita ito nang maayos.

"Hi, Tita Camile," isa-isa nilang bati rito at nagmano.

"Asan ang punta niyo?" tanong nito. May hawak itong plastik na ang laman ay mga pinagbibili nito na pagkain para sa byahe.

"Naciya po," magalang na sagot ni Mia.

"Naciya? At sino naman ang kasama niyo?"

"Kami lang po, tsaka si Zion. Si Zion po ang nag-dadrive."

"Kaya na ba ni Zion? Naku! 19 pa lang si Zion. Ano bang pakay niyo ron? Malayo-layo rin yon. Kaya niya ba?" Ang mukha ni Camile ay balisa sa pag-aalala.

"Papa niya po." Humina ang boses ni Mia pagkasabi ni non.

"Papa niya? Bakit? Anong nangyari sa papa niya?" Hindi mapigilang magtanong ni Camile.

"Namatay po. Nasaksak ng punyal." Napahinto si Camile sa pagtatanong nang marinig iyon. Hindi niya akalain na ganon din ang mangyayari sa kanila.

"Asan na si Zion? Ako na lang ang mag-drive sa inyo." Hindi na nagtanong si Camile. Alam kasi nito na wala nang pamilya si Zion maliban sa papa niya na nagtatrabaho sa Naciya. Doon siya nagtatrabaho dahil malaki ang kita niya ron.

"Wag na raw po, Tita. Gusto niya po siya ang mag-drive," sabi ni Mia.

"Tita, pwede ba si Shine sa amin sumakay?" pag-iiba ng topic ni Liza at hinawakan uli ang braso ni Shine.

"Oo naman."

"Shine, sama ka samin."

°°°

"Kailangan nating makuha si Dess, isang oras pagkatapos ng kaarawan nito." Nakaupo si Shem habang sinasabi iyon. Nakapaligid din ang mga haunang kasama nito.

"Hindi ba't nasa Iyan ang prinsesa?" Nagkatinginan muna ang dalawang hauna, bago nagtanong ang isang hauna kay Shem.

"Hindi tayo makakapasok sa Iyan," sambit ng isang haunang nasa gilid ni Shem.

"Nagawa ko na ang plano ko. At sa oras na makuha natin si Dess ay maaari na tayong makapasok sa Iyan at masakop ito." Ngumisi si Shem. Nasa isipan nito ang mga plano na gusto niyang maisangkatuparan.

"Ipagdiwang natin ang kapangyarihan!"

°°°

"Wala ka talagang awa, kapatid ko."

Nakatago sa gilid si Conni, kasama nito ang asawa. Hindi niya kasama si Rehab sapagka't nagbabantay ito ng anak niya.

"Anong plano mo, asawa ko?" Tiningnan ni Lilo ang asawa nitong si Conni.

"Balaan si Dess," tugon ni Conni habang nakatingin pa rin sa kapatid nito. Hindi niya mabatid kung bakit nagkaganyan ang kaniyang kapatid.

"Sa paanong paraan?" tanong ni Lilo.

"Sa kung anong paraan ang kaya ko."

Trip to ShaunaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon