Prologue

141 41 8
                                    

'All of my life
I thought I was right
Looking for something new
Stuck in my ways
Like old-fashioned days
But all the roads led me to you...'

Lyriko ng kanta na naririnig sa earphones ni Shine habang ito ay nakatingin sa view sa labas ng bintana. Alam kong mahilig si Shine sa musika dahil ito ang nagpapakalma sa kanya.

Nakasakay ito sa sasakyan. Malungkot siya kasi namatay yung lola niya, at bukod pa doon ay may narinig siya kanina. Narinig niyang ampon lamang daw siya.

Kaya ikinalungkot niya ang balitang iyon dahil hindi sinabi ng ina niyang si Camile at ama niyang si Rogan ang tungkol dito.

Hindi ito umiiyak, nagmumuni-muni lang. Hindi kasi talaga ugali ni Shine ang umiyak. Kahit sobrang lungkot o sobrang saya niya ay hindi talaga siya umiiyak, sa katunayan nga ay hindi pa nakikita ng mga magulang niya na umiiyak siya. Nag-iisip lang ito kapag may problema siya.

Napansin naman ni Zion si Shine na mukhang malungkot. Alam na alam na ni Zion ang mga galawan ni Shine dahil matalik na magkaibigan silang dalawa.

"'Wag kang malungkot, Shine. Magiging malungkot din yung lola mo. Sige ka, baka bumagon 'yon kapag naramdaman niyang malungkot ka." Tumingin saglit si Zion kay Shine, bago tumingin ulit sa dinadaanan dahil siya ang nagmamaneho.

"Sana nga ay bumangon siya don." Hindi naman tumitingin si Shine kay Zion habang sinasabi ang mga katagang iyon.

°°°

"Dalawa ba ang daan dito kanina, Hon?" Pinahinto ni Rogan ang sasakyan kung saan nakasakay ang asawa niya at ang mga anak nila, maliban kay Shine at sa isa pang pamangkin. Sapagkat nagtaka ito dahil sa pagkakatanda niya ay isang daanan lang dito.

Sa kabilang banda naman, kung saan nakasay sina Shine, Zion at ang mga kaibigan nila na si
Mia, Amelia, Liza, Den at Ben. Napahinto rin ang sinasakyan nila dahil nakasunod lang din ito sa sasakyang nasa harap na minamaneho ni Rogan, si Zion kasi ang driver dito at hindi nito alam ang daanan kasi ito ang unang beses na siya ay nakapunta sa lugar na ito.

Sa paghinto ni Zion ng sasakyan ay napatanong si Ben. "Napahinto ka, tol?"
Napatingin naman ang lahat na nasa loob ng sasakyan kay Zion. Habang si Shine naman ay binaba na ang kaniyang earphone na nakalagay sa tainga. Si Amelia ay tiniklop ang librong kaniyang binabasa. Si Mia naman ay natigil ang pagnguya ng pagkain. Si Liza na mahimbing ang tulog ay nagising dahil sa kumusyong nangyayari.

"Tumigil si Tito," sagot ni Zion.

"Tito raw, Den." Tinginan ni Ben si Den habang napapangisi silang dalawa.

Si Ben at Den ay nasa likod. Si Liza, Amelia at Mia ay nasa gitna. At si Zion at Shine ang nasa harap.

"Tito," ulit pa ni Den na nang-aasar.

"Hindi ko napansin, Hon," sagot ni Camile na nasa kabilang sasakyan sa kaniyang nagtatanong na asawang si Rogan.

Ang pwesto nila sa sasakyan ay nasa harap si Rogan at Camile. Sa gitna naman ay si Luca at Thea na mahimbing ang tulog. Sa likod ay si Sean at Kell.

"Hindi ko matandaan kung sa kaliwa ba o kanan ang dadaanan. May nakakaalala ba dyan?" Tumingin sa likod si Rogan, nagbabaka-sakaling may nakakaalam.

"Hindi ko alam, Pa," sagot ni Sean na kasalukuyang abala sa kaniyang cellphone.

"Sa kanan ang daan, base sa pagkakaalam ko," sagot ni Kell, pamangkin ni Rogan. Anak si Kell ng kapatid ni Rogan na babae. Si Rogan kasi ang pinakapanganay na anak sa kanilang magkakapatid.

"Kanan? Sigurado ka?" tanong ulit ni Rogan. Nagpapakasigurado itong tama nga ang kanilang tatahaking daan.

"Hindi po ako sigurado, Tito." Napakamot sa ulo si Kell. Hindi niya kasi ito alam, sa totoo lang. Hindi niya na matandaan.

"Dito na lang muna tayo dumaan sa kanan. Kapag maling daanan ito ay bumalik na lang tayo. Matanda na siguro ako kaya nag-uulyanin." Binalik ni Rogan ang tingin sa daan at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Sa kabilang sasakyan naman ay nagtanong ulit si Ben tungkol sa paghinto ng sasakyan nila. Si Zion naman ay nagsimula nang magmaneho ulit no'ng makita na ang sasakyan nila Rogan na umandar ulit.

"Dalawa ba ang daanan dito kanina? Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi, akala ko ay iisa lang?" nagtatakang tanong ni Ben sa mga kasamahan habang nililibot ang kaniyang tingin sa kanilang dinadaanan.

"Pagkakaalam mo dyan. Eh, tulog ka nga kanina. Siraulo talaga," saad ni Liza na kakagising lang. Uminom naman ito ng tubig pagkatapos magsalita.

Hindi pa nag-iisang minuto, si Ben ay muling nagtanong. "Promise talaga, hindi ito ang daan. Hindi natin yan nadaanan." Turo ni Ben sa isang puno. Malaki ito, at ito lang ang pinakamalaking puno rito, kung kaya't madali lang itong mapansin ng mga napapadaan.

"Tulog ka nga kanina, eh. Pano mo nasabing di natin yan nadaan? Gago ka ba?" inis nang sambit ni Liza na may kasama pang mura.

Si Liza kasi ay talagang palamura. Pero nakasanayan na nila ito. Nasanay na ang mga kasamahan nito, lalong-lalo na si Ben dahil lagi itong nakakatanggap ng malulutong na mura ni Liza.

Si Amelia naman ay pinagpatuloy na lang ang pagbabasa ng libro. Si Mia ay nilagay na sa bag yung balot ng pagkaing kinakain niya kanina.

"Hindi ako tulog, ah. Ten minutes lang ang tinulog ko kanina sa biyahe. Den, di ba? Hindi natin 'to nadaanan?" Tiningnan ni Ben si Den matapos igilid ang kaniyang ulo, hinihintay nito ang sagot ng kausap.

"Ewan, hindi ko naman mine-memorize ang daanan." Hindi tumingin si Den kay Ben habang sinasabi iyong naging tugon niya.

Si Shine naman ay tiningnan ang dinadaanan nila, ngunit hindi malaman ni Shine kung nadaanan na nila ito kanina, nakatulog kasi ito.

I-aalis na sana ni Shine ang tingin niya sa daanan nang may mapansin ito.

May pigura ng taong nakatayo sa may puno. Hindi niya ito mamukhaan. Isa itong babae na may mahabang buhok at puti ang kulay ng balat nito. Ang damit niya ay puti rin, at mahaba rin ito. Long dress.

"Tama si Ben. Hindi natin 'to nadaanan kanina," sabi ni Zion nang mapansin din ang mga nadadaanan nila, batid din ni Zion na hindi ito ang dinaanan nila kanina.

Inalis ni Shine ang tingin niya doon sa babaeng nakatayo, at hindi niya na ito pinansin. Ngunit sa pag-alis nito sa tingin ay bigla na lang itong nawalan ng malay. Ang huling nakita nito ay ang matanda na itinataas ang kamay, at ang dalawang daliri nito ay ang tanging hindi nakatiklop. Peace sign ang huling nakita niya.

"Shine!" sigaw ni Zion. Siya ang unang nakapansin sa pagkawala ng malay nito sapagka't sila ang magkatabi.

Trip to ShaunaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon