Chapter 7

89 8 6
                                    

Hauna

"Ahh!" biglang sigaw nang malakas ni Shine.

Nagising ang mga kasama ni Shine na natutulog sa sigaw na ito.

"Ahh!" sigaw nito ulit. Hinawakan ni Zion si Shine upang pakalmahin ito ngunit nilalayo niya ang kamay niya rito, at patuloy na sumisigaw.

"Ahh! Bitawan mo ako!" Nang hawakan ni Zion si Shine ay iyan ang isinagot nito, isang malakas na sigaw.

"Shine, si Zion 'to," saad ng binata. Hinawakan ulit ni Zion ang braso si Shine ngunit sumisigaw pa rin siya.

"Wag mo kong hawakan!" patuloy na sigaw nito. Hindi nakamulat ang mga mata nito habang sinasabi iyon.

"Shine, gising ka na," nag-aalalang sabi nila. Kitang-kita sa mga mata ni Mia ang pag-aalala para kay Shine.

Minulat ni Shine ang kaniyang mga mata matapos non. Napagtanto niya na panaginip lang pala ang lahat.

"Shine, ito tubig," alok nito sa kaibigan, at inabot naman ni Mia kay Shine ang tubig.

Sa kabilang sasakyan naman ay narinig nila ang sigaw ni Shine. Kaya nagising din sila dahil dito.

"Si ate ba yon? Ang lakas ng boses niya. Ngayon ko lang siya narinig sumigaw," saad ng kapatid ni Shine. Humikab si Sean pagkatapos magsalita.

"Hon, bumaba nga tayo. Baka kung ano na ang nangyayari sa kanila," nag-aalalang sabi ni Camile kay Rogan, at bumaba na nga ang dalawang mag-asawa. Si Thea at Lucas naman ay nagising na rin dahil sa gulo na nangyayari. Dumaan si Sean sa taas ng upuan para makalabas din tsaka binaba nito ang isang upuan para makababa na rin si Kell.

Binuksan nila ang pinto para makalabas. Si Sean at si Kell ay nakababa na rin, pero hindi sila pumunta kila Shine at nasa labas lang sila ng kanilang sasakyan dahil may mga batang naiwan dito.

"Sila Tito Rogan," saad ni Mia nang makita sila Rogan na papalapit sa kanila.

Binuksan ni Liza ang pintuan at lumabas siya pati si Mia upang makapasok ang mga magulang ni Shine. Si Amelia naman ay nasa gilid at tulala na naman.

Pumasok si Camile habang si Rogan ay hindi na. Nasa labas na lamang ito.

"Anong nangyari?" mahinahong tanong ni Camile sa kanila at lumapit nang kaunti kay Shine.

Si Ben at Den naman ay biglang naging tahimik. Kinuha ni Den ang tumbler nito na nasa likod nila nang may makita itong nakakatakot na nilalang. Pumikit ulit ito sa pag-aakala na nag-iilusyon lang siya pero hindi, dahil matapos niyang pumikit ay naroon pa rin ang nakakatakot na nilalang.

"Hala! Ano 'yon?" Si Mia sa labas ay kinalabit si Liza na antok na antok pa.

Maging si Sean at Kell ay nakita ito. Napatingin naman si Rogan kay Mia, pati si Camile dahil sa nasambit nito.

"Tito, tingnan niyo po," sabi ni Mia na medyo kinakabahan na. Umayos ng tayo si Rogan sa pagkasabi niya nito.

"Ano 'yan, Hon?" tanong nito sa asawa sabay labas na rin si Camile. Takang-taka sa inaakto nila, at kuryoso sa kung ano ang nakita ng mga ito.

Bumilog naman ang mga mata ni Camile nang makita ang kanilang tinitignan. "Sumakay na kayo sa sasakyan!" sigaw ni Rogan. Pumasok naman agad si Mia at Liza dahil dito.

Tumakbo si Rogan at Camile patungo sa kanilang sasakyan. Pumasok na rin ang dalawang binata na si Sean at Kell. Sa gitnang bahagi ng sasakyan umupo si Sean at Kell. Katabi nila ang dalawang bata.

"Ano ba 'yon, Pa?" tanong ni Sean nang dahil sa inakto ng kanilang mga magulang.

Nagmaneho na si Rogan at sumusunod naman kaagad si Zion.

"Hindi ko rin alam," balisang sagot nito. Binilisan ni Rogan ang sasakyan.

"Hon, ang mga bata." Nag-aalala si Camile sa mga batang kasabay nila sa kabilang sasakyan.

"Kaya na nila yan at magiging maayos sila." Kahit sinabi yon ni Rogan ay hindi niya mapigilang mag-alala rin.

Sa kabilang sasakyan naman ay humahabol si Zion kay Rogan.

"Ayan sila! Humahabol pa rin." Tumitingin si Ben sa likod habang nagsasalita. Puno ng pangamba ang tono ng kaniyang boses.

"Zion, pakibilisan, please," si Mia na natatakot.

Sa pagmamaneho ni Rogan ay biglang huminto yong sasakyan nila. Napatingin ang lahat sa
kaniya.

"Naubusan tayo ng gasolina!" hindi mapigilan ni Rogan na sumigaw.

"Pa, baba na tayo." Kitang-kita sa mukha ni Sean ang pangamba.

Sa kabilang sasakyan naman ay napatigil din ang sasakyan nila. "Zion, napahinto ka?! Drive ka, bilis!"

Hindi napansin ni Mia na sina Rogan ay napahinto rin, panay tingin kasi sa likod, sa mga hauna. Kung hindi naman sa mga hauna, sa nagmamaneho siya tumitingin, kay Zion.

"Naubos ang gasolina." Sinubukan ni Zion na paandarin ulit ito pero ayaw talaga.

"Putek, ngayon pa talaga... tangina!" Si Liza ay napamura na sa takot.

Trip to ShaunaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon