Abot hangang tenga ang aking ngiti habang inaayos ko ang aking mga dadalhin sa paglilipatan ko mamaya. Hindi na ako mas-iisip pa sa tutuluyan at pati na rin sa transportation dahil doon na mismo ako sa penthouse ni Sir Bernard titira. Ngayon pa lang unti-unting rumihistro sa akin ang lahat. Kanina habang sinasabi niya yun sa akin ay nakatingin lang ako sa labi niya habang seryoso siyang nagsasalita. Mabuti na lang kahit paano ay naintindihan ko ang mga sinabi niya. Malaki ang pasasalamat ko kay Tiya Esme dahil siya ang nagrecommend sa akin kay Sir Bernard.
Mukha naman siyang mabait considering na siya mismo ang nagsabi ng mga pwede at hindi ko pwedeng gawin. Malaking advantages ito para sa akin. Dahil bukod sa makakaipon ako ng malaki ay maibibili ko na ng bangka si Itay. Gagalingan ko na lamang pagdating sa trabaho para masuklian ko naman ang kabutihan ni Sir Bernard sa paghired sa akin.
Kinagabihan ay tumulak na agad ako pa maynila. Ibinilin ko na lamang ang mga naiwan ko pang gamit kagaya ng manipis na kutson at maliit na electricfan dahil sabi ni Sir Bernard damit lang daw at importanting gamit ang mga kailangan kong dalhin.
"Halos alas-nuebe na ng gabi nang makarating ako sa building ng Villegas Corporation. Akala ko dati opisina lang ang meron dito. Dito rin pala si Sir Bernard nakatira.
Pagpasok ko sa salamin na pinto ay bumungad sa akin ang dalawang guard.
"Kanina pa po kayo hinihintay ni Mr. Villegas."
Nagtataka ko siyang tinignan.
"Bakit daw po?" Tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa bumukas na elevator at bumungad sa akin si Sir Bernard na naka puting plain shirt at itim na pantalon.
"My God Sam, ilang oras ba ang kailangan mo to pack your things? Bakit ang tagal mo? Alam mo ba kung anong oras na?" Litanya niya sa akin ng makalapit siya. Kaya lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Hinintay niya ako? Pero bakit?
"Let's go, I'm very busy." Seryosong sabi niya sa akin at pumasok ulit sa elevator nakangiti akong nagpaalam sa guard at bitbit ang dalawang mabigat na dala ay pumasok ako sa loob.
"Sorry Sir, traffic po kasi." Dahilan ko sa kanya. Kahit seryoso at salubong ang mga kilay niya ay hindi pa rin nababawasan ang kanyang kagwapuhan pero kailangan kong gisingin ang aking sarili! Trabaho ang ipinunta ko dito! Para kila Inay at Itay at para kay Calix kaya hindi dapat ako magkamali.
"Yan ang isa sa mga rason ko kaya kita patitirahin sa penthouse ayoko ng ganyang dahilan lalo pagdating sa trabaho Sam.
"Nang pinindot niya ang letter 'P' button ay nakakapit na agad ako at nakapikit sa stainless na hawakan. Ayokong magpatalo sa pagiging claustrophobic ko at kailangan ko itong ma- overcome.
"Are you okay?" Narinig kong sabi niya hindi ako dumilat at ni-relax ko ang aking sarili.
"Yes, Sir don't mind me kaya ko po."
I practice proper breathing para hindi ko maisip na nasa masikip akong lugar.
Maya-maya pa ay tumigil ang elevator kaya napadilat ako. Ang bilis naman ng biyahe namin?
"We're stuck." Sambit niya na ikinagulat ko.
"Po?"
Napatingin ako sa numero sa itaas laking gulat ko dahil nasa panlimang palapag pa lamang kami. Nasapo ko ang aking bibig.
"Hey, calm down just relax gawin mo lang yung ginawa mo kanina habang tumatawag pa ako sa maintenance." Wika niya habang nakatingin sa akin. Humarap ako sa dingding at pumikit.
"Shit!"
Napamulat ako ng mata nang marinig ko siyang nagmura. Ganun na lamang ang lakas ng kaba ko dahil madilim na ang paligid at maliit na kulay pulang ilaw na lamang ang nakasindi.
BINABASA MO ANG
One Last Mistakes
RomanceMaagang nabuntis si Sam dahil sa isang pagkakamali. Pero itinama niya yun at nagpatuloy sa buhay. Nagsikap siyang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Dahil tinalikuran na rin ito ng Ama nito at ayaw niyang magmakaawa dito na sustentuhan...
