SAM
Nanlaki ang mga mata ko nang sa isang iglap lang ay naramdaman ko ang malalim niyang halik sa akin, lalo na nang magsimulang gumalaw ang kaniyang labi.
Mabilis ko siyang itinulak, pigil ko pa ang aking paghinga. Samantalang siya ay makikinitaan ng kagulohan sa kanyang mukha. Nabigla rin ako sa nangyari, ramdam ko rin na may talab na 'yung beer na ininom ko kaya bago pa mauwi sa hindi magandang pangyayari ay pinigilan ko na siya.
"P-Pasensya na, Sir! Tutulog na po pala ako! S-Sige po maiwan ko na kayo!" Hindi ko na siya inantay na makasagot pa. Dinampot ko na lamang ang basura ko at mabilis kong nilagay sa basurahan saka ako nagma-madaling pumasok sa loob ng bahay patungo sa aking kwarto.
Pagpasok ko ay saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag. Nagtungo ako sa kama at naupo. Muntikan na! Muntikan na akong mawala sa aking sarili! Ano na lamang ang gagawin ko kung sakaling gumanti ako sa kanya?
Pero bakit naman niya ako hinalikan? Nabigla rin ba siya? Siya na rin ang naglagay ng rules sa pagitan namin, pero bakit niya 'yun ginawa? Mabuti na lamang at hindi nawaglit sa isip ko ang sinabi niya sa'kin na hindi siya nakikipag-relasyon. Hindi rin naman ako papayag na maging fuck buddy niya. Ayoko maging babaeng parausan at mas ayokong maging desperada kagaya ni Ma'amTrixie. I know I deserve better than that. Palalagpasin ko ang nangyari kanina at kakalimutan na nangyari 'yun sa amin. Sana lang ay huwag na 'yung maulit pa.
Nakaramdam na ako ng antok kaya humiga na ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Masama pala talaga ang epekto ng alak sa katawan at pag-iisip, kaya simula ngayon hindi na ako iinom. Still, I won't deny the fact that alcohol could give me unconditional exhaustion. Tinutulongan ako nitong makaramdam ng antok at makatulog agad.
Pagka-gising ko ay diretso na agad sa pang araw-araw kong routine. Nang matapos ay lumabas na ako sa aking kwarto upang maghanda ng aming almusal. Subalit, nagulat na lamang ako nang makita ko si Sir na may ginagawa sa kusina. Nagdalawang isip tuloy ako kung tutuloy ba ako matapos ng kaganapan sa'min kagabi.
"Good morning." He greeted me when he noticed my presence. His baritone yet calm voice was invading the whole area.
"G-Good morning po." Tipid akong ngumiti sa kanya at nag-iwas ng tingin.
He gestured the dining table to me, "Maupo ka na dito, mabilis na lang ito." As well as invited me to join him. Tahimik lang akong tumungo sa hapag, at pansin ko rin amoy ng kape na tinitimpla niya.
As usual, the sunny side up egg, bacon, and fried rice are the food that welcomes me in the table. Ito pala ang naamoy ko nang lumabas ako. Ang bango at mukhang masarap din. Hindi ako makapaniwalang kayang gawin ni Sir ang ganitong bagay. Siguro kaya din siya mag-isang namumuhay dito dahil kaya naman niyang maghanda ng pagkain para sa sarili niya. Isa pa, ngayon ko lang siya nakitang nagluto.
Nakaka-panibago ang aura ni Sir ngayon. Para bang nakalimutan na niya ang nangyari kagabi? Ayoko din naman maging akward ang lahat kaya sinakyan ko na lamang ang mood niya.
"Do you want strawberry syrup, butter or chocolate?" Nakangiting tanong niya sa akin. Bitbit niya ang mga lagayan at iniintay ang sagot ko.
"Chocolate na lang po, Sir." Sagot ko sa kanya at kaagad niyang nilagyan ng chocolate syrup ang pancake ko. Naupo na rin siya pagkatapos at naglagay naman ng butter sa kakahango lang niyang pancake. Tinikman ko ang gawa niya pero habang ngumunguya ako, distracted naman ang mga mata ko sa labi niya.
"Is it good?" Tumango ako saka ngumiti habang okupado pa ang bibig ko sa aking kinakain. Masarap naman talaga siya. Perfect combination sa chocolate syrup.
"You're so messy." Natatawang sabi niya sabay ngiti ulit sa akin.
Dinilaan ko ang labi ko baka kumalat na 'yung chocolate syrup sa bibig ko kaya siguro niya nasabi sa akin 'yun.
"Nasa right lip corner, Sam." Turo niya habang umiinom ng kape at nakatingin sa akin. Dinilaan ko ulit ang labi ko sa parte na kanyang sinabi. Pero wala naman. Niloloko lang niya ata ako eh!
"Meron pa po?" Tanong ko ulit sa kaniya. Umuklo siya palapit sa'kin at siya na mismo ang nagpunas ng syrup mula sa nasabing sulok ng aking labi. After no'n ay tiningnan niya ang sariling thumb finger at tinikman 'yung chocolate na nanggaling sa'kin. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya.
"Sweet." Sensuwal niyang usal habang kagat-kagat pa rin ang hinlalaki daliri na kanyang ginamit mula sa aking bibig. Feeling ko may kung anong nagwawalang bulate sa aking tiyan nang sabihin niya 'yun.
Nahihiyang itinuon ko na ulit ang atensyon ko sa pagkain at hindi na siya tiningnan ulit. Nagmadali kong sinubo ang natitirang pan cake sa plato ko sa kadahilanan na hindi ko na makayanan ang presensiya niya at ang mga paninitig niya sa'kin. I'm not used to it and it seems weird.
Akala ko ba bawal akong mang-akit sa kanya? Pero bakit parang may mali? Parang siya pa ang gumagawa no'n? Nag o-overthink lang ba ako?
"Dahan-dahan lang, Sam. Baka mabilaukan ka diyan. Hindi naman kita aagawan. Makita lang kitang busog. Busog na rin ako." Sabi pa niya ng walang kahit na anong ritmo ng pagkahiya. My hands began to feel cold and sweaty. Hinawakan ko ang tasa ng kape ngunit pansin ko rin ang panginginig ng aking kamay sa tensyon. Ano ba kasi 'yung sinabi niya? Sa huwisyo kong 'to ay baka mas mabubulunan lang ako.
"Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo? Nanginginig ka kasi." Usisa niya sa'kin at nag-aambang hawakan ako sa noo na kaagad ko namang iniwas.
"Okay lang, Sir! Pasmado lang ako. Salamat po sa almusal." Nagmadali kong sinubo ang huling piraso ng pancake at mabilis na inubos ang kape kahit mainit-init pa para lang makatakas ako sa kanya. Nang marating ko ang lababo ay hinugasan ko na ang plato ko at tasa pati na rin ang ginamit niya sa pagluluto. Kaya naman pala masarap ang pancake, kase ready to cook na. Nakita ko pa ang box dito sa lababo at ako pa mismo ang nagtapon no'n sa basurahan. Akala ko pa naman ay siya ang nagluto. Na prank ako tuloy.
Naghuhugas ako ng pingan nang dumukwang siya para maghugas ng kamay. Nasa likod ko siya at kaunti na lamang ay magdidikit na ang aming katawan. Para akong napapasong lumayo sa lababo para bigyan siya ng daan at makapaghugas ng mabuti.
Napatingin pa siya sa akin dahil sa ginawa ko.
"Iniiwasan mo ba ako? Dahil ba sa nangyari kagabi?" Kunot-noo na tanong niya sa'kin habang nagsasabon ng kamay.
"Po? Ay hindi po Sir! Bakit ko naman kayo iiwasan kayo ang boss ko. Guni-guni niyo lang po 'yun." Ngumisi pa ako sa kanya. Pero sa kaloob-looban ko, ay nababaliw na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Pagkatapos niyang maghugas ay nagpunas naman siya ng kamay. Nagulat na lamang ako nang lumapit siya sa akin kaya napapaatras ako.
"Really? Hindi mo ako iniiwasan?" Tanong niya habang papalapit sa akin.
"H-Hindi po!" Mabilis na sagot ko sa kaniya hanggang sa sumagad na ako sa corner ng island counter dahil sa patuloy niyang paglapit.
"I doubt it. I think you're scared of me." He's looking at me closely as he cornered me in between his arms.
Mariin akong napapalunok dahil sa nakakaoanghina ng tuhod niyang paninitig, "S-Sir malalate na tayo."
"It's okay I'm the CEO." Hinawakan niya ang baba ko at iniangat para tingnan ko siya. "Do you like me?" Akusa niya sa mahinahon na boses. Dahilan ng pagkakaigtad ko. Nangangatal rin ang lalamunan ko sa tensyon.
"P-Po? H-Hindi po, Sir. H-Hindi ko po kayo g-gusto." Nauutal kong sagot na ikinakunot ng noo niya.
"What? Hindi mo ako gusto? Why?" Halos pabulong niyang sabi sa akin. Parang lalabas na ang puso ko sa pagwawala nito, I don't think na makakayanan ko pa ang ganitong situwasyon pag magtagal. Lumapit pa siya ng husto sa'kin, kaya't halos napapaliyad na ako sa kakaiwas. His body pressed mine.
"H-Hindi ko rin po alam, Sir. P-Pwede bang pakawalan niyo na ako? Please...?" Parang kinakaposan na ako ng hininga dahil sa mga galawan niya. Sooner, unti-unti siyang lumayo sa akin na ipinagpasalamat ko ng tahimik. Nakangiti niya rin akong tinalikuran, pansin ko pa ang pag lingon niya sa gawi ko bago pumasok sa kuwarto niya. Tiyaka lang din ako nakahinga ng maluwag.
Anong kayang nangyari sa kaniya? Natipus ba siya? Gusto niya ba akong patayin sa kilig?!
Hindi ko alam kung ano ang trip niya, pero subukan lang niyang pagtripan talaga ako at igaya sa mga ka-fuck buddies niya. Talagang aalis ako dito!
Pagbaba ko sa penthouse ay dumiretso na ako sa table ko para gawin ang trabaho ko. Hindi ko alam kung nauna ba akong bumaba sa kanya. Dahil hindi ko naman siya nakita.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang presensiya niya dahil pabango niyang pakalat-kalat sa ere at naaamoy. Gayun pa man ay sinasadya kong huwag siyang pansinin at pinagtuonan lang ng atensyon ang aking ginagawa. Sa nangyari na naman kanina, papaano ko pa magagawang tingnan siya?
"Marami ka bang gagawin?" bigla niyang pagtatanong sa'kin.
"Hindi naman po gaano. May ipapagawa po ba kayo?" Sandali ko lang siyang tinapunan ng tingin at bumalik na agad sa pagtitipa.
"Pumasok ka mamaya sa office ko. Ayusin mo yung mga books. Masyado na kasing magulo." Utos niya. Napatigil ako sa pagtitipa.
"Yun lang po ba? Okay po. Tatapusin ko lang po muna ito, Sir." Nagtipa ako ulit after ko siyang sagotin.
Kung hindi nangyari sa amin yung kanina baka hindi ganito ka-awkward para sa akin ang utos niyang ito.
"Okay." Narinig kong sabi niya saka siya umalis sa harapan ko. Nasubsub ko ang sarili sa keyboard. Ang hirap niyang tiisin na hindi siya titingnan. Ayoko naman na isipin niyang iniiwasan ko nga siya. Pero talaga namang iniiwasan ko siya dahil hindi na ako nagiging komportable sa ginagawa niya sa akin.
Makalipas ang isang oras ay tapos na rin akong mag-encode. Huminga muna ako nang malalim bago kumatok sa kanyang pintuan.
"Sir?"
"Come in!" Narinig kong sabi niya kaya tuluyan ko ng binuksan ang pinto. Nakasandal siya sa swivel chair at bukas pa ang kanyang polo. Nakasabit naman ang suit niya sa racker habang matiim niya akong tinititigan.
Pagka-sara ko sa pinto ay nagtungo na ako sa kanyang library na nasa kanan ng kanyang table. May tatlong estante ito at kabilaan ang mga libro.
Mukhang mabibigat din ang mga ito. Dahil malalaki at makakapal ang mga libro. Bakit kaya ako ang napili niyang paglilinisin niya dito? Kasama kaya ito sa trabaho ko?
"Siguraduhin mong walang maiiwan na alikabok diyan ha. Saka may mga volume at dates 'yang mga company files diyan. Ayusin mo na din para hindi na ako mahirapan maghanap." Dagdag pa niya.
"Yes, Sir." As if may choice ako?Hindi bale nalang. Mabuti na lamang at may hand carry na vacuum dito sa opisina niya nang sa gano'n ay hindi ako mahihirapang tangalin ang mga alikabok.
Pero ang nakakapagtaka lang, wala naman akong makitang alikabok. Pinahid ko din ang lagayan ng libro malinis naman ito.
Masyado talagang maarte ito si Sir! Nang matapos na ako sa ibaba ay kumuha pa ako ng upoan para abutin 'yung nasa itaas at pinagkukuha ko ang mga libro na naroon. May iilang bagay pa ang nahulog mula sa taas. Kaya bumaba ako para pulutin ang mga 'yon.
Tinignan ko ang mga larawan at mga picture ng mga magagandang babae ang naroroon. "Ano 'yan?" Nagulat ako nang magsalita siya.
"Mga picture po, Sir." Lumapit siya sa'kin at kinuha sa kamay ko ang mga pinulot kong pictures. Diretso niyang itinapon sa basurahan ang mga 'yon.
"Tapos ka na ba?" Tanong na naman niya. Nakatayo at nakasandal siya ngayon sa lamesa habang nanatili na nakatingin sa akin.
"Malapit na po, Sir. May ipag-uutos pa po ba kayo?"
"Ipagtimpla mo na lang ako ng kape after mo diyan." Tango lang ang isinagot ko sa kanya at nagpatuloy sa paglilinis. Kaka-kape lang naman niya kanina tapos hihingi ulit ng kape? Parang nanadya na eh. Pero ano kaya ang mga picture na tinapon niya? Mga babae niya kaya ang mga 'yun? Ang gaganda kasi eh. Pero bakit naman niya tinapon? Naiiling na tinapos ko na lamang ang ginagawa ko.
Nang matapos ako sa paglilinis ay umakyat ako sa penthouse para maipagtimpla ko siya ng kape na hinihingi niya. Pagkatapos ay bumaba na rin ako bitbit ang maliit na tasa. Kakatok na sana ako nang may marinig akong nag-uusap. Bahagya pang nakabukas ang pinto, kaya sumilip muna ako dahil sa pamilyar na boses na naririnig ko.
"Marami pa akong trabaho na tatapusin, Troy. Kaya mabuti pang umalis ka na." Narinig kong sabi niya sa lalaking kausap niya.
Troy? Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nagngangalang Troy na kausap ni Sir. Humigpit ang pagkaka-hawak ko sa tasa. Akala ko ay nagkamali lang ako ng dinig, pero hindi lang boses nila ang magkatulad pati narin ang pangalan.
"Bakit ang seryoso mo naman pinsan? Nandito lang naman ako para makita ang babaeng pinalit mo kay Trixie. Hay naku, mag pinsan nga tayo. Sayang ang sabi niya sa'kin, ipapakilala daw niya ako sa secretary mo. Tapos naunahan mo na pala ako. By the way, nasaan nga pala siya?"
Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil namalayan ko na lang ang aking sarili na pumapanhik pabalik sa penthouse. Hindi ko bagkus inakala na napakaliit pala ng mundo sa'min.
Hindi ko rin inaakala na mag pinsan pala sila ng walanghiyang lalaking yun! Akala ko pa naman nagkataon lang na Earon din ang pangalan ng sinabi ni Trixie 'yun pala! Si Earon Troy at si Troy na kausap ni Sir Bernard ngayon ay iisa! At hindi lang 'yun, mag pinsan pa sila!
Nasapo ko ang aking noo habang nakaupo ako sa island counter, ilang taon na rin ang lumipas. At apektado pa rin ako sa presensiya niya. Gano'n talaga siguro kapag may naiwan kang alaala tungkol sa inyung dalawa. Ang sira ulong yun! Pagkatapos niya akong galawin! Nalaman lang na buntis ako iniwan na kaagad ako! Naghirap ako at itinaguyod mag-isa ang pagbubuntis ko dahil tinalikuran niya ako at lumandi sa ibang mas maganda at sexy sa'kin. Tapos ngayon makikita ko siyang muli at ang nakakatawa pa talaga dahil ako pala ang babaeng tinutukoy ni Trixie na ipapakilala sa kanya!
Bahala na kung hanapin ako ni Sir Bernard, pero hindi talaga ako baba-ba hangga't naroon ang lalaking yun! Ayoko na siyang makita pa! Marinig ko lang ang boses niya ay kumukulo na ang dugo ko!
Nagpalipas muna ako ng sampong minuto at susubukan ko nalang na bumaba ulit mamaya. Magtitimpla na lamang ulit ako ng kape maya-maya para hindi naman malamig ang ibibigay ko kay Sir at iinumin ko muna ang tinimpla ko para hindi naman masayang.
Ilang sandali pa ay bumaba na ulit ako bitbit ang panibagong kape na tinimpla ko. Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ni Sir Bernard ay wala na akong naririnig na nag-uusap. Kaya kumatok na ako sa pinto.
"Come in!" Narinig kong sabi ni Sir Bernard. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang nakakunot niyang noo.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag dahil tama nga ang hinala ko. Wala na siya dito sa loob.
"Pasensya na, Sir. Sumama kasi ang tiyan ko." Pagdadahilan ko sa kanya sabay hawak sa tiyan ko. Ngumiwi pa ako para maniwala siya sa dinadahilan ko.
"What? Kanina pa ba 'yan? Tara sa hospital." Wika niya na ikinagulat ko. Kinuha niya ang coat niya kaya mabilis ko siyang hinarang.
"Sir! Hindi na kailangan! Okay na ako, baka dahil lang sa ininom ko kagabi." Pigil ko sa kanya.
Nagtae lang, hospital agad? Naku mahirap pala itong biruin at funny masyado.
"Are you sure?" paninigurado pa niya sa'kin habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.
"O-Oo naman, Sir! Hihi!" Ibinalik niya ulit ang coat niya sa racker at umupo humilig sa lamesa niya.
"By the way, ipag-book mo ako ng restaurant good for two people. Isesend ko sa'yo ang link tapos ikaw na ang mag-contact sa kanila." Utos na naman niya sa'kin.
"Masusunod po, Sir. Sige po lalabas na ako." Paalam ko sa kanya. Siguro may date na naman siya mamayang lunch. Hay naku! Ano pa nga ba ang aasahan ko? Pinsan ng babaero, eh di babaero din! Sana lang ay huwag ng mag-cross ang landas namin ng Troy na 'yun! At sana lang huwag malaman ni Sir Bernard ang tungkol sa'min dahil kung hindi, malaking problema ito para sa akin.
Hindi ko pa rin siya napapatawad at wala akong balak na patawarin siya.
Nang sumapit na ang oras for lunch ay lumabas na si Sir sa office niya. Tapos na rin ako sa ginagawa ko, kaya hinintay ko na lang talaga ang pag-alis niya upang makakain na rin ako. Nag-iisip pa ako kung magpapa-deliver nalang ba ako mula sa canteen o magluluto na lang ako ng simpleng ulam sa itaas. Paglabas niya ay sinarado niya ang pinto ng office niya tiyaka lumapit sa akin.
"Let's go." Puno ng pagtataka ko siyang inangatan ng tingin. "Saan po?"
"Samahan mo akong mag-lunch." Tila ba napakasaya niyang ibinalita sa'kin ang bagay na 'yun habang nakangiti. Akala ko ba may iba siyang kasama? Ang alam ko good for two lang ang pina-reserve ko. Ibig sabihin, kaming dalawa lang ang mag lu-lunch sa restaurant?
"Please hurry up. I'm hungry." Wala na akong magawa kundi ang tumayo sa upuan ko. At sumunod sa kanya.
Pagdating namin sa elevator ay hinawakan niya agad ang kamay ko. Pinindot niya ang basement at nagsimula ng bumaba ang elevator. Nakakapagtaka lang, no'ng unang beses kong sumakay dito takot na takot ako. Pero ngayon na hindi ko magawang pumikit dahil naiilang ako sa sitwasyon naming dalawa. Nakahawak siya sa kamay ko at nakaharap siya sa akin. Kapag pumikit ako ay baka may kakaibang mangyari.
"Ah, S-Sir? Hindi niyo na po kailangang hawakan ang kamay ko. Kaya ko naman po." Nahihiya kong sabi sa kanya. Ayokong tumingin sa mga mata niya kaya nakayuko ako nang sabihin ko yun.
"It's okay, Sam. Hawak lang naman, wala naman akong ibang gagawin. Saka baka atakihin ka ulit, mahirap na." kasuwal niyang sabi. Wala daw gagawin pero alam kong nakatingin siya sa akin.
Parang napakabagal ng pagbaba ng elevator. Parang gusto ko ng makarating sa basement para matapos na rin itong akward na sitwasyon namin.
"Do you really think that I'm a Womanizer?"
"Sir, kung womanizer ka man wala po 'yun sa'kin. Wala naman tayong karapatan na mag-judge ng tao sa nakikita lang ng ating mata."
"Exactly! Pero hindi 'yan ang gusto kong sagot mula sa'yo. I wanted to know kung womanizer ba ang tingin mo sa'kin." Pangungulit niya pa sa akin. Nakagat ko ang aking labi. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko. Kasi kung 'hindi' ang isasagot ko. Obvious naman siya masyado na may mag-kabilaang babae, at baka iisipin pa niya sipsip ako. Pero kung 'Oo' naman, baka mainis siya sa'kin. Marami naman kasing reason kung bakit nagiging womanizer ang isang lalaki. Syempre, kasama na doon ang pagiging good looking, mayaman, at bunos na 'yung may abs. Minsan naman depende pa rin sa lalaki. Kung hindi siya kontento sa partner niya, or hindi kaya baka may sakit na sa pagkamanyak, 'yun ang mas mahirap. Pero sa itsura ni Sir sabi nga niya fuck-buddies lang daw. It means no feelings attach just lust. Pero ang hirap naman noon. Makikipag-sex ka sa taong wala ka namang nararamdamang special. Walang connection, walang love, kaya hindi magiging love-making ang tawag doon kundi sex lang.
"Hey! Mahirap ba talagang sagutin ang tanong ko? Is it a yes for you?"
Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin 'yun ng hindi siya magagalit o magsusungit sa'kin. Syempre wala naman sigurong lalaki na proud sa pagiging womanizer di'ba?
Napabuntong-hininga siya at muling humarap sa akin. "I knew it. Kaya ba ayaw mo sa'kin dahil I am a womanizer?" Nagulat ako sa sinabi niya. Ano naman ang connection ng pagiging womanizer niya sa trabaho ko?
"Po? Naku! Hindi po, Sir! Gusto kita dahil mabait kang boss. Pero aside from that, wala na pong ibig sabihin 'yun. Saka hindi naman po ako apektado sa pagiging womanizer niyo, dahil empleyado niyo lang ako."
"Is that your final answer?" Seryoso na naman niyang tanong. Galit na ba siya? Kung makapagtanong parang si Kris lang ah! Baka bigwasan pa ako neto dahil sa kabalbalan na sinagot ko sa kanya! Well, sinabi ko lang naman ang totoo.
"Y-Yes?" Patanong kong sagot sa kanya. Confident naman ako sa sagot ko pero kung mamasamain niya ang sinabi ko bahala na siya. Nagtanong siya at sinagot ko lang naman kung ano ang alam kong totoo para sa akin.
"From now on, change your perception of me."
"Ha?" Hindi na niya sinagot ang tanong ko dahil bumukas na ang pintuan ng elevator at hinila na niya ako. Papunta kami sa kotse niya at pinagbuksan pa niya ako ng pintuan sa unahan. Pagkatapos ay umikot siya sa kabila upang sumakay sa driver seat. Hindi ko alam kung bakit wala siyang driver ngayon at ibang kulay din ng kotse niya. Marami siguro siyang kotse kaya iba-iba ang gamit niya.
Pagkarating namin sa restaurant ay may lumapit sa amin na babae para i-guide kami sa pina-reserve namin na table. Naiilang pa rin ako sa mga nangyayari, kahapon okay pa kami eh. Simula kaninang umaga, hindi na normal ang trato niya sa'kin. Kung ano-ano pa ang lumalabas sa kanyang bibig. Malakas talaga ang kutob ko na natipus siya kagabi. Dapat pala hindi ko na lamang siya iniwanan. Para naagapan ko sana. Kaya lang hinalikan niya kasi ako eh! At natatakot ako na baka hindi ko mapigilan ang aking sarili. Lalo na ngayon, panay ang pigil ko sa nararamdaman ko para sa kaniya. Pero siya naman itong nagbibigay ng rason para bumilis ang tibok ng puso ko. Pero hindi na 'yun maari, hindi maaring maging kami. Lalo pa't nalaman kong pinsan siya ni Troy. Sa totoo lang malaki na din ang pinagbago ni Troy mas lalo pa siyang gumwapo. Pero hindi ako natutuwa na nakita ko siyang muli. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pagtaboy sa'kin. Hindi ko makakalimutan 'yung araw na pumapasok ako sa school kahit buntis na ako no'n sa anak namin. Pero siya? Proud na proud pang mambabae sa campus. Hindi ko maaaring kalimutan ang lahat. Lalo pa at wala naman kaming naging maayos na paghi-hiwalay. Kahit man lang sorry, ay hindi ko narinig mula sa kanya. Ang pagkakaalam ko lang mula sa mga kaibigan niya, hindi daw sa kanya ang batang dinadala ko kaya ayaw niya sa'kin. Harap-harapan niyang niyuyurakan ang aking pagkatao. Pero nagawa ko pa rin na magpatuloy sa buhay. Minsan na akong nagkamali at hindi ko na uulitin ang lahat ng 'yun. Kahit pa gaano ko kagusto si Sir Bernard, ay hindi ko pa rin siya papatulan. Naniniwala ako sa kasabihan na ibibigay ng diyos ang nararapat pagdating ng panahon, kaya habang wala pa siya, sa pamilya ko muna ibubuhos ang lahat.
Hinayaan kong si Sir Bernard ang mag-order ng pagkain namin. Wala kasi akong ideya sa ino-order sa ganitong restaurant. Tahimik lang akong nakaupo at nagpapalinga-linga sa paligid. Kasi halos lahat ng naroon ay napapagawi sa amin ng tingin. Lalo na sa kasama ko may nagbubulungan pa at tumitingin sa kanya. Nginingitian pa niya ito. Hindi daw womanizer pero kung makangiti sa babaeng pumapansin sa kanya, akala mo kilala niya talaga.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang order namin. Tahimik akong kumakain at hindi na lamang binigyan ng pansin ang lalaking nasa harapan ko which is panay pa ang sulyap sa'kin. Kung bibigyan ko ng malisya ang lahat ng ginagawa niya. Baka masiraan ako ng bait.
"Sir, ito na po ang red wine na in-order niyo." Nag-angat ako ng tingin nang sabihin 'yun ng waiter na lumapit sa'min. Bitbit niya ang dalawang wine glass na may laman. Inilagay niya ito sa ibabaw ng lamesa namin at umalis.
Inabot niya sa akin ang isa na ikinagulat ko. "Tikman mo, masarap 'yan. Swabe lang ang lasa at nakaka-relax." Wika niya, sabay alok ng inumin.
"Sir, maglalasing ba tayo dito? Baka po makatulog na naman ako. Madami na akong nakain, kaya doble na ang bigat ko. Baka mahirapan kayong buhatin ako." Biro ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Just one glass, Sam." Pilit pa niya sabay kuha din ng kanya at ininom ito. At dahil uto-uto ako ay sinunod ko naman siya. Tinikman ko muna kung may pagkakaiba ba ito sa una kong ininom noon.
"How was it? Masarap ba?" Tanong niya sa akin. Ninamnam ko pa sa labi at tama nga siya. Masarap nga, hindi gaanong mapakla at manamis-namis pa.
Yung tikim ay naging lagok na sa'kin dahil sa nagustuhan ko talaga ang lasa niya at banayad lang sa lalamunan. Para mawala rin ang langsa ng kinain kong fish fillet.
"What a coincidence! Nandito ka rin pala pinsan!" Nagulat ako nang makita ko si Troy may kasama siyang mga lalaki. Sa sobrang gulat ko ay nalaglag sa plato ko ang baso ng wine na hawak ko. Hindi ko alam kung nabasag ito dahil lumikha 'yun ng ingay.
"Samantha?" Nagmadali akong tumayo sabay kuha ko sa bag ko. Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo ngayon palabas ng restaurant. Pero nang makita ko siya, nabuhay muli ang galit na matagal kong kinimkim sa mahabang panahon.
"Samantha, sandali!" Narinig kong tawag niya pero hindi na ako lumingon pa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo. At hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat kay Sir Bernard. I'm not good in acting. Hindi ko kayang magpanggap na okay lang ang lahat, dahil lang sa nakaraan na naman yun. Galit pa rin ang nangingibabaw sa akin. Galit ko sa kanya!
BINABASA MO ANG
One Last Mistakes
RomanceMaagang nabuntis si Sam dahil sa isang pagkakamali. Pero itinama niya yun at nagpatuloy sa buhay. Nagsikap siyang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Dahil tinalikuran na rin ito ng Ama nito at ayaw niyang magmakaawa dito na sustentuhan...
