Chapter 13

1.5K 36 0
                                        

Third Person's POV

Walang tigil ang kaba niya nang alalayan na siyang makasakay sa chopper ni Bernard. Bukod sa pagiging claustrophobic niya ay natatakot din siya sa heights, kaya nang mag-umpisang lumipad ang chopper ay wala siyang ibang ginawa kundi ang mariin na ipinikit ang mga mata. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng takot lalo pa't ito ang unang beses na gagawin niya ito.

"Hey, bakit ganiyan ang itsura mo? Are you okay? Tingnan mo ang paligid, sobrang ganda ng mga ilaw mula sa ibaba." Wika nito sa kanya pero hindi pa rin siya dumidilat.

"Sir, gaano ba tayo katagal bago bumaba dito? Bakit hindi pa tayo mag kotse na lang para mas safe." Reklamo niya habang nakapikit pa rin ang mga mata. Narinig pa niya ang impit na pagtawa nito.

"Natatakot ka pa rin? Hawak mo na nga ang kamay ko." Napadilat siya sa sinabi nito at ngayon niya lang napansin na mahigpit pala talaga ang pagkaka-holding hands nila sa isa't-isa. Naka-intertwined pa ang mga daliri nila habang nasa hita nito iyon nakapatong.

Parang napapasong kinuha niya ang kanyang kamay. Pero kaagad naman nitong binawi at inikot pa sa braso nito. Hinawakan pa ng isa nitong kamay para hindi na kumawala pa.

"I had the best feeling right now, so please just let me hold your hand." Sabi nito sa kanya na ikinaawang ng kanyang labi. Pakiramdam niya ay isa siyang mahalagang bagay na ayaw na nitong bitawan. Parang gusto niyang isipin na panaginip lang ang lahat ng ito, pero totoo ang lahat ng nararanasan niya ngayon. At paiba-iba na rin ang tibok ng kaniyang puso.

Napatingin siya sa baba at labis na nagulat siya nang matunghayan ang makulay na ilaw mula sa mga matataas na building, pati na rin ang mga ilaw sa kabuohan ng buong Maynila. Hindi naman pala ito nakakatakot kundi ay nakakamangha itong pagmasdan mula sa himpapawid. Para silang mga bituin sa langit.

"Ang ganda." Bulalas niya na may ngiti sa kanyang labi.

"Hindi, dahil may mas maganda pa sa lahat ng 'yan." Wika nito na ikinalingon niya sa binata. Napatitig siya sa gwapo nitong mukha. Bukod sa pagiging gwapo ay napaka-bango pa nito. 'Yung klase ng amoy na para bang bagong ligo at yung klase ng amoy na parang ang sarap sumiksik sa kili-kili nito maghapon maging sa magdamag.

"Wag mo akong titigan ng ganiyan." Saway nito sa kaniya. Napaiwas siya ng tingin at muling binalingan ng pansin ang mga nadadaanan nilang ilaw habang pinipilit niya ang kaniyang sarili na huwag mahulog dito ay taliwas naman ito sa pinapakita ng kanyang amo.

Hindi niya alam kung ilang minuto na silang nasa himpapawid, dahil madaming bagay ang gumugulo sa kanyang isip. Hanggang sa kung kanina ay dagat ang natatanaw niya, ngayon ay may matanaw siyang isla sa hindi kalayuan.

"Doon gaganapin ang birthday na pupuntahan natin?" Tanong niya dito. Pero hindi man lang ito nag-abalang sagutin siya.

"This is Captain Frank Sinatra. I'm about to ask permission to land private chopper of Villegas Corporation on Yacht 'Binibini'." Narinig nilang anunsyo ng pilotong nagpapalipad ng chopper.

"Okay, Sir. We're already prepared."
Napahigpit ang kapit niya sa kamay nito nang pumihit pababa ang chopper. Natanaw nila ang yate na tinutumbok ng sinasakyan nila. May nakalagay din itong letter 'H' kagaya nang sa bubong ng penthouse.

"Yate yan? Parang kasinlaki na siya ng barko." Hindi maiwasan ang mamangha habang papalapit na sila.

"Actually, magkasingmahal sila ng malaking barko. Sa unang tingin ko pa lamang diyan ay nagustuhan ko na siya kaya kaagad ko siyang binili nang magpunta ako sa New Zealand and I named it, Binibini." Sagot nito sa kaniya. Habang nag-umpisa ng bumaba ang chopper.

Hindi makapaniwala si Sam na pag-aari ito ni Bernard. Ano pa nga ba ang ini-expect niya? Bukod sa pagiging Bachelor ay napaka-successful din nito.

"Bakit Binibini, Sir? Marami naman ibang pangalan." Nagtatakang tanong niya dito. Nakita nila ang isang lalaking nakaputi na kumakaway mula sa paglalandingan ng chopper may dala pa itong light stick.

"Malalaman mo din, pero hindi pa sa ngayon." Sagot nito sa kanya. Hindi na lang niya ito kinulit, sapagkat tuloya ring tumigil ang chopper at nauna ng bumaba si Bernard at inalalayan pa siyang makababa. Nagliliparan ang mahaba niyang buhok kaya tinipon niya muna upang hindi madala ng hangin.

"Good evening, Mr. Villegas and Ms. Briones." Bati sa kanila ng tatlong lalaki na sumalubong sa kanila. Puro nakaputi ang mga ito. Nagpalinga-linga si Sam sa paligid pero wala man lang siyang makikitang kahit isang tao na bihis kagaya ng suot niya. Parang puro crew ang kanyang nakikita.

"Good evening, po." Bati din niya sa mga ito. Nagtataka pa siya at alam na alam ata nitong darating siya.

"Okay na ba ang lahat? You can now leave." Wika ni Bernard na ikinatingin niya dito.

"Pinapaalis mo sila? Bakit? Saka nasaan ang mga bisita?" Nagtatakang tanong niya na ikinangiti lang nito. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang hilahin ni Bernard paakyat sa hagdan.

"Wow..." Umawang ang labi niya nang bumungad sa kanya ang malawak na sofa kung saan kakasya ang singkwenta katao. Nasa tabi nito ay ang malaking Jacuzzi pool.

"Sit down first." Utos nito sa kanya. Agad naman siyang umupo sa malambot na sofa. Nasa harapan nila ang glass table. May mga charcuterie board for the appetizer typically served on a wooden board or stone slab that features a selection of preserved foods, especially cured meats or pâtés, as well as cheeses and crackers or breads. Madalas sa mga mayayaman na handaan lamang ito sini-serve. Sa tabi naman nito ang isang red wine na nakababad sa malaking ice bucket.

Tumayo si Bernard at nagpaalam sa kanya sandali. Maya-maya pa ay narinig na lamang niya ang pag-alis ng mga bangkang de-motor. Tatayo na sana siya pero nakita niyang pabalik na si Bernard at may dala pa itong bouquet of roses.

"I'm sorry kung kailangan kong magsinungaling sa'yo para maisama ka dito. Actually, ang totoo niyan... Gusto sana kitang ayain na mag date, kaya lang hindi ko alam kung papayag ka kaya nag-dahilan na lamang ako na a-attend tayo ng birthday."

"Po? Ibig sabihin dinala mo ako dito for a date?" Hindi makapaniwala na napatanong siya dito. Lumapit pa si Bernard sa kanya para ibigay ang bulaklak na hinanda para sa kanya.

"Yes, I want to surprise you." Nakangiti na inabot sa kaniya ang flowers. Nagdadalawang isip pa siya kung tatanggapin niya ito dahil iniisip niya kung nagsinungaling ito sa kaniya. Ibig sabihin... Ibig sabihin ay sila lang ang tao na nandito? Narinig niya kanina na pinaalis na nito ang mga tao at ang pag-alis din ng mga motor boat.

"Sir, kung ano man ang plano niyo mabuti pa umuwi na lang tayo."
Nakakunot ang noo na napapatingin sa kanya si Bernard dahil hindi nito tinanggap ang bulaklak na ibinigay niya.

"Why? Iniisip mo bang bukod sa date ay may iba pa akong gagawin sa'yo? I know, napangunahan ka ng impression mo sa akin. But I don't force a girl to have sex with me."

"Sir, hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin. Alam ko naman na hindi niyo ako pipilitin. Pero kasi, parang may mali. Ang laki po ng nagastos niyo. Hindi ko ito deserve. Alam ko po mahirap lang ako at hindi naman ako dapat bigyan ng ganito ka special na date, kahit sa turo-turo lang solve na ako eh. Pero ang sumakay sa chopper, maglanding sa mala-barkong yate, at manatili sa malaparaisong isla na ito? I think hindi po ako nararapat dito." Katuwiran niya kay Bernard. Labis kasi siyang na-overwhelmed sa pinapakita nito sa kanya, at ayaw niyang mag-invest ito ng panahon o bagay sa kanya, dahil kahit siya hindi pa niya alam kung kakayanin pa ba niyang pumasok sa isang relasyon. Lalo pa't nangako siya sa kanyang mga magulang na magpapakatino na siya.

"Sam, para sa'kin you deserve it. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mong turo-turo pero susubokan din 'yan natin sa next nating date. For now, pwede bang hayaan mo muna akong gawin ito? This is my first time na mag-effort sa isang babae. Kaya please, let us treasure this moment." Mahinahon nitong sabi sa kanya. Nakaramdam naman siya ng guilt sa sinabi nito. Napabuntong hininga si Sam na tumingin sa kanya.

"I'm sorry, Sir. Advance lang po talaga ako mag-isip. Naintindihan ko po, pero next time hindi niyo na po kailangang gawin pa ito. Nahihiya kasi ako sa inyo, baka isipin niyo pa na nanamantala na ako sa kabaitan niyo." Nahihiyang wika ni Sam sa kanya.

"Hindi ko iniisip yan." Inangat ni Bernard ang kanyang kamay at hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ni Sam dahil sa mabining hangin at inilagay ito sa likuran ng kanyang tenga. "I trust myself, Sam. I know, hindi lang simpleng paghanga ang nararamdaman ko. I know may pinagmumulan ito. Hangga't hindi pa rin malinaw sa'kin ang lahat. Just let me do this for you." Mahinang sambit ni Bernard sa kanya. Napatingin si Sam sa maamo at gwapo nitong mukha.

"Jusko! Help me, parang hindi na ako makahinga. I think, I need oxygen to breath. Ano bang gagawin ko? The more I distance my self away from him, mas lalo naman niyang inilalapit ang kanyang sarili sa akin? Sign na ba ito para lumipat ako ng trabaho?" Bulong ng isip niya.

Hindi makapaniwala si Sam na sa maiksing panahon na nakasama niya si Bernard ay magkakaroon na agad ito ng pagtingin sa kanya. At hindi rin niya akalain na gagawin ito lahat ni Bernard para sa kaniya. Pangarap niya lang kasi dati ay makapagtrabaho lang sa kompaniya nito.

Pero ang lalaking nakikita niya lang noon sa billboard at hinahangaan niya ay kasama niya na ngayon dito sa malaki at napakamahal nitong yate.
Tanaw din mula sa yate ang maputing buhangin mula sa resort dahil sa sinag na nagmumula sa malaking buwan. Masarap din ang simoy ng hangin dito at katamtaman lang ang lamig sa balat.

Bukod sa mga malalaking establishment na nakikita niya sa resort sa di kalayuan ay wala na siyang ibang nakikitang mga tao sa paligid. Siguro ay dahil malapit ng maghating-gabi. Pero silang dalawa ngayon pa lamang mag-uumpisang e-enjoy ang hinanda ni Bernard na date para sa kaniya.

Nagpaalam sa kaniya si Bernard na may aayusin lang sa loob kaya naiwan siyang mag-isa. Inisang lagok niya ang wine na nasa baso at kumuha ng peanut sa charcuterie board.

Maya-maya pa ay dumating na naman si Bernard pagkatapos ay nakarinig siya ng tunog mabining tugtog mula sa piano. Nakaka-relax itong pakinggan at parang nakakaantok din tila ba ang sarap humiga sa sofa at i-unat ang mga binti habang nakatingin sa langit na puno ng bituin.

"Nagpatugtog lang ako para hindi naman sobrang tahimik dito." Wika nito nang makabalik at makalapit sa kanya. Nagliliwanag ang ilaw sa buong yate kaya hindi naman siya natatakot na silang dalawa lang.

"By the way, can I dance with you?" Alok ni Bernard sa kanya habang nakalahad ang kamay nito sa kanyang harapan.

"S-Sir, hindi po kasi ako marunong sumayaw." Tutol niya. Pero si Bernard na mismo ang kumuha ng mga kamay niya. Kaya napilitan siyang tumayo.

"Hindi naman kailangan ng steps sa sweet dance diba?" Nakangiting tanong nito sa kanya. Iginiya siya nito sa dulo ng yacht at inilagay ang dalawang kamay niya sa balikat nito habang sa beywang naman niya nakahawak ang kamay ni Bernard.

Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin. Para kasing natutunaw na siya dahil sa pagtitig nito sa kanya. Ito na rin kasi ang pinakamalapit na mukha nila sa isa't-isa at kailangan pa niyang tumingala para lang makita ang mukha ni Bernard.

"I hope you'll enjoy this date, Sam. Ito ang unang beses na ginawa ko 'to sa isang babae."

"O-Okay naman, Sir. Happy naman ako." Tipid na sagot niya, nakagat niya ang ibabang labi dahil para siyang nanginginig sa nararamdaman na pressure, kahibla nalang kasi ang layo ng mukha nilang dalawa.

"Can you look at me in the eye, every time na may sasabihin ako sa'yo?"
Napatingin siya sa mga mata nito. Kaya pareho na silang nakatitig sa isa't-isa. Lalong kumabog ang dibdib niya.

"N-Naiilang kasi ako, Sir. Pasensya na." Kagat labi niyang sabi dito na ikinangiti naman ni Bernard.

"Ha? Why? Ako lang ito Sam. Hindi mo kailangang mailang sa'kin. At isa pa, magiging boyfriend mo din naman ako kaya bakit hindi pa ngayon?"

"Po?" Ulit niya dito. Baka kasi nagkamali lang siya ng dinig. Inilapit ni Bernard ang labi niya sa gilid ng ulo ni Sam. Pakiramdam ni Sam ay nagtayuan ang lahat ng balahibo niya nang maramdaman niya ang hininga nito sa kanyang tenga.

"Can you be my girlfriend?" Nagulat si Sam sa sinabi nito kaya napabitiw siya dito.

"S-Sir, upo na tayo. Sakit na ng tuhod ko." Nakangiwi niyang sabi sa binata. Akmang aalis na sana siya pero agad na nahawakan nito ang kanyang braso at iniharap muli dito.

"Ayaw mo ba sa'kin? Ano bang gusto mo sa lalaki? Why not giving me a chance?"

"S-Sir, hindi naman po sa gano'n. Parang ang bilis lang kasi. Magdadalawang lingo pa lamang ako sa kompaniya tapos noong isang araw lang kayo nagsabi na liligawan niyo ako, tapos ngayon... Gusto mo sagutin na agad kita. Parang ang bilis naman po. Parang may mali kasi... Tapos Boss pa kita. Ano na lamang iisipin ng mga tao sa'kin?"

"Sam, naintindihan kita. But I want you to know na indi ang panliligaw ang pinapatagal, kundi ang relasyon. I can do it both, kapag sinagot mo na ako. Liligawan kita araw-araw kahit tayo na. I don't care of what others think about us. Walang mali sa ginagawa natin. I just want an answer. Para may dahilan naman ako to protect you. Para naman may dahilan ako to take care of you."
Nalaglag ang panga ni Sam sa narinig niya mula dito. May point naman ito, sa isang banda dahil tama naman ito may mga matatagal pero naghihiwalay pa rin naman subalit natatakot pa rin siya na baka hindi mag-work ang relasyon nila lalo pa't hindi naman ordinaryong tao si Bernard Villegas.

"Sam, do you like me? Yes, or no?" Ulit na tanong niya dito.

"Kasi Sir ba—"

"Yes or no."

"May anak na ako sa ibang lalaki, Sir. Actually, sa pinsan mo pang walang balls. Hindi ko pwedeng ipagwalang bahala ang sasabihin ng iba lalo na sa pamilya mo. Lalo pa kung makaka-apekto ito sa buhay namin ng anak ko." Nakayukong sagot niya dito. Bumaba ang kamay nito sa kanyang kamay at pinisil yun.

"Sam, papasokin ko ba ang sa buhay mo kung hindi ako handa sa responsibilidad? Kasalanan ba sa mundo na magkaroon ka ng anak sa ibang lalaki na hindi ka naman kayang panindigan? Because for me, hindi mo kasalanan na nagkamali ka ng minahal. Sometimes we had to fall in love with the wrong person. Pero hindi ibig sabihin no'n ay maling tao pa rin ang darating sa buhay mo. But I can assure you that no matter what happen hindi kita iiwan. Kaya kong patunayan yun sa'yo kahit sa ano mang paraan. At isa pa, I have balls unlike my cousin."
Napabuntong hininga siya sa sinabi nito. Kahit ano atang sabihin niya ay may sagot ito sa lahat.

"Okay, I'll give you three days. Pag-isipan mo ang lahat ng sinabi ko sa'yo. But for now, let us both enjoy the night." Wika nito. Pagkatapos ay naupo na ulit sila sa sofa.
Sinalinan siya nito ng wine sa baso.

"Sir, baka malasing ako nito." Reklamo niya dahil sa taas ng isinalin nito sa baso niya.

"Eh, ano naman kung malasing ka? Kaya naman kitang buhatin papunta sa kwarto."

"Po?" Napalunok siya sa sinabi nito.

"Kwarto mo, Sam. May sampung kwarto dito at dahil ayaw mo pa naman akonsagutin... Magkahiwalay tayong matutulog, for now." Seryosong sagot nito sa kanya na parang ang laki ng kasalanan niya dito.

"Ibig sabihin kapag kami na, sa isang kwarto na agad kami matutulog?" Bulong ng isip ni Sam.

Nanlaki ang mga mata ni Sam at napabalikwas ng bangon, nang makita niyang nasa hindi siya pamilyar na lugar. Inikot niya ang kanyang paningin sa loob ng kwarto. Bukod sa malaking kama na hinihigaan niya ay may bintana din siyang nakita. Nagmadali siyang lumapit dito pero laking gulat niya nang dagat pa rin ang kanyang natatanaw sa labas.

"Good morning!"

"Ay, Ot*n!" Gulat niya nang marinig niya ang baritono ngunit malambing na boses ni Bernard.

"Ganyan ka ba talaga kapag nagugulat? Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig mo?" Kunot noo na tanong nito sa kanya.

"S-Sir, ano pong nangyari kagabi? Ibig sabihin nandito pa rin tayo sa yate?" Hindi makapaniwala na tinanong niya ito. Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi at napahawak pa siya sa kanyang sintido.

"Hindi mo alam ang nangyari kagabi?" Nakataas ang kilay na tanong ni Bernard sa kanya. Napayakap siya sa kaniyang sarili. At napansin niyang suot pa rin niya ang dress niya kagabi kaya imposibleng may nangyari kagabi.

"Patola ka, Sir! Huwag ako." Nakangisi niyang sabi dito. Malakas ang loob niyang wala talagang nangyari kagabi kasi kung meron man baka masakit na ang katawan niya at isa pa, wala naman siyang ibang nararamdaman maliban sa masakit ang kanyang ulo. Basta ang huli niyang naalala ay inalalayan siya nito na pumasok sa kwarto tapos pinagsarhan na niya ito ng pinto.

"Hindi ka na mabiro. Mabuti pa magbihis ka muna. May damit ako diyan at boxer shorts. Malinis naman yan, may tag pa yan kaya huwag kang mag-alala. After mo magbihis ay umakyat ka sa deck, naghanda ako ng breakfast." Nakangiting sabi nito sa kanya. Napansin pa niyang namumula ang tenga nito bago pumihit at lumabas ng kwarto.

Napadako ang tingin niya sa paper bag na ipinatong niya sa mesa. Kaagad niyang dinampot at pumasok agad sa banyo. Naligo na rin siya dahil iba na ang amoy niya.

Mabuti na lamang at kompleto ang gamit sa loob ng banyo. Ilang minuto lang ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na katok. Palabas na rin sana siya na suot ang kulay puting t-shirt nito at black na boxer shorts.

"Hindi ka pa ba tapos? Lalamig na 'yung pagkain."

"Lalabas na po!" Nakakahiya man ay wala siyang magawa kundi ang lumabas nang suot ang gamit nito. Naglagay lang siya ng towel sa ulo niya dahil basa pa ang kanyang buhok.

Bumungad sa kaniya ang nakakunot na noo ni Bernard. Pero nalusaw din agad yun nang makita siya. Hinagod pa siya ng tingin nito. Mula ulo hangang dibdib. Saka palang niya naalalang wala nga pala siyang bra. Dahil padded naman ang dress na suot niya. Kinuha niya ang towel sa kanyang ulo at tinakip ito sa kanyang dibdib. Lumaglag ang basa niyang buhok.

"Pasensiya na po amoy ko na kasi ang sarili ko kaya naligo muna ako." Pagdadahilan niya. Kinuha ni Bernard ang nakasabit na bathrobe at inabot agad ito sa kanya.

"Wear this, baka makita ka ng mga kaibigan ko mamaya."

"Po? May kasama na tayo dito sa yate?" Tanong niya habang nakatalikod at sinusuot ang bathrobe na ibinigay nito sa kanya.

"Sam, pwede bang huwag mo na akong tawaging Sir? At huwag mo na rin akong Po-po in."

"Pero Si—."

"Kapag tinawag mo ulit ako ng Sir at nag 'po' ka pa rin sa'kin hahalikan kita sa lips." Putol nito sa kanya.

"Pero Si—" Nanlaki ang mata ni Sam nang isandal siya nito sa cabinet. Nasa magkabilang gilid pa niya ang kamay nito at kahibla na lamang ang layo ng mukha nilang dalawa.

"I'm warning you... I'm gonna kiss you." Pabulong na sambit nito sa kanya. Napatikom siya ng bibig at napalunok. Malakas din tumibok ang kaniyang puso.

"H-Hindi na." Pigil hininga niyang sabi.

"Good girl." Nakangising sabi nito sa kaniya bago siya nito bitawan. Nakahinga si Sam ng maluwag. Para na kasi siyang aatakihin kanina at hindi na niya alam kung paano iiwas sa titig nito.

Nakasunod lang siya ng lakad habang paakyat sila sa view deck sa itaas. Kung maganda ang labas ng yate ay mas maganda naman dito sa loob. Parang mamahaling hotel dahil sa gold at wooden structure ng interior nito. Napapangiti siya habang tinitingnan ang broad shoulder ni Bernard. Nakasuot lang din kasi ito ng summer printed polo at maong na short. Kahit ano talaga ang suotin nito ay hindi parin nababawasan ang kagwapuhan nito.

Namangha si Sam nang makita niya ang kabuohan ng rooftop ng yate. Mataas na ang araw pero hindi ito masakit sa balat. Bumungad sa kanya ang mesa na puno ng fresh fruits. Typical na agahan may egg, bacon, may mga sea foods din at java fried rice.

"Dito ka na sa tabi ko maupo." Nakangiting sabi nito sa kaniya. Nahihiyang sumunod siya sa sinasabi nito. Lahat na ata ng sasabihin nito sa kanya ay ikakapula ng kanyang mukha. Hindi pa niya ito sinasagot pero grabe na kung mag-effort.

"Tikman mo lahat 'yan. Mag scuba diving tayo mamaya kaya damihan mo ang kain." Mula sa pagkain ay napatingin siya kay Bernard.

"Si— este! Hindi pa tayo uuwi?" Kunot noo na tanong niya. Akala niya kasi ay nagpalipas lang sila ng gabi dito. Pero may iba pa pala itong plano.

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa'yo? I'll give you three days to decide. Habang wala ka pang sagot dito muna tayo sa isla. Kaya wala kang ibang gagawin kundi ang isipin ang isasagot mo sa'kin. At habang magulo pa ang isip mo. Ipapakita ko muna na worth it akong maging boyfriend." Hindi makapaniwala si Sam na seryoso pala ito sa sinabi nito kagabi. At hindi lang 'yun, nag-uumpisa na siyang magbago ng isip.

"Bro!" Sabay silang napalingon nang may marinig silang sumigaw mula sa ibaba.

"Ipakilala mo naman kami sa maganda mong kasama!" Sigaw ni Xandro sa kanilang dalawa.

"Oo nga! Ako din!" Segunda naman ni Inigo.

"Tarantado talaga." Naiiling at napapangising sabi ni Bernard sa mga kaibigan niyang nag je-jet ski.

"Fuck you! Tatawagan ko kayo mamaya!" Ganti niya sa mga ito. At nagtatawanan pa na lumayo sa yate nila.

"Sino sila?" Usisa niya.

"Sila 'yung mga kaibigan ko. At uunahan na kita. Mga gwapo sila. Pero mas gwapo ako sa kanila kaya sa'kin ka lang tumingin okay?"

Napapangiti siyang sumang-ayon sa sinabi nito. Mahirap na baka mas lalo pa siyang pag-diskitahan nito. Pero totoo nga na guwapo at pamilyar din sa kaniya ang mga ito.

"Saan ko ba sila nakita?" Bulong ng isip ni Sam. Kung kaibigan ang mga yun ni Bernard ay siguradong mayayaman din ang mga ito.

"Oh my God!" Bulalas ni Sam nang maalala niya ang mga mukha ng mga ito.

"Why? Hindi mo ba nagustuhan ang hinanda ko?" Tanong ni Bernard sa kanya.

"Hindi 'yun, kilala ko sila. Di'ba sila si Mr. Inigo Ramirez at Xandro Santillian?" Excited niyang tanong kay Bernard na ikinakunot ng noo nito.

"How did you know?" Napatayo si Sam at sinundan ng tingin ang nagpapaunahan ng jet ski na mga kaibigan ni Bernard. Nakikita niya rin kasi ito sa mga business magazine kaya at kasama din nito sa mga picture sa internet ang dalawang 'yun.

Bukod pa si Rafael at yung si Fernan. Hindi siya makapaniwala na makikita niya ang mga ito ng personal. Malakas na tumikhim si Bernard kaya bumalik ang atensyon nito sa kanya.

"Maupo ka na, nasa harapan mo na ako natingin ka pa sa iba?" Salubong ang kilay na pahayag nito sa kanya. Kaya muli siyang bumalik sa pagkakaupo.

"Bakit mo sila tinitignan? Don't tell me isa ka din sa mga babaeng humahanga sa kanila?" Seryosong tanong niya kay Sam.

"Paano mo nalaman? Oo naman! Sino ba naman ang hindi hahanga sa gaya nila. Palagi ko pa ngang tinitingnan sa internet ang mga pictures nila. Ang gwapo kaya ng mga kaibigan mo—"
Natigil si Sam sa pagsasalita nang ibinagsak na ni Bernard ang kanyang kutsara sa babasagin na plato.

"Stop it, nagseselos ako. Ayoko ng nagseselos Samantha. Dahil sa sinabi mo tayong dalawa na lamang ang mag-scuba diving mamaya."

"Eh, bakit ka naman nagseselos? Hinahangaan din naman kita noon p—"

"What did you say?" 

One Last MistakesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon