Chapter 3

1.7K 40 2
                                        

Halos malaglag ang aking panga nang tumingala ako sa Villegas Company. Sa itsura pa lamang nito ay halata muna kung gaano ito kalaki at kayaman ang may-ari nito puro tinted na salamin ang bawat palapag nito. Tunay ngang kahanga-hanga hindi lang ang nagpapatakbo dito kundi pati na rin ang kanilang kompanya. Kung papalarin akong makapasa sa interview ay hindi ko lamang siya makikita araw-araw. Siguradong malaki din ang maitutulong ko sa aking pamilya.

Bigla akong kinabahan nang makapasok na ako sa loob. Bumungad sa akin ang malawak na receiving area. Malamig din dito at kahit umaga ay nakabukas pa rin ang magagandang chandelier. Parang hindi opisina ang lugar na ito. Para na rin siyang hotel. Nakakamangha ang bawat sulok sa lobby pa lamang paano pa kapag sa loob na ng opisina.

Napansin ko ang mga empleyado na kasabay kong pumasok. Lahat sila ay may maayos na suot. Plantsado ang mga damit nila at high heels pa ang kanilang sapatos. Bigla akong nakaramdam ng panliliit. Kumpara sa suot ko na kulay putting panloob na galing pa sa ukay ay medyo masikip pa kaya nagiingat din ako sa pagkilos. Mabuti na lamang natatakpan ng suot kong long sleeve na blazer.

"Good morning po, pinapunta po ako ni Mr. Villegas for the interview."

Tanong ko sa receptionist sabay silang napatingin sa akin at hinagod nila ako ng tingin kaya naiilang na inayos ko ang buhok ko.

"Interview? Sigurado po kayong si Sir Villegas po ba ang nagpapunta sa inyo dito?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Ah, eh yes Ma'am siya ang nagpapunta sa akin dito." Kinakabahan na sagot ko sa kanya. Mukhang uuwi akong bigo ngayon dahil parang nagdududa siya sa sinabi ko.

"Okay, wait lang po tatawagan ko lang ang secretary niya."

Napasinghap ako dahil sa kaba. Mali atang derecho na agad ako kay Sir Villegas. Hindi kasi ako dumaan sa tamang proseso ng pag-aaply kung hindi dahil kay Tiya baka wala ako dito ngayon.

Nag-aantay akong tawagin niya ako ulit ngunit napagawi ang tingin ko sa pumasok sa salamin na pintuan ang lalaking naka three piece suit na may dalang attaché case.

"Makita ko lang si Sir buo na ang araw ko." Napatingin ako sa receptionist na nagsalita. Kapwa sila nakatingin sa lalaking nakasuot ng eye glass na humahakbang papalapit sa amin.

"Hi, sir Good morning!" Bati nila sa kanya. Literal na nalalaglag ang panty este! Ang aking panga nang tangalin niya ang kanyang eye glasses.

"Good morning ladies. Keep up the good work." Sagot niya sa dalawa na halata namang abot langit na ang ngiti dahil sa kilig. Dumaan siya sa harapan ko kaya nasamyo ko ang mabango niyang pabango. Pero nanatili akong nakanganga dahil ang lalaking sa billbord, tv, at internet sites ay ngayon nasa harapan ko na at mas malakas pa ang naging dating niya sa akin.

Nilagpasan niya ako ngunit tumigil siya at muli akong binalikan. Natigil ang aking panaginip dahil nasa harapan ko na siya at nakatingin sa akin.

"Sir, sabi niya po kayo daw nagpapunta sa kanya dito para sa interview." Sabi ng receptionist na nakausap ko na ikinalingon niya. Bumaling ulit ang tingin niya sa akin.

"Are you Samantha Briones?" Tanong niya na ikinatango ko. Hinagod niya ako ng tingin kaya napalunok ako at nahihiyang yumuko. Pakiramdam ko lalong sumikip ang suot kong blouse dahil hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya.

"G-Good morning S-Sir." Halos pautal na sambit ko sa kanya. Yumuko ako at naiinis sa sarili. Hindi ko akalain na nakakawala pala siya sa sarili. Kaya pala maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya dahil sa itsura at amoy pa lamang niya ay mahuhulog ka na. Pero hindi ito ang pinunta ko dito kundi trabaho!

Gumising ka Sam!

"Sumabay ka na sa akin may one hour pa naman ako bago ang meeting." Napaangat ako ng tingin pero tumalikod na siya. Tinungo niya ang elevator pero ayaw humakbang ang mga paa ko. Inugat na ata ang paa ko dahil sa nararamdaman ko ngayon na kaba.

One Last MistakesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon